12

5 0 0
                                    

"Hoy, bilisan mo jan. Nag aantay na sila sa baba."

Sai shouted outside the bathroom. Nagmadali na ko mag bihis at mag-ayos.

"Oo na, ito na, nangwawarshock ka e."

After naming mag-ayos ay bumababa na kami dahil nasa baba na yung lima. Pagdating namin hindi pa sila kumakain at umoorder kaya umorder na kami.

"My parents will join us. Okay lang  ba?" Saad ni Luiz habang inaantay namin dumating yung order.

"Nandito sila Tito at Tita?" - Alas

"Kakasabi lang na mag jojoin diba? Ulit ulit?" Pangbabara ko kay Alas.

Close narin naman ako sa tatlo dahil madalas ko na silang nakakasama.

"Ang mature ah" Tawa lang ni Alas sa pangbabara ko.

"Kelan pa?" - Tristan.

"Kagabi lang sila dumating. They want to see you daw e." -Luiz

"Gusto ko makita si Tita and Tito, tagal na rin nung huli." -Seb

"Oo nga, kamiss sila Tita." - Gab

Maya maya lang dumating na ang pagkain. Dadampot sana ako ng chicken nung kinurot ako ni Sai sa gilid.

"Gaga ka talaga, andyan na magulang ni Luiz oh!" Bulong ni Sai.

Umayos naman ako ng upo at tumingin sa papalapit na mag-asawa na nasa late 40s na rin. Makikita parin sa mag-asawa kung gaano sila kaganda at kagwapo nung kabataan nila. Jusko may pinagmanahan pala si Luiz.

Tumayo kami bilang pag galang sa nakakatanda.

"Jusko, ang tagal na rin pala nung huli ko kayong nakita boys, or should I say gentlemen?" Nakangiting Mama ni Luiz.

They both have genuine aura na madaling pakisamahan.

"Oh! Hi, there sweethearts" Sabi pa ng Mama ni Luiz nung nakita kami ni Sai.

"Mom, Dad, Si Sai and Zra." Pakilala ni Luiz.

"Hello po, Ma'am, Sir" Halos sabay naming sabi ni Sai.

"Drop that Ma'am and Sir. Tita and Tito will do." -Luiz Mother.

"Upo na tayo, para makapagsimula na tayo kumain." -Luiz Father.

"You don't need to pay for this breakfast, It's our treat." Sabi ng Mama ni Luiz sa kalagitnaan ng pagkain namin.

"Naku Ma'am, Wag na po. Si Gab na po magbabayad lahat nyan." I said.

"Hoy! Desisyon ka jan. Ikaw marami inorder dyan e. Ikaw magbayad." - Gab

"Bardagulan na naman oh! Kala mo di nag date dati e." -Tristan.

Tumawa lang si Sai and Seb.

"Totoo pre, Nag date kayo dati?" Naguguluhang sabi naman ni Alas.

"Really? Nag date kayo before?" Tita asked with a smile on her face.

"Naku Tita, Friendly date lang yun" sagot ko.

"Dati po Ma'am lang tawag ko sa kanya ngayon Tita ko na sya." Pang aasar pa ni Sai kaya hinampas ko sya sa braso.

"Wala yun Tita, Di naman seryoso. Nagtataka nga ako kung bakit sya niyaya ko e." - Gab.

Tumawa lang ulit sila.

"Sus, sabihin mo crush mo ko." pag-aasar ko pa kay Gab. Nalukot naman ang mukha ni Gab kaya nagtawanan ulit kami. I saw Luiz parents smiles while looking at us.

"You're so cute, Zra" Biglang sabi ni Tita. "Ano ka ba Tita, ako lang 'to oh" She just laughed.

"Basta it's our treat, don't need to pay for it."

Sa Paglisan ng ArawWhere stories live. Discover now