CHAPTER EIGHT:

1 2 0
                                    

Everleigh POV:

Nakita kong naglalakad ang lalaki papunta sa akin

Madilim dito sa aking kinatatayuan kaya di ko maaninag ang kaniyang itsura.Pero dahil sa tindig,paglalakad at sa laki ng katawan niya ay mahahalata mong lalaki siya

Nagulat ako ng bigla na lamang siyang tumitig sa akin.Magkalapit na rin ang mukha namin.

Hindi ako makakibo dahil hawak hawak niya ang aking dalawang kamay.Isinandal rin niya ako sa puno .....Ipinikit ko ang aking mata dahil inilalapit na niya ang labi niya sigurado akong hahalikan niya ako dahil sa kahibangan ko ay pumikit na rin ako

Nang imulat ko ang aking mata!

Bigla ko na lamang sinapok ang sarili ko dahil isa lamang pala iyong panaginip!

"Masyado na akong nagiging assumera!tss"pagsasalita ko pa dahil hindi ako makapaniwala sa kahibangan ko!!

Iniuli ko ang aking paningin .....Nandito ulit ako!!sa kwarto niya

Tumayo ako at naglakad ngunit agad rin akong tumigil sa paglalakad dahil naisip kong.....hindi kaya ako nakakaisturbo sa kaniya?

Palagi akong nandito sa kwarto.Kung ganun ay binubuhat niya ako?

Kung hahatakin naman niya ako ay magigising ako diba?Kung ganun ay binuhat nga niya ako?

Medyo uminit at parang may kung anong dumapo sa ilong ko dahil bigla na lamang itong nangati...First time mangyari sa akin ito!Hindi kaya kinikilig ako?Naku hindi naman siguro noh!Siguro ay dahil lamang iyon sa panaginip ko kanina.

Pero may lalaki sa panaginip ko.Hindi kaya iyon ay ang lalaking ito? Pero panaginip lang naman iyon malabong mangyari!!

Naglakad na ako papunta sa kusina niya ngunit tumigil ulit ako kasi nakita kong nakaupo ang lalaking ito at nakatulala

Siguro ay kagigising lamang niya kaya nakatulala pa siya.Naglakad ako at pumunta sa harapan niya

Teka tulog ba siya?Nakaupo siya at nakapanghalumbaba pa!Kaya iisipin mong gising siya

Umupo ako sa harap niya at sandali munang tinitigan ang mukha niya!

Matangos ang ilong sakto lamang ang kilay,ang labi niya ay kulay lightpink, para sa akin ay perfect ang pagkakahulma ng kaniyang mukha!Aakalain mong may ibang lahi siya..

Hindi kaya koreano siya?Amerikano?Hapon?Thai?Chinese?

Napatakip ako sa aking mata ng bigla siyang nagising!!

Nakakahiya!!!!!

"Teka tinitigan mo ba ang mukha ko?"seryoso niyang tanong

Tumingin ako sa kaniya........

At sandali kaming nagkatitigan



Ngunit umiwas ako ng tingin

"Ahmm gigisingin sana kita kasi gusto ko lang magpaalam kasi aalis na ako gusto ko ring magpasalamat sayo kasi sobra na ang abala ko sayo.Thankyou talaga"Ako

Tumayo na ako ngunit napatigil dahil tinawag ako ng lalaking ito

"Hindi ka ba kakain muna Leigh?"Pagpapaikli niya sa aking pangalan

Kung ganun naalala niya ang pangalan ko?!

Itinikom ko ang aking bibig dahil medyo kinilig ako sa pagtawag niya sa name ko

Bumalik ako sa upuan at nagtanong

"Ano ba pagkain mo dito?" Nakangiti kong tanong

"Kung makakapag-antay ka ipagluluto kita ng pagkain"seryoso niyang gwapo sabay tayo

Nakita kong naghihiwa siya ng sibiyas,bawang

Tumalikod muna ako at kinuha any aking cellphone tiningnan ko muna ang mga schedules ko baka kasi marami pa akong kailangan gawin

Pinindot ko ang camera ko at bahagya kong iniharap ito sa kaniya.Ngunit laking gulat ko ng bigla siyang humarap at ngumiti na nahagilap naman ng aking camera!

Tiningnan ko ang picture niya mula sa aking gallery at talagang napakagwapo niya!

Ilang segundo rin ang lumipas at nakita kong lumapit na siya sa akin

Inilapag niya ang kanin at itlog?

Hindi ako kumakain ng itlog dahil may allergy ako dito pero dahil nag effort siya kailangan ko itong kainin

"Wow favorite ko yan sige kakain na ako"pagsisinungalin ko pa!

Sinimulan ko ng isubo ang itlog at isang lunok ko pa lamang ay ramdam ko na ang pangangati sa katawan ko pero dahil nakatingin siya sa akin kaya naman nginitian ko siya..

"Okey ba?"gwapo niyang pagtatanong

Nilunok ko bigla ang pagkain dahil ayukong maisnob siya

"Oo naman ang galing mo palang magluto"pamumuri ko sa kaniya

Nakita kong tumayo siya at kumuha ng tubig.Sabay dala niya sa akin

Agad ko naman itong ininom

"Maraming salamat talaga sayo ah.If may time pa ako pwede pa ba akong bumalik dito?"Tanong ko

"Oo"maikli niyang pagsagot













Tumayo na ako

"Sige aalis na ako salamat sa lahat"pagpapasalamat kong muli

Binuksan ko na ang pinto at naglakad na papunta sa tapat ng aming school dahil dun nakapark ang aking kotse



Pumasok na ako sa loob ng kotse at nagsimulang magdrive

Habang nagdadrive ako ay ramdam ko pa rin ang kilig!Medyo nagiba ata mood ng lalaking iyon bakit parang hindi na siya ganun kasungit?

Nakakapanibago!Hindi kaya may gusto na siya sa akin?HaHa medyo assumera ako pero malay naman natin diba?




ℍ𝕦𝕞𝕒𝕟 𝔸𝕝𝕝𝕖𝕣𝕘𝕪 Where stories live. Discover now