13

10 0 0
                                    

"Zra, I can't take you home. Mom called e."

Nasa BGC kami dahil dito kami drinop ng sasakyan nila Tristan galing Bulacan.

"Okay lang, Sai. Baka emergency yan kamusta mo nalang ako kay Tito't Tita ah! Drive safe." I answer.

"I'll just take a grab. Okay lang ako. Sige na, nag call din si Mama pinapauwi ako sa bahay." Dagdag ko pa dahil nag h-hesitate syang iwan ako. Ayaw talaga umalis ni Sai hangga't 'di ako nakakaalis pero pinagtabuyan ko na talaga sya kaya wala syang nagawa.

Umalis na rin ang iba pagtapos namin mag paalam sa isa't-isa. I was trying to booked a grab, pero matagal pa sila makakarating at walang dumadaan na taxi na available.

"Paano ako makakauwi?" I burst out due to frustration. "I can take you home." Someone said behind me kaya na patingin ako.

"Akala ko umuwi kana, hindi kita napansin dyan."

"Kinuha ko lang yung sasakyan ko, nakita kitang nandyan pa kaya pinuntahan kita. are you okay?" It was Luiz. I was in shock since almost 2 days nya 'kong di "pinapansin" and now he's here talking to me.

Tumango lang naman ako biglang sagot.

"Where's Sai?" He asked "Nauna na sya, need nya umuwi sa bahay nila e." I just answered

"Tara na?" He asked "What?" Tanong ko din pabalik.

"Ihahatid kita, walang dumadaan na taxi"

"Okay lang, mag book nalang ako ng grab."

"Matagal pa yun bago darating, I'll drive you home." pangungulit pa nya. "Baka mapalayo ka lalo, sa family house ako uuwi e. Grab nalang ako okay lang." pagtanggi ko dahil sobrang nahihiya ako.

"Okay lang sa family house din ako uuwi. Syaka mas safe na rin kung sakin ka sasabay." Ang kulit naman nito.

Wala na kong nagawa nung kunin nya yung luggage ko kaya sumunod na ako sa kanya. Inayos nya muna yung gamit ko sa compartment syaka nya ko pinagbuksan ng pinto ng passenger seat at umikot sya sa driver seat.

Tahimik lang kami sa sasakyan hanggang sa basagin nya ang katahimikan.

"Sorry" he said.

"Hoy, ako dapat mag sorry sa'yo mapapalayo ka pa nang drive." Sagot ko naman.

"No, not that. About past days--"

"It's okay, hindi mo naman obligation na pansinin ako everytime. I understand, you don't have to say sorry okay? Basta if you have a problem you can talk to me." I cut him and smile at him.

He just smiled.

"Gusto mo magpatugtog?" Tanong nya.

Agresibo namang akong tumango kaya tumawa sya ng bahagya. Hindi na ko nahirapan iconnect phone ko.

Unang tumutugtog yung 'Ikaw lang' na kanta ng Nobita.

"Favorite" He chucked. "Wag ka magulo." I just said and we both laughed.

Maayos ang naging byahe namin, tawanan at kwentuhan lang ang nangyari. Nagiging komportable na kami sa isa't-isa. I was comfortable being with him already.

Nasa tapat na kami ng gate ng bahay namin. Nag 'thank you' lang ako at akmang baba pero pinigilan nya ko. Bumababa sya ng sasakyan at tumigil sa tapat ko, binuksan nya yung pinto at nilagay nya yung kamay sa taas ng sasakyan para hindi ako mauntog.

"Para naman ang shunga ko sa lagay na 'to, marunong ako mag bukas ng pinto at lumabas ng hindi nauuntog." Sabi ko sabay tumawa.

He just laughed.

Sa Paglisan ng ArawWhere stories live. Discover now