So we call this a date???
'Uy tell me a story raw, Madona-- anuba!'
'Teka teka, kalma innerself. Ako lang 'to, shhh. Marami akong kuwento kapag ganyan ang mga topic. *Smirk*'
"S-story po?"
"Yes"
"E-erm..." Shet, ba't bigla akong nablanko?!
"Anything kind of story, Madona."
Saglit akong napaisip nang maalala ko ang kaklase ko noong bata pa ako.
"Ganito kasi 'yan, Boss 'Yo." nakita ko ang biglang pagseryoso ng mukha nito na tila handang makinig sa bawat salitang babanggitin ko habang naghihintay ng pagkain.
"Kwento ko nalang buhay ko"
"Ok, proceed." Iwinasiwas pa nito ang kanyang kamay bago ipangalumbaba at nakapatong ang dalawang siko sa lamesa.
"Dati kasi kaming mayaman---"
"Weeeh"
"Kwento ko to eh"
"Okay," sabi nito habang naka-poker face.
"Ayon nga, mayaman kami-- dati. Mama's boy kasi si daddy kaya pinili niya family niya kaysa sa amin ni mudrakel." wika ko pa habang may malungkot na mukha.
Si Cleo naman ay diretso lang ang tingin sa akin na tila nakikinig talaga. "Basta baby palang ako lumayas na si mama sa puder nung mama ni daddy kaya never kong nakita face ng father ko. Ewan ko ba 'ron. Kaya ako marunong mag-english kasi tinuturuan ako ni mama para kapag daw yumaman kami, di na ako maga-adjust." sabay ngumiti ako.
"Alam mo ba--" patuloy ko pa.
"'Di pa" bara nito.
"Kasi sabi ni mama mayaman daw siya, pero 'di ko alam paano? Kung mayaman siya, bat nasa squater area kami?"
"Maybe she's thrifty?"
"Maybe" sang-ayon ko nalang.
"Pero never ko pa nakita picture ni daddy..." bigla naman ako nalungkot. "Ayaw ipakita ni mama. Ewan ko ba ron, hays".
"Stop" biglang usal nito kaya napatingin ako rito.
"Why, 'Yo?"
"J-just stop" wika pa nito at tila naiilang na tinanggal sa akin ang tingin.
Hindi ko nalang ito pinansin nang dumating na ang order namin. Nagulat nga ako sa dami ng sinerve sa akin. Mabuti at sinabi ni Boss Cleo na take out ang isa-- pero marami pa rin! Diet kaya ako!
"Ubusin mo 'yan" seryosong sabi sa akin ni Boss kaya nalungkot ako.
"'Y-yo... K-kasi..."
"What?" usal nito habang lumalantak na sa harapan ko.
"A-ang dami kasi kahit ni-take out mo na 'yung isa. Puwedeng hati tayo? Hehe" sabay ngiti sa kaniya nang inosente.
"Fine" mabilis na wika nito na kinalawak ng ngiti ko. Sabi ko na patay gutom ka boss eh!
"Buti boss 'Yo, kahit patay gutom ka, hindi ka tumataba 'no?" bigla kong hirit na ikinatigil nito sa pagkain at classy na uminom ng tubig.
"What the fvck are you saying?" dahan dahan nitong usal sa akin habang kumukunot ang noo. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at kinatingil ko sa paglamon ToT. Hindi ko na dapat pa sinabi 'yon!
"A-ano po. Restroom lang po---" sabay tayo at alis.
Sorry boss, matakaw ka naman kasi talaga eh ToT.
Malapit na ako sa CR nang may humatak sa akin. Hindi tanaw si Boss Cleo banda sa kinatatayuan ko para humingi ako ng tulong dito. Hindi ko kilala ang taong humila sa akin. Pero may pamilyar akong amoy na naamoy.
BINABASA MO ANG
Ang Ingleserang Mahirap
Ficção AdolescentePinalaki si Madona na mahirap ng kanyang magulang ngunit pinalaki din itong marunog magsalita ng ingles. Sa squatter sila nakatira ngayon ngunit magbabago ang lahat nang makilala niya anh lalaking tutulungan siyang solusyonan ang problema nito. Kahi...