Lahat ng masasayang araw ay may katapusan, iyan ay isa sa mga reyalidad sa buhay ng tao. Sa ayaw o sa gusto natin, matatapos ang bawat araw. Pero syempre sa bawat pagtatapos, may bagong bukas.
Anong nangyayari sa akin? Kung magsalita naman ako parang ang dami ko nang napagdaanan sa buhay.
Walang traffic ngayon dahil nga Linggo. Mabuti naman.
Kalahating oras lang ay nasa Bacoor na ako agad.
<Andie>
Bacoor na ako.
<Kuya Rob>
Hindi ka na tao? Bacoor ka na? HAHA!
Ewan ko ba sa lalaking ‘to. Gusto yatang maging komidyante balang araw.
Maya-maya pa ang nag-ring na naman ang cellphone ko. This time, hindi na ako umaasang si Gab ang tumatawag. Alam kong si Kuya Rob kaya agad kong sinagot.
“Yow?”
“Bumaba ka na sa bus stop,” utos niya.
“Bakit?”
“Basta sumunod ka na lang,” at binaba na niya ang cellphone.
Nakaka-ilan na sa akin ‘to si kuya ah? Ilang beses na akong binababaan.
Muli, sumunod na naman ako sa gusto niya. Bumaba ako sa bus na sinasakyan ko and to my surprise, naka-abang na sa baba si kuya.
Ano na bang binabalak nitong lalaking ‘to?
“Bakit ba kasi? Gabing-gabi na kuya, kung anu-anong naiisipan mo eh.”
“Tara sa kotse,” sabi niya at tinalikuran ako. What the? Namumuro na sa akin ‘to si kuya ah. Kung hindi ako bababaan ng telepono ay tatalikuran naman ako.
Ako naman si tanga, sumunod sa kanya papunta sa naka-park niyang sasakyan.
“Get in,” binuksan niya ang pinto ng passenger seat. Sumunod na naman ako sa gusto niya at pumasok sa sasakyan ng walang pag-aatubili.
Napansin ko din na parang kanina pa siya seryoso.
“Oy anong problema mo? Seryoso ang kuya mo!” sabi ko sabay tawa nang pinaharurot na niya ang sasakyan. At Kapag sinabing kong harurot, iyon ‘yong tipo na mapapasandal ka talaga sa upuan ng kotse.
“Ayos ba? Nagpapractice na kasi ako. Alam mo na, future Atty. Reyes,” sagot niya at ngumiti na rin. Sa wakas at nakahinga rin ako ng maluwag, akala ko malala na ang tama sa utak nitong kaibigan ko eh.
BINABASA MO ANG
Bestfriends, No More
Teen FictionIsang malaking pagbabago ang nangyari sa buhay ni Andie. Lumipat sila ng bahay at kailan niyang iwan ang mga kaibigang itinuring na niyang mga kapatid pati na rin Gabriel, ang lalaking noon pa man ay aminado siyang gustong-gusto na niya - pero hindi...