Chapter 4

2 0 0
                                    

Karaniwan, mas maaga akong nagigising. Alas kwatro pa lang mulat na ang mga mata ko dahil may pasok.

Pero iba ngayon.

Kahapon pa lang iniisip ko na kung anong mangyayari ngayon. Ayokong ma-excite dahil baka hindi na naman ako matuloy, pero hindi talaga maiwasan eh.

Birthday ngayon ni Mark at pupunta ako ng Makati.

Nagpaalam na ako kay Mama at pinyagan niya ako. Ito na ‘to! Mapapa-aga ako ng bisita.

“Andie, bumaba ka na dito at mag-almusal ka na!” sigaw ng nanay ko mula sa baba.

“Opo, saglit lang.” Inayos ko na ang buhok ko. Naglagay ako ng konting lipstick at powder. Ginamit ko na rin ‘yung binigay na hair clip sa akin ni Kuya Rob kahapon dahil lagi daw natatakpan ng buhok ko ‘yung mukha ko. Ano kayang masasabi ng mga kaibigan ko? Lalo pa ngayon na naka-dress ako. First time. Well, hindi naman siguro first time pero minsan lang kasi talaga ako mag-dress kaya parang ganon na rin ‘yun.

Mabilis kong kinain ang mga pagkain na inihain ni Mama para sa aming tatlo. Tapa, sinangag at itlog na napakasarap.

Nagmamadali talaga ako dahil mahirap nang ma-traffic sa Maynila dahil sa kabi-kabilang pag-aayos ng daan.

Tinignan ko ang oras sa wrist watch ko.

8:13 am, sakto.

“Ma, alis na ako. Magtetext na lang ako... bye!” Sigaw ko habang palabas ng bahay.

Balak kong surpresahin sina Mark at ang iba pa. Hindi ko sinabing makakapunta ako para doble ang sorpresa!

Sumakay ako sa isang ordinary bus papuntang Maynila. Kapag medyo malayo-layo ang biyahe, hindi ako sumasakay sa air-conditioned bus dahil nagsusuka ako.

Ibang-iba na ang Cavite. Naaalala ko pa noong una akong pumunta dito, fieldtrip noong grade 2. Nagpunta kami sa bahay ni Emilio Aguinaldo sa Kawit, Cavite. Gandang-ganda ako sa view. Malalawak na taniman ng palay, matataas at malalagong puno tapos ang dami pang mga farm animals, malayo sa Metro Manila na kinalakihan ko. Hindi lang larawan ng mayamang kasaysayan kundi ng isang masaganang probinsya. Ang kaso iba na ngayon. Ang mga taniman ay napalitan na ng mga gusali. Dumarami na rin ang mga shopping malls and I don’t think that’s a good thing. Oo, masasabing nagiging moderno na ang probinsya pero masakit isipin na likas yaman ang isina-alang-alang.

<Kuya Rob>

I know you’re on your way to Makati at alam ko ring sobrang excited ka nang makita ang barkada mo. Pero wag mong kakalimutang mag-ingat... sila sayo! Hahahahaha. Have a gr8t day Andrea!

 

<Andie>

Buo na ang araw ko. Maraming salamat sa paalala. *Note the sarcasm

 

<Kuya Rob>

Basta balitaan mo na lang ako ah. Tawagan mo ako kapag may nagtulak sa’yo sa imburnal o di naman kaya ay nagbuhos ng muratic acid sa mukha mo pero kung wala naman, i-text mo na lang ako.

Bestfriends, No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon