Chapter 5

1 0 0
                                    

Hindi ko na maalala kung kailan ba nagsimulang magbago ang tingin ko kay Gabriel.

Siguro noong bago mag-graduation, nung sinabi niya sa akin na isa ako sa pinakamahalagang babae sa buhay niya. O baka naman noong mga panahong lagi niya akong tinetext, tinatawagan, hinahatid pauwi at nililibre ng lunch dahil ayaw niyang nagugutom ako. O siguro noong third year kami, noong sinabi niya sa akin na maganda ako kahit na bagong gising lang ako noon at hindi pa naliligo o kahit naghilamos at suklay man lang. Iyon ang unang beses sa buong buhay ko na may isang lalaki – maliban sa erpats ko – ang nagsabi na maganda ako.

Pero sa totoo lang hindi ko talaga alam. Pilit ko paring inaalala kung kailan ba talaga ako nagsimulang magkagusto sa kanya.

“Uy Andie! Long time no see,” sinalubong ako ni Gab sa labas ng Pamana. Hindi daw siya pumasok hangga’t wala ako. Natatakot daw siyang baka hindi ako pumunta eh.

“Kamusta ka na?” Binuksan niya ang pinto ng cafe para sa akin. Hindi ko alam kung bakit dito niya gustong makipag-kita – o kung bakit niya ako gustong makita – eh ilang minuto na lang naman ay magsasara na’to.

“Ayos lang.” Pero ang totoo, hindi ko lang talaga alam kung anong isasagot ko.

Pagpasok namin sa Pamana, saka ko lang natitigan ang itsura niya dahil maliwanag sa loob. Tinitignan ko lang siya habang naghahanap siya ng mauupuan namin.

Napansin kong lalong tumangkad at pumuti si Gab. Bago na rin ang hairstyle niya at tingin ko mas bumagay ‘yon sa kanya. Ayos naman yung medyo-badboy niyang hairstyle noon pero mas okay ‘yung clean cut ngayon. Idagdag mo pa ang reading glasses na suot niya, mukha siyang kagalang-galang. Pero wala pa ring pinagbago ang mga mata niya. Blanko pa rin ang mga ito, tila natatakot ipakita ang kanilang tunay na emosyon.

“Ano nga ulit yung course na kinuha mo?” tanong ko kahit alam ko naman ang sagot. Desperada na talaga akong may mapag-usapan kami dahil baka mahalata pa niyang naiilang na akong kasama siya.

“Architecture nga, di ‘ba? Ilang beses ko nang sinabi sa’yo.” Mataray pa din, walang pinagbago.

Umupo kami sa usual spot ng barkada, sa tabi bintana. Kung anu-ano kasi ang ginagawa namin noon kaya gusto namin dito. Minsan dina-dub namin yung mga sinasabi ng mga tao sa labas tapos pinagtatawanan namin yung mga sarili namin, masaya na kami.

“D, alam mo sobrang namiss kita.”

“Ha?” Seriously Andie? Ha? Narinig mo naman di ‘ba? Sobrang na-miss ka daw niya. Anong ‘ha?’ hahambalusin ko sarili ko eh!

“Wala. Bingi ka. Bawal nang ulitin.”

Tatlong segundong katahimikan. Awkward.

“May tanong ako,” sabay kaming nagsalita. Awkward ulit.

“Sige ikaw muna.”

“Hindi, sige, ikaw muna.”

Bestfriends, No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon