CHAPTER TWELVE

0 0 0
                                    

Baldwyn Pov:

Pagkatitig ko sa mata ni Everleigh ay nakita kong tila nawawalan na ng kulay ang kanyang labi ang ibig sabihin ko ay namumutla na siya.

Natakot ako at nangamba ng makitang nawalan na sya ng malay.Isa lang ang pumasok sa aking isipan ang dalhin sya sa pinakatatago kong bahay.

Binuhat ko sya at dali daling pumunta sa aking bahay.Malapit lang ito kung san kami naroroon kaya naman nakarating kami ng mabilis.

Binuksan ko ang pinto at nakita kong malinis pa naman ang loob ng bahay.Bihira lang kasi akong pumunta dito dahil nga sa trabaho ko ay nagiging busy ako.

Inihiga ko si everleigh sa aking kama at dali dali akong kumuha ng towel at mainit na tubig kumuha muna ako ng gloves upang masigurado ang kanyang kaligtasan.Umupo ako at saka ipinunas ang towel sa mukha,kamay........ngunit napatigil ako sa aking ginagawa ng biglang tumunog ang telepono ko.

"Hello?"ako

"Yes cutie nasan ka madaming costumer here sa shop.Hmm?"narinig ko ang boses ng aking boss

"Naku pasensya na may inasikaso lang akong importante bukas na lang ako babawi"ako

"Ah ganun ba.Okay ano yang pinagkakaabalahan mong importante cutie?"tanong nya sa akin

Na bigla namang nagpakaba sa akin.Ano ang sasabihin ko?

"Ahmm may inaalagaan lang akong someone kasi may sakit sya"ako

"Hmm girlfriend mo cutie or parents mo"Tanong ulit ni boss

Napakamot naman ako sa ulo dahil dami ng itinatanong sa akin ni boss

"Sige na boss marami pa akong gagawin.Paalam"pagpapaalam ko sabay baba ng telepono

Pagkababa ko ng telepono ay bigla na lamang akong natulala sa mukha ni everleigh.

Sya ba ay tao o dyosa?Kung pagmamasdan kasi ang kanyang mukha ay tila iisipin mong sya ay hindi tao.Dahil sa ganda nitong taglay

Ipinagpatuloy ko ang pagpunas sa kamay nya upang maibsan naman ang kung ano mang kanyang nararamdaman.Binuksan ko na rin ang electric fan upang hindi sya pagpawisan.

Natapos na ako sa aking ginagawa kaya naman pumunta na akong kusina at binuksan ang refrigerator.

Pero nakita kong walang laman ito.Nabanggit ko na madalas akong pumunta rito kaya di na ako nakapaghanda ng mga pagkain.Sandali akong lumabas upang bumili ng pagkain

Nakabili na ako ng pagkain kaya naman mabilis akong naglakad papunta sa bahay.Pagpasok ko ay nakita kong nakahiga pa rin si everleigh

Kaya naman pumunta ako sa kusina at naghanda ng mga lulutuin.Kinuha ko muna ang aking cellphone at pinatugtog ang kantang mula sa bts

*Spring day🎵🎶*

Magaganda ang kanilang kanta kahit na iba pa ang kanilang lenggwahe.Maaari mo naman na isearch ito sa google upang malaman ang mensahe ng mga kanta.

Kaya ako ay naiingganyo ng makinig sa kanila g kanta dahil sa magagandang mensahe na kanilang ipinapahiwatig.

"Isa ka na ba ngayong army?"laking gulat ko ng may marinig akong boses ng babae kaya naman humarap ako sa likuran ko.

Nakita kong nakaupo na si Everleigh at nakatingin rin sya sa akin.

"Ahmm ehem....di pa masyado"ako

Pagkasabi ko nun ay tumalikod na ako at itinuloy ang aking ginagawa..

