Baldwyn POV:
Naglalakad lakad lamang ako dito sa labas ng aking bahay.Nandoon pa din kasi sa loob ng bahay ang babaeng yun.
Medyo naiilang ako kaya naman napag-isipan kong lumabas at maglakad lakad
Gabi na rin kasi kaya medyo malamig.Pero hindi ko na rin naman mararamdaman ang lamig dahil sa suot ko.Suot ko ngayon ang tatlong makakapal na jacket at makapal na pants ganun na rin ang gloves upang masigurado kong wala akong mahahawakan na kahit anuman.
Tumitingin ako sa itaas upang makita ang mga bituin kay sarap pagmasdan ng langit.
Napatigil ako sa pagtingin sa langit ng marinig ko na merong naglalakad dahan dahan ang kaniyang paglalakad ngunit rinig na rinig ko ito.Sinundan ko ito at ng medyo isingkit ko ang aking mata ay nakita kong siya pala ang babaeng iyon.Nakita kong nadapa siya kaya naman nilapitan ko siya
Nang siya ay aking lapitan ay bakas sa kaniyang pagsasalita ang pagkatakot
"Gabi na ah!San ka pupunta?" Tanong ko sa kaniya
Itinaas niya at ibinaling ang tingin sa akin.Nakita kong nabawasan ang kaniyang takot.Ngunit nagulat ako ng bigla niya akong yakapin
Hinayaan ko muna siyang yakapin dahil alam kong takot na takot siya.Hindi siya sanay dito sa kagubatan kaya ganun na lamang ang kaniyang takot.
"San ka ba pupunta?"tanong ko sa kaniya
"G-gusto ko ng umuwi baka kasi nag-aalala na sa akin sina Mom at dad"Takot na takot niyang pagsasabi
"Mom Dad?"pag-uulit ko pa sa sinabi niya
Matagal tagal ko na ring hindi naririnig ang salitang iyan.At matagal na ring wala ang dalawang iyan sa tabi ko.Ilang taon ding walang Mom and Dad na tumulong sa akin o nag-aruga man Lang!Lahat nawala ganundin si Mama
"Pwede bang samahan mo ako?"Tanong niya sa akin
Lumayo ako sa kaniya at sinabing
"Ayuko"seryoso kong sabi
"Bakit?"Tanong pa niya
"Mahabang istorya paalam aalis na ako" Sabi ko sabay alis
Siguro ay nagtaka siya.
Matagal ko ng nakalimutan ang salitang iyon pero dahil sa babaeng iyon naalala ko naman.Masaya na ako eh pero ngayong naalala ko na naman sina Mama at Papa unti unting kumikirot itong aking puso maging ang aking damdamin
Ilang oras ring hindi ako makakibo ganito ako kapag nasasaktan parang nasstroke:]
Pero ilang segundo lang rin ng bumalik ako sa ulirat.Maglalakad na sana ako pauwi ng bigla kong maalala yung babae
Nakaalis na kaya siya?
Nakokonsensya na naman ako kaya binalikan ko siya.Naglakad ako ng naglakad pero wala na akong makita
Nakita kong naroon pala siya sa puno at nakita kong tulog na.
Paano siya nakakatulog ng ganiyang pwesto?At saka malamig diba?
Nilapitan ko siya ngunit sinigurado ko munang nakasuot sa kamay ko ang gloves pati na rin ang jacket ko at saka ko siya binuhat
Medyo mabigat rin siya.At nakarating na rin ako sa bahay binuksan ko ang pinto at saka siya inihiga sa kama.
Ilang araw ko na siyang nakikita at natutulog dito sa bahay.May ibig sabihin ba ito?Bakit ito pa lamang ang kauna unahang pangyayari na di ko mapaniwalaan.Bakit may babaeng punta ng punta sa bahay ko at kung makipag-usap ay parang kaclose ko
Ito ba ay sinasadya o nagkataon lamang?May dahilan ba ang aming pagtatagpo?
Kung may dahilan!Ano ang dahilan?
May kailangan ba siya sa akin o ako ang may kailangan sa kaniya?
Bago ako lumabas ay tiningnan ko muna ang mukha niya.
Halos mamerado ko na ang kaniyang mukha ganundin ang amoy ng kaniyang pabango at ang kaniyang boses
Maganda siya..... talagang napakaganda!
Lumabas ako ng may kung anong nararamdaman.Masaya ba ako o ewan hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko
Pumunta ako sa ibaba at binuksan ang pintuan ng isa ko pang kwarto.Humiga na ako sa kama at ilang segundo ay napagdesisyunan ko na magbasa na lamang dahil hindi ako makatulog
Medyo nauumay na ako sa aking mga libro halos saulado ko na kasi ang karamihan dito.
Naalala ko ang librong ipinahiram sa akin ng babae at kaagd ko iyong kinuha.
Nagbasa ako ng nagbasa ........................hanggang sa matapos ko na ito
Napagdesisyunan kong matulog na dahil hatinggabi na rin.Nais ko na rin munang magpahinga dahil napagod ako..