Baldwyn Pov:
Wala akong emosyon na nadarama ngayon.
Hindi ko alam kung bakit?bakit bigla ko na lamang naisip ang aking pamilya...
Ito ba ay dahil inaasam asam ko na ang pag-aaruga nila o di kaya gustong gusto ko na sila ay makasama.
Kung nabubuhay lang si Mama siguro ay hindi ako nalulungkot ng ganito.Siguro palagi kaming magbabasa,mamasyal at kakain ng masarap nyang luto.
Iniisip ko na bakit kaya bigla na lamang akong iniwan ni Mama,alam kong hindi nya rin yun gusto ngunit.....nais kong nandito sya sa aking tabi nais ko ng makakasama dahil sobra sobra na ang aking problema.
Pamilya ang nagsisilbi nating buhay.Pero paano kung wala na tayong pamilya tayo ba ay matatawag na patay na?o taong tila naulila na
"Ui lalaki........"narinig kong sigaw ng isang babae
Tumingin ako sa bandang kanan ko at nakita ko ang babaeng palagi na lamang nasa bahay ko.Hanggang dito ba naman susundan mo ako!
Tumalikod ako at naglakad papalayo sa kanya
Ngunit laking gulat ko ng makita kong nasa harapan ko na sya.Nakita kong hingal na hingal at mukhang pagod sya.
"Pinagod mo pa akong lalaki ka!Gusto ko lang ikaw na tanungin”tanong sa akin ng babae
tumingin naman ako sa kanya
"Pwede mo ba akong samahan pumunta sa favorite place ko?"tanong nya
Hindi ko alam kung bakit iyon ang kanyang tinanong sa akin?Kaano ano ano ko ba sya?Hindi ko sya kaibigan di ko rin sya kapamilya.Isa lang sya asungot at isturbo sa buhay ko!!
"Pasensya na pero madami akong gagawin ngayon eh"pangangatwiran ko
"Oh saktong sakto free na free ako now pwede kitang tulungan sa mga gagawin mo hehe"sya
Anong?Hayss babaeng toh may gusto ba toh sakin?O may pinaplano syang masama
"Tingnan mo katawan ko" saad ko sa kanya
Tiningnan naman niya ang katawan ko kaya naman tumalikod ako dahil nailang ako bigla
"Sa laki ng katawang kong toh kailanman hinding hindi ito hihingi ng tulong sa iba!Kaya ikaw babae pwede ka ng umalis" ako
Naglakad na ako papalayo sa kanya at nag-isip isip
Abnormal ba sya?Bakit naman nya ako tutulungan?
Wala naman talaga akong gagawin ngayon.Tanging pamamasyal lang sa mga lugar ng tao ang pinagkakaabalahan ko.Upang masanay na ako dito at hindi na bumalik pa sa kagubatan nais ko ring mamuhay bilang tao.
Napatayo ako sa isang bookshop at laking gulat ko ng may biglang kumausap sa akin..
"Ikaw na ba yung mag-aapply na guard dito?" tanong niya sa akin
"Ahmm...i.o.."Di ko alam ang aking sasabihin
"Naku iho tara na pumasok ka na isuot mo na uniform mo.Wag ka ng mahiya pasok ka na...Di na kailangan ng interview.Looks mo pa lang okay na" sabi sa akin nung bakla
Total wala naman akong trabaho siguro ay chance ko na ito para makapag ipon ipon at hanapin si papa.Gusto ko lang syang tanungin kung bakit niya ako iniwan pagkatapoa mamatay ni mama
Pumunta ako sa isang room at kaagad na nagbihis.Pagkalabas ko ng room ay marami ng babae ang nakatingin sa akin
"Gosh sino yang guy na yan?Ang pogi"