Two weeks have passed since the first day of school but it feels like forever. We’re on the third week of November – nineteenth – to be exact.
Hindi ko alam pero pakiramdam ko napaka-bagal ng takbo ng oras. Gustong-gusto ko nang mag-Christmas Break para naman mabisita ko na ang mga kaibigan ko.
Konting tiis na lang, sa isip-isip ko. Kinaya ko nga ang 5 months na hanggang text, tawag at facebook lang sa tropa, isang buwan pa kaya. Konti na lang, malapit na magbakasyon.
Pero ang isang buwan ng paghihintay ay para bang Trigonometry classes noong high school. Isang oras mong titiisin ang sakit ng tiyan, pipigilan ang sarili na huwag maglabas ng NAPAKA-samang hangin o ang mas masaklap, isang oras ng pagdarasal – sana utot lang. Ganoon katagal ang isang buwan para sa akin, kaya konting tiis pa.
I really miss them. So much.
Dagdag pa sa kalbaryo ng pinakamatagal na isang buwan ng buhay ko ay ang Literature classes. Kung saan nasa kanan ko si Abe na walang ginawa kundi pilitin akong kunin ang number ng lalaki sa tabi ko para sa kanya at ang irregular student na nasa kaliwa ko. Si Kuya Robyn, ang lalaking may tatlong personality – if that’s even posible – minsan parang-bata, minsan Legal Studies student at minsan normal lang. At kapag sinabi kong normal lang, yun ang makulit at mapang-asar na Kuya Robyn.
Pero mas pinipili kong kausapin si Kuya dahil mas nagkakasundo kami.
“Alam mo nakukulitan na ako diyan kay Abe. Sabihin mo hindi ako intresado sa kanya at nang matigil na siya,” bulong nito sa akin. Madalas, pabulong-bulong lang kami nito ni kuya.
“Oo nga kuya, ang gwapo mo eh. Tang ina, ako napeperwisyo eh.” Sagot kong habang pabulong na tumatawa.
Sa totoo lang, ayos naman talaga si Kuya. Hindi naman talaga siya kalbaryo o perwisyo para sa akin. Pero dahil nga SIYA si Kuya Robyn na gustong-gusto ni Abe kaya parang ganon na rin yun.
Natigil ang pagbubulungan naming dalawa ng muling magsalita si sir Guarin.
“Bago ko makalimutan... malapit na palang mag-Christmas Break kaya sasabihin ko na ang magiging project niyo para sa finals habang maaga para naman magkaroon kayo mahabang time for this project. So. You will be writing a novel composed of 30 chapters.”
Nagulat kaming lahat sa sinabi ni sir. A novel? Are you kidding me?!
“But don’t worry, you will be working with a partner. And you can choose whoever you want to be your partner, pamasko ko na ‘yon sa inyo. Deadline is March 25, next year. You have 3 months to work on that.”
Hindi ganon kadali gumawa ng isang napaka-gandang nobela sa loob lamang ng tatlong buwan. Nakakainis naman. Imbis na mag-eenjoy na lang ako sa Christmas Break iisipin ko pa ‘yang project na ‘yan.
“Andrea, tayo na lang mag-partner.” Bulong ng nasa tabi ko. Wala naman akong magawa kung hindi pumayag, alangan namang tanggihan ko ang kaisa-isang taong tinuturing kong kaibigan simula ng pumasok ako dito university na ‘to at kaisa-isang taong malakas ang loob na tawagin ako sa tunay kong pangalan.
BINABASA MO ANG
Bestfriends, No More
Teen FictionIsang malaking pagbabago ang nangyari sa buhay ni Andie. Lumipat sila ng bahay at kailan niyang iwan ang mga kaibigang itinuring na niyang mga kapatid pati na rin Gabriel, ang lalaking noon pa man ay aminado siyang gustong-gusto na niya - pero hindi...