CHAPTER NINE

2 2 0
                                    

Baldwyn POV:

Nakaalis na kanina ang babaeng yun medyo nanibago ako ng kunti dahil wala ng maingay.

Kinuha ko ang aking libro at kaagad na pumunta sa aking silid pahingahan.Tumingin ako sa itaas at bahagya kong ikinulot ang aking kilay.

Ewan ko ba mas komportable ako kapag nakakulot ang noo ko.Siguro ay ipinanganak na ako para maging ganito.

Medyo nacurious ako dahil gusto ko ring bumili ng mga pagkain na mula sa labas.Puro pagkain na lamang kasi dito sa kagubatan ang kinakain ko.

Tumayo ako at naglakad papuntang kwarto kumuha ako ng apat na jacket ,isang pants,gloves,mask,at ganun na din ang sombrero...Natatakot akong lumabas pero dahil sa curious nga ako ay nababawasan na rin ang takot ko.

Kinuha ko ang bag ko at may pera rin naman akong naipon dito na mula pa sa aking mga magulang.Dahil nga sa aking pag-iingat sa mga bagay na ibinigay nila isa na ang pera ay may nagagamit ako sa panahon ngayon.

Nagsimula na akong naglakad at medyo nahihirapan ako huminga kaya naman tumigil muna ako.

Dahil bumalik na sa normal ang aking paghinga naglakad na muli ako...







Nakarating ako at nakita kong napakaraming tao.Tatawid na sana ako ngunit napatigil rin dahil may biglang dumaang kotse.

Nang makadaan na ang kotse ay agad na rin akong tumawid

Pumunta ako sa isang Mall,binasa ko ang nakalagay sa itaas “LuckyOne Mall” pamilyar ang lugar na ito.

Tama ito ay isa sa mga paborito naming puntahan ni Mama.Dito kami nagbabonding .

Napatigil ako dahil may bigla na lamang may bumangga sa akin.Bigla akong lumayo at bigla na lamang nanlabo ang mga mata nahirapan na rin akong huminga!

Bagamat hirap na akong huminga at makakita ay pinilit ko pa ring tumayo.Ngunit nalilito ako dahil sa paulit ulit na salita kong naririnig

"Okey ka lang ba?"

"Okey ka lang ba?"

"Okey ka lang ba?"

"Okey ka lang ba?"

"Okey ka lang ba?"

"Okey ka lang ba?"

"Okey ka lang ba?"

"Okey ka lang ba?"

"Okey ka lang ba?"

ℍ𝕦𝕞𝕒𝕟 𝔸𝕝𝕝𝕖𝕣𝕘𝕪 Where stories live. Discover now