09

12 0 0
                                    

"What can I assist you?"

Nakangiting tanong ko paglapit.

"Masyado ka namang formal, Doc" nakangiting ding sabi nya. "Pinadaan ka kasi ni Sai" sabi nya nung hindi ako nagsalita.

What? Simon? Gaga talaga yung Vaklang yun! Nakakahiya sa tao.

"Tara na?" Wala na kong choice kahit mag inarte ako dito nandito na sya kaya pumasok nalang ako sa loob ng sasakyan nya. "Sorry, sa pang-iistorbo ni Sai. Nakakahiya" sabi ko kasi masyadong tahimik.

"Okay lang Doc, Papunta rin naman ako dun e. Nasabi kasi ni Sai na walang susundo sayo kaya nag volunteer na ko since malapit lang naman pala yung hospital nyo." Paliwanag nya.

"Thank you."

Tahimik lang kaming dalawa.

"Pwede magpatugtog?" Makapal na mukhang tanong ko.

"Sure, gusto mo connect phone mo?"

"Pwede?" Excite naman sabi ko at humarap pa ko sa kanya.

"Oo naman" sabi nya lang nakangiti.

Hindi ba 'to titigil sa pag ngiti?

Inaayos ko yung phone ko at kinonect sa radio ng sasakyan nya.

"Landas natin ay pinagtagpo
Kahit 'di natin plinano
Tinakdang pangako na mahulog ako sa'yo
Unang pagtingin alam ko na
Ikaw ang bubuo sinta, ng aking mundo
Pati na rin ang puso"

Tumugtog ang kanta ni Zack na 'Iyong-iyo'

"Zack Tabudlo's fan?" Biglang tanong nya habang tutok parin sa pag d-drive.

"A little bit, Maganda boses nya at mga kanta."

"Arthur Nery?" Tanong ulit

"Same as Zack" tatawang sagot ko naman

"How about Adie?"

"Ganun din"

"Ben&Ben?"

Kelan ba matatapos magtanong 'to?

"Mas prepare ko Nobita. Pero gusto ko parin Ben&Ben ah." Matatawang sabi ko ulit.

"Tapos Dember Avenue"

"December Avenue?"

Sabay namin sabi kaya natawa nalang kami.

Magaan lang aming nag-uusap na para bang matagal na magkakilala.

"Ikaw ay akin at ako'y iyo
Kalawakan man gumuho
Kahit na ba sa kabilang buhay ay 'di maglalaho dahil
Ikaw ay akin at ako'y iyo
Lagi at kailanman ay pinangakong
Mamahalin kita ng buong-buo
Puso'y iyong iyo"

Sabay naming kanta hanggang matapos ang kanta at sabay kaming natawa ng bahadya.

Maya maya lang nakarating na kami sa bar ni Sai. Pinark nya lang any sasakyan. Sabay kaming bumaba at pumasok sa bar. Sinalubong kami ng mga kaibigan namin kaya agad akong lumapit kay Sai para sabunutan sya.

"Nakakahiya ka talaga." bulong ko sa kanya.

"Ayaw mo pa, gwapo nyang driver mo." Tawa nya kaya inirapan ko lang sya.

Umupo ako sa bakalanteng upuan at sumunod naman si Luiz sa tabi ko.

Maya maya dumating na yung waiter na may dalang wine at dalawang wine glass.

Nakikipag tawanan lang ako sa lima nung may kumalabit sakin kaya napunta ang attention ko kay Luiz. Binigay nya sakin yung isang wine glass na may laman. Nahiya naman ako kaya kinuha ko nalang at nag pasalamat naman ako at nginitian sya.

Napansin naman kami ni Sai kaya nginitian nya ko ng nakakaloko at inirapan ko lang sya.

"Naks, nag-iimprove si Atty." Pansin ni Tristan kay Luiz.

"Tigilan mo ko sa kaka Atty. mo" natatawang sabi naman ni Luiz.

"Doon narin bagsak nyan, Pre." Singit ni Seb.

"Ga-graduate palang. may BAR exam pa." tumatawa parin sagot nya.

"Kaya pala hindi na tayo tinatanggihan kasi lalaya na sya sa law school" dagdag pa ni Alas

Tawa lang ang sinagot nya kaya nagtawanan nalang kami.

"Mag early celebration tayo for our future Atty. Luiz Adian Gomez sa beach" suggest ni Sai.

Pasimuno talaga 'to si Sai. Jusko!

Sumang-ayon naman ang apat sa kalokohan ni Sai. Mga CEO kasi kaya ang lalakas ng mga loob porket hawak nila oras nila.

"Ikaw Zra, sasama ka?" narinig kong tanong sa gilid ko.

Akala ko bulong lang ginawa nya pero mukhang narinig nung lima kaya nakatingin sila samin ngayon na parang hinahantay yung sagot ko.

"Not sur--"

"Sasama yan, kakaladkarin" putol ni Sai sa sasabihin ko.

Sinamaan ko sya ng tingin.

"Pota? Hindi tumanggi si Atty. ah" Simula ni Tristan

"Gagi, lumelevel up na." Singit ni Seb.

"Manok na sya, parang nung nakaraan sisiw lang yan." Dagdag pa ni Alas.

"Huwag mo ko simulan, Prince Ace." Sagot naman ni Luiz.

"Nanahimik si gago oh" natatawang sabi Gab. Nagtawanan naman silang tatlo sa pananahimik ni Alas.

Ayaw syang tinatawag sya sa real name, kaya kahit anlayo ng Alas sa Prince Ace pinagpipilitan nya parin. Puro tawanan lang ang nangyayari sa table namin. Lahat naman maayos pa kaya lahat makakauwi pa ng maayos.

After a couple of times, we decided to go home.

..................

May nagbabasa ba? Huhuhuh
Pero ket wala papatuloy ko parin heheh

©Meluhcakes

Sa Paglisan ng ArawWhere stories live. Discover now