MLT 4

87 5 18
                                    

Sa buhay may dumadating at may kinukuha. Talaga namang napaka unfair ng mundo.

Pinunasan ko naman ang luha ko and I can't stop crying.

Bakit?!

Bakit siya namatay?

Hindi ko akalain na mamatay siya.

"What the fuck, are you crying?" tanong sa akin ni Klein na kakalabas lang ng kwarto at nakabihis na ng jersey. "Wag mo nga akong asarin...ano naman kung umiiyak ako?" Naiinis na sabi ko. Ibanalik ko na lamang ang tingin ko sa pinanood ko pero lumapit ito sa akin.

I suddenly feel intense now he's near me and the side of our face is inch apart, naalala ko tuloy yung eksena namin kahapon. "Your crying because Kurama died?! It's just an anime Larisa" sabi nito sa akin at dahil sa sinabi niya ay inirapan ko siya.

Paepal...napakaepal ng lalaking to. "Ehh sa nakakaiyak yung eksena" naiinis na sabi ko sa kanya. Tinawanan lang naman niya ako at di ata natatapos ang araw nito ng hindi ako binibwisit. "By the way prepare my training bag.Your coming with me" sabi nito sa akin. Simpleng tango lang ang ginawa ko at sinunod ang pinaguutos niya. Ginyak ko ang mga kailangan niya.

Yung water bottle, pamalit na damit, raketa and yung mga shottlecock niya. Pagkatapos kong ayusin yung gamit niya ay tumungo ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit, I wear a simple red long sleeve and jeans at nagliptint lang ako.

Lumabas na ako ng kwarto at naglakad papunta sa parking lot. Sumakay kami sa puti niyang ferrari at ang arte niya pa huh dahil akmang sa likod ako sasakay ng sinabi niya sa akin na "what am I.Your driver?". Mga 25 minutes lang ay nakarating na kami sa Sports Academy