Ang mga ngiti mong kay ginhawa
Hanggang sa nagniningning mong mga mata
Oh, irog ko, alam mo ba?
Na sa'yo ako'y nahulog na.Nakita ko ikaw sa iyong pagdadalamhati,
Mga panahon na sa dibdib ang dala mo ay sakit,
Nandoon ako noong tinalikuran ka ng mundo,
Kasama kitang hinarap ang lahat ng ito.Aking sinuportahan ang iyong paglalakbay,
Umiyak ako noong napahamak ang iyong buhay,
Ako ang unang nakasaksi sa iyong tagumpay,
Ako ang hindi umalis at nanatiling iyong kaagapayMahal na mahal kita, irog ko,
Nasa iyo ang aking puso,
Ang masaklap nga lang sa kwento nating ito,
Ay ang realidad na hindi ka totoo.
YOU ARE READING
ᴘᴀʜɪᴍᴀᴋᴀs // ᴘᴏᴇᴛʀʏ
Poesía"Excerpts from the darkest depths of my mind" Pahimakas [Tagalog] (n.) last farewell / huling paalam original poems written by vanixllarchives as a way of coping and to at least let out bottled up feelings. written in: tagalog/english © vanixl...