"May pwede ba akong itulong?"paglapit nya sa akin at pagtatanong

Tumingin naman ako sa kanya at sandali kong ikinuot ang aking noo.Nagtataka lamang ako

"Ahmm wala maupo ka na dun mas kailangan mo ng pahinga"seryoso kong sabi pero nakita kong nakatayo pa rin sya

Pumunta sya sa bandang kanan ko at nakita kong hinawakan nya ang kutsilyo at patatas...

"Please na...nakakabored naman kung papanoorin lang kita habang naggaganyan ka diba?Kaya hayaan mo na akong tulungan ka"pagpupumilit pa nya

Tumagilid muna ako at sandaling ngumiti.

"Ouch!"narinig kong sigaw ni everleigh kaya naman lumapit ako sa kanya at nakita kong dumudugo ang kaniyang isang daliri.

Kumuha ako ng bulak at alcohol ganun na rin ang band aid.Nilagyan ko ng alcohol ang kanyang daliri pagkatapos neto ay ang bulak at band aid.Tumingin muna ako sa mata nya at ganun rin sya.Nagkatitigan na naman kami ngunit umiwas rin ako dahil hindi ko kaya

"Look anong nangyari sabi ko naman kasi maupo ka na lang diba?Makulit ka rin kasi eh"Ako

"Gusto ko lang namang tumulong eh"mahinahon nyang sabi

"Sa simpleng pagsunod mo sa utos ko ay makakatulong na sa akin.At inutos ko o sinabi ki sayo na maupo ka na lang jan pero hindi ka pa rin nakinig.Sige na umupo ka na dun ako na bahala dito"pagpapaliwanag ko pa sa kanya

Nakita ko namang pumunta na sya sa upuan at umupo ng tahimik

Ipinagpatuloy ko naman ang pagluluto ko at inilagay ang mga sangkap.....









Natapos na akong magluto kaya inilagay ko na ito sa mesa.Kumuha ako ng dalawang pinggan,baso,kutsara at tinidor ganun na rin ang kanin....

"Hmm teka anong luto toh?"tanong nya sa akin

Umupo muna ako bago ko sagutin ang kanyang tanong

"Sweet and sour fried fish with potatoes"ako

Kumuha naman sya ng niluto ko at agad itong tinikman.Napatingin sya sa akin kaya naman umiwas ulit ako

"Palagi ka na lang umiiwas kapag tumitingin ako sayo"malungkot nyang sabi

"Ayukong mawalan ka ulit ng malay"Ako

"What?Ano namang connection nyan sa pagtititigan natin?"sya

"Nahimatay ka pagkatapos nating magtitigan"Ako

Ngumiti sya

"Hmm psshahahahha di kasi ako kumain ng pagkain kanina pang umaga kaya naman nahimatay ako"sabi nya

Dahil sa sinabi nya ay ako ay nakaramdam ng hiya.....

Nakita kong lumapit sya sa akin at umupo sa dalawang hita ko nakatingin rin sya sa mukha ko halos malapit ng magdikit ang mukha namin...

Pero umiwas ako ngunit laking gulat ko ng hawakan nya ang mukha ko.

"Teka!!H-hu-wag na huwag mo akong hahawakan!"seryoso kong sabi sa kanya

"Hmm huh bakit naman?Dahil mawawalan na naman ako ng buhay?Tss ikaw talaga baldwyn collymore masyadong makitid utak.."Sya

"Dahil sa simpleng paghawak mo sa kung ano mang parte ng katawan ko ay ikamamatay mo!"Seryoso kong sabi

Ngunit tinanggal nya ang gloves ko at saka hinawakan ang kamay ko

"Look diba di ako namamatay?Baldwyn naman di ka na bata para jan!"sya

Teka bakit wala atang nangyayari sa kanya hinawakan nya ang mukha ko ganundin ang kamay.Pero ilang segundo o minuto ay hindi sya nawalan ng buhay...

Ito ba ay dahil hindi nga totoo na allergy ako sa tao?


ℍ𝕦𝕞𝕒𝕟 𝔸𝕝𝕝𝕖𝕣𝕘𝕪 Where stories live. Discover now