Last one week nalang at matatapos na tong school year na toh. Kailangan ko ng paghandaan ang final exam para makasama ako sa top.
Nagalalakad ako sa corridor pauwi na ko.
Nakita ko sya." Jomz! "
Nakita kong may luha sya sa mga mata.
" O? Bat ka umiiyak? "
Tumabi ako sakanya.
" Wala. Uhhm.. Parati kaseng nagaaway parents ko. "
" Ganun ba? Alam mo maayos din yan. Parte talaga yan ng magasawa. Ganyan din parents ko pero nagkakabati sila. Wag nalang tayong mangielam. "
Jomari' s pov
Grabee hindi ako makapaniwalang kinakausap nya ko as in ngayon.
Parang napapangiti na yata ako. Nakakalimutan ko na mga problema ko." Bakit mo nga pala ako nilapitan? " tanong ko.
" Ha? Wala lang. Nakita ko kaseng umiiyak ka. "
" Ahh.. Uhhm.. Kumain ka na ba? Gustoo kain tayo sa minishop. Libre ko. "
Sinasabi ko ba toh? Bakit niyaya ko sya. Nakakahiya.
" Uhh.. Sige. Hindi naman ako susunduin ni papa ngayon eh. At hihintayin ko pa si Rizza matapos sa ginagawa nilang project. "
Natuwa naman ako at pumayag sya. Kumain kame sa mini shop sa tabi ng school namin at nagkwentuhan.
Mas nakilala ko pa lalo sya.
Ang saya saya ko naman ngayon. Hindi na naalis ang ngiti sa mukha ko. Haha para akong may saltik." Uhhhm.. Jomz balik na ko sa school ha. Baka tapos na si Rizza. Kailangan ko ng umuwi magrereview pa ko para sa finals. "
" Ahh. Sige tara hatid na kita sa school. "
" Sige "
Hinatid ko sya hanggang classroom nila. Tapos nagpaalam at iniwan ko na sya.
Best day.
Annaliza' s pov
Best day.
Totoo nga talaga sinasabi nila na mabait sya. Ang saya ko kase nagkaroon kame ng opportunity today na magkausap at makilala ang isat isa.
At maging friends.
Nakita ko na si Rizza. " Oh? Uy ano san ka galing? Kanina pa kame tapos dito. Uuwi na sana ako. "
" Sa minishop lang. Kumain kame ni Jomz. Libre nya kase. "
" Ahh.. Kaya pala may pangiti ngiti ka ngayon effect dyan?! "
" Hahaha. Tara na nga uwi na tayo. Baka kanina pa naghihintay sila mama sa bahay. "
" Mabuti pa nga. "
Naglakad na kami papauwi.
Naabutan ko lang sa bahay si mama at Cris. Nasa school pa daw kasi si sila Kuya at Ate.
Si papa naman di ko alam kung nasan. Pero sanay na ko dun palaging wala.Kiniss ko si mama at cris tapos umakyat na ko sa kwarto.
Pagharap ko sa salamin nakita ko parin yung sarili kong mukang baliw na di maalisan mg ngiti sa muka.
Ang saya kase ng araw ko ngayon eh.
Pero
Oo nga pala friends kami hanggang one week lang. Lilipat na nga pala ako ng school at ng bahay. Tssk.. Kaasar naman oh kung kelan patapos na yung klase tska ko lang sya naging kaclose..
Hmp. Nakakalungkot isipin.
Kinuha ko nalang yung earphone ko at nagsoundtrip. Ganito ako pagnalulungkot. Para makalimot nakikinig nalang sa music.
Di ko alam kung papaano na.
May bigla akong narinig na sigawan.
Teka! Nagaaway nanaman ba si mama at papa? Haaayyy....
Bumaba ako para siguraduhin. Nagaaway nga. Naku sa harap pa ni Cris. Eh ang bata bata pa nun.Kinuha ko si Cris at umakyat kame. Dapat daw hindi nangingialam sa away ng matatanda.
Sus. Palagi naman sila nagaaway. Di na ko nasanay noh? Ewan. Si papa kase makulit. Tapos nangbubugbog pa. Pagtiisan nalang. Papa ko pa rin yun.
Mayamaya magkakabati narin yun.
Lord kayo na pong bahala...
BINABASA MO ANG
Love out loud
RomanceThis story is reality. Annaliza is girl who is met a guy named Jomari in her junior year of highschool. They become mutual to each other and friends. But then She was transfered to another city and ofcourse another school. They did'nt see each oth...