06

9 1 0
                                    

"Sinong Atty.?"

Humarap sakin si Sai. Sasagot na sana sya pero biglang sumulpot sa harap si Ethan at may kasama sa lalaking na halos kasing tangkad nya.

Shit! Ang gwapo ah.

Mga mhie feel ko nakita ko yung future ko. Eme!
Pogi talaga sya lalo na nung ngumiti. Keri na rin mga 8/10.

bakit may pag rate?

Nakipag kamay sya sa mga kabigan nya at umupo sa tabi ni Seb.

"Hi Sai" bati nung Atty kay Sai.

Ngumiti lang si Simon sa kanya at nakipag shake hands. So, kilala sya ni Sai? and he didn't tell me na may kilala syang gantong kagwapo.

I was about to drink in my wine glass

"By the way, Si Doc. Zra Gavin Samonte. kaibigan ko." Sai said and he even mentioned my full name.

I looked in his direction and he smile at me

"Zra, Atty. Luiz Adrian Gomez." Sabi naman ni Gab kaya tumawa yung Luiz

Bakit tumawa? Wag mo naman masyadong ipakita na masaya kang nakilala mo ko, Atty. Gomez. Choz!

He offered his hand kaya tinanggap ko 'to and nakipag shake hands.

"Nice to meet you, Atty." sabi ko nalang nang nakangiti. 

"Drop the Atty. Luiz nalang." he said at tumawa sya ulit.

Ngiti nalang ang naisagot ko sa kanya. Maya maya sumating ang isang waiter na may dalang bote ng wine and wine glass at nilapag sa harap ni Luiz. 

first name basis? nevermind

Masyado na silang maingay dahil may mga tama na rin ng alak.

Tahimik lang ako at si Luiz dahil parehong wine ang iniinom namin kaya we're both sober. Nakikitawa at nakikisabay lang kami sa kanila.
Okay pa naman yung lima kaya pa naman nila umuwi sadyang sobrang sakit lang nila sa tenga. Halos hindi ko na marinig ang banda na kumakanta sa harap dahil sa ingay nilang lima

Yes, may mga bandang kumanta dito every Monday to friday and club sya ng weekends. Friday ngayon kaya may banda.

"Oh, kay gandang pagmasdan
Ang iyong mga mata
Kumikinang-kinang
'Di ko maintindihan
Ang iyong mga tingin
Labis ang mga ningning
Langit ay bumaba
Bumababa pala ang tala"

Tumugtog ang paborito kong kanta sa bandang Nobita.

Titingin sana ako stage ng simulang kantahin yung chorus ng kanta. Pero nahagip ng mata ko ang mga mata ni Luiz na nakatingin sa gawi ko kaya nagkatitigan kami.

"Tumingin ka sa aking mga mata at
Hindi mo na kailangan pang
Magtanong nang paulit-ulit
Ikaw lang ang iniibig
At kung 'di kumbinsido'y magtiwala ka
Hawakan ang puso't maniwala na
Ikaw lang ang siyang inibig
Ikaw lang ang iibigin"

Nahiya naman ako at nag-iwas ng tingin.

"At sa paglisan ng araw, akala'y 'di ka mahal
At ang nadarama'y hindi magtatagal
Malay ko bang hindi mapapagal
Iibigin kita kahit gaano pa katagal"

Sinabayan ko sa mahinang boses ang parteng yun ng kanta habang nakatingin parin sa stage kaya nahahagip parin ng mata ko si Luiz. Nakatingin lang ako sa stage hanggang sa matapos ang kanta.

Hindi na rin kami nagtagal kasi baka mas lalong lumalala mga amats ng kasama ko. Around BGC lang din naman mga condo ng ugok kaya hindi na sila lalayo ng byahe. Sa condo naman ako ni Sai matutulog ngayon kaya hindi ko na din kailangan bumyahe pabalik ng Rizal.

"Hey, Ako na bahala dyan kay Alas" Rinig kong sabi ni Luiz sa likod habang inaalalayan sila Tristan, Gab, at Seb sa paglalakad at akay ko naman si Sai at Alas sa paglalakad palabas ng bar.

"Sure ka ba? Baka mahirapan ka?"

............


© ela

Sa Paglisan ng ArawWhere stories live. Discover now