Nagsulat ako ng libro
At ito ay tungkol sa'yoInilimbag ko ang lahat,
Lahat ng alaala na ika'y kasamaSapagkat mahal na mahal kita
Wala akong ibang iibigin pa,Nakasulat dito ang bawat yugto,
Ng ating pagsasama.Ito ba ay maging masaya,
At nagdadala ng ligaya,Iyong mga ngiting kasing tamis ng mangga,
At ang iyong pagtingin sa akin na puno ng pagmamahal.Mga alaalang malungkot,
At puno ng hinagpisSa iyong yakap ako'y nahuhulog,
Aking mga luhang nagdadala ng hinanakit.Sinulat ko ang mga pagkagkakataon,
Na ang puso ko'y puno ng galitAt kung paano ito humimlay,
Sa iyong bisig.Ang tigreng matapang, at puno ng inis
Napalambot mo ang puso't isip.Ikinwento ko kung paano kita pinakawalan,
Alam ko na ika'y nasaktan.Isang taong tulad ko'y walang karapatan,
Na matanggap ang pagmamahal kung sino man.Ang Isang taong tulad mo,
Mabait, matalino, maganda...Ay hindi karapat-dapat na maging akin,
Sapagkat ako'y iyong kabaligtaran.Nagsulat ako ng libro,
At ito ay tungkol sa'yoNatapos man ito bilang isang trahedya,
Ikaw parin ang pinakamagandang libro na aking nalimbag.
YOU ARE READING
ᴘᴀʜɪᴍᴀᴋᴀs // ᴘᴏᴇᴛʀʏ
Poetry"Excerpts from the darkest depths of my mind" Pahimakas [Tagalog] (n.) last farewell / huling paalam original poems written by vanixllarchives as a way of coping and to at least let out bottled up feelings. written in: tagalog/english © vanixl...