Chapter 1

11 0 0
                                    

Kaibigan. Mga kaibigan. Nasaan kayo tuwing kailangan ko ng kaibigan?

Pero hindi ko naman kayo masisisi dahil ako ang umalis at nang-iwan.

Nahihirapan na ako sa sitwasyon ko. Bakit ba kasi kailangan pa namin lumipat sa Cavite at dito na mag-aral. Pwede namang maiwan na lang ako sa Makati at mag-boarding house. Mag-aral at mamuhay mag-isa tapos padalhan na lang nila ako ng pera. Hindi ba naisip ng mga magulang ko ang bright idea na ‘yon?

“Sixteen ka pa lang anak. Teen. Hindi mo pa kayang mag-isa,” paulit-ulit na sinasabi ng nanay ko.

“O wala lang talaga kayong tiwala sa panganay niyong anak?” paulit-ulit ko namang sagot sa kanya.

Second semester na ng unang taon ko sa kolehiyo pero ito pa rin ang pinagtatalunan namin ng mga magulang ko.

Kaibigan, tropa, barkada o kung pang pwedeng itawag sa kanila, sila ang dahilan kung bakit gusto kong sa Makati na lang ulit tumira at mag-aral.

Hindi naman sa wala akong kaibigan sa pribadong unibersidad na pinapasukan ko ngayon, pero iba pa rin kasi talaga yung mga kaibigan ko eh. Pakiramdam ko kapag sila ang kasama ko, ako si Andie. Walang iba.

“Anak, sana naman maintindihan mo. Hindi madali mabuhay mag-isa, kung yun ang iniisip mo. At isa pa, hindi ka namin mababantayan. Baka puro barkada lang ang intindihin mo. At least dito, focus ka sa pag-aaral.”

Focus sa pag-aaral? Hindi. Ako. Nakakapag-focus. Sa. Pag-aaral.

Hindi naman ako rebeldeng anak. Malaking bagay lang talaga sa akin kapag nandyan yung mga kaibigan ko.

“Andie, alam kong namimiss mo lang yung mga kaibigan mo. Pwede mo naman silang bisitahin kahit kailan mo gusto, malapit lang naman ang Cavite sa Makati eh.”

Hindi ganon kadali ‘yon. Maraming pwedeng maging hadlang kapag bibisita lang ako.

1.     Allowance. Laging nauubos ang pera ko sa school dahil sa mga gintong pagkain na sobrang mahal. Hindi ako nakakapag-ipon.

2.     Traffic. Matinding traffic sa Maynila.

3.     Schedule. Pare-pareho na kami nasa college at ako lang ang naiibang unibersidad na pinasukan kaya magkakaiba kami ng schedule. Maswerte sila dahil nasa iisang eskwelahan lang sila kaya sabay-sabay silang nagtatanghalian.

4.     Time. Kailangan pang i-compute ang oras ng biyahe papunta sa Makati at pabalik ng Cavite, plus the traffic, equals limited time. Tuwing bibisita ako, limitado lang ang oras namin – o ako lang pala.

Pero katagalan, napagod na sa pakikipagtalo ang ermats ko kaya hindi na lang niya pinapansin ang mga reklamo ko.

Hindi ko kasi masyadong ramdam yung mga kasama ko ngayong college. Pakiramdam ko kasi hindi kami click eh. Kaibigan ko sila pero alam niyo yun, hindi kami patok. Hindi kami swak. Iba kasi yung trip nila sa trip ko eh.

“Abe, maganda ka na, tama na yan. Male-late tayo neto eh,” sabi ko. Pagkatapos kasi ng bawat subject eh nagpapasama lagi sakin ‘to sa comfort room.

Bestfriends, No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon