AIM 4: Putik

12 1 7
                                    

Madona's POV

"Ma, alis na po ako!".

"'Dona, h'wag ka na kaya muna tumuloy?" pigil sa akin ni mama.

"Ma, ano ka ba---"

"Tao, 'nak"

"Siyempre, ma--- pero kailangan kong umalis. Kailangan kong magtrabaho para yumaman tayo kahit unti, hehe"

"Alam ko naman iyan anak. Paulit-ulit mo ba namang sabihin sa akin iyan. Pero huwag ka muna tumuloy---"

"Bakit?"

"Nas-sense ko na madudulas ka sa putik"

"Nako ma. Kailan ka pa nagkaroon ng super powers?"

"Kanina lang 'nak." Nakitaan ko ito ng seryosong mukha kaya hindi na ako ngumiti pa at dinamayan pa ito.

"Nagtitiwala ako sa iyo 'ma. Pero kailangan ko talagang umalis dahil kailangan nating mabuhay, babush!"

"Hay nakong bata ka talaga oo"

Ramdam ko ang pag-iling nito ngunit wala na siyang magagawa. Kahit umuulan ngayon, walang makakapigil sa akin. 'Tama na yaaaan...'

Masaya akong kinakausap ang sarili papuntang terminal bitbit ang payong na may design na hello kitty nang bigla akong napatigil sa paglalakad. Napahawak ako sa dibdib nang muntikan na akong madulas sa putikan. Mabuti na lamang at tumigil ako sa paglalakad. Hindi dahil nakita ko ang putik, kundi dahil may humarang.

"A-ah, excuse me. Paki-gilid naman ng sarili mo. Baka lang hindi mo ako nakikita. Dumadaan ako oh" may kairitahang wika ko rito ngunit nakatingin lamang ito sa akin. 

"Kuya ang creepy mo, ako na nga lang maga-adjust, hays---" Akma na sana akong dadaan sa gilid nang bigla nitong hinawakan ang braso ko. 

Ngayon ko ito tuluyang nasulyapan nang maigi. Naka-itim na jacket ito at mahilig yumuko. Nakadiretso ang katawan nito ngunit nakalingon sa akin sa gilid. Makulimlim ang panahon ngunit sapat na iyon para makita ang kapogian niya.

May beard ito ngunit manipis lamang. It's not a goatee, but it's a beard!

"T-tinawag mo akong k-kuya?" may panginginig sa boses nito ngunit nanatili ang poker face nito habang diretsong nakatingin sa akin.

"Y-yes, manong. May kailangan ho ba kayo? Kasi kung wala, aalis na po ako." Kinunutan ko ito ng noo.

"Ikaw"

"Ho?" Nanlalaking mata ang pinakita ko rito na tila nagsasabing 'nagbibiro ba 'tong lalaking ito? Kasi kung dehins, baka maihi ako dito sa maganda kong dress na bigay ni Cleo.

"Ikaw ang kailangan ko." 

"Hahaha, funny ka manong ah. Aalis na ako, paalam." Hindi ko na ito nilingon at nagumpisa na itong lagpasan.

At dahil nga sa katang*han ko, ay nadulas ako sa putik na hindi ko namalayan. Totoo ang hula ni mama. Sh*t may powers si mama!

Akma na akong tatayo nang may nagtayo sa akin at nang tinaas ko ang tingin ko ay nagkalapit kami ng mukha ng poging lalaking nakasalubong ko. Ang bango niya in fairness. 

"Sa susunod kasi tumingin tingin ka sa linalakaran mo," wika pa nito habang tila pinapagpag ang damit ko kahit na alam niyang basa ito. Siya na rin ang humawak ng payong kong hello kitty na kinakunot ng noo nito nang makita ang design.

"Sobra na ang pagtitig mo sa payong ko; masama 'yan, manong." 

"Ako ang kuya mo, hindi ako manong."

"Eh binago ko na ang tawag sa'yo eh. Kanina kuya kasi nagulat ako pero nang nasulyapan ko na mukha mo. Manong nalang, hehe." Isang buryong mukha ang pinakita nito na tila naiinis na.

Ang Ingleserang MahirapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon