005 | ʟɪᴡᴀɴᴀɢ (ᴛᴀɢᴀʟᴏɢ)

25 3 0
                                    

Matagal akong naniniwala,
At matagal ko din na pinanindigan,
Na ang mundo na aking kinabibilangan,
Ay pinalilibutan ng kadiliman.

Ni wala kong nararamdaman,
Na kahit anong emosyon,
Kaligayahan, kalungkutan at kahit ang pagkainis,
Naniniwala ako na lahat ay lumilipas din.

Lahat ay lumilipas,
Katulad ng pag agos ng oras,
Na parang alon sa dalampasigan,
Lahat ay lumilipas,

Akala ko lahat ay lumilipas,
Akala ko ay mananatiling madilim,
At walang kulay, ang aking buhay,
Ngunit sa isang pagkakataon, nakilala kita.

Ikaw na 'sing liwanag ng buwan sa gabi,
At ng mga alitaptap sa paligid.
Iyong ugali na kasing ganda ng langit,
Na araw-araw na ngumingiti sa akin.

Dahil sa'yo nagkaroon ng kulay,
Ang puti at itim ko na buhay,
Sa'yo nag mula ang kaligayahan at kalungkutan,
At pagmamahal na akin ngayong nararamdaman.

Dahil sa'yo, nagkaroon ng saysay,
Ang aking paggising sa umaga,
At ang mundo ko'ng noong kay dilim,
Ay lumiliwanag na.

A/N:

My senior asked me to make a poem for Valentines day that's not angsty lol
Part 1/2

ᴘᴀʜɪᴍᴀᴋᴀs  // ᴘᴏᴇᴛʀʏWhere stories live. Discover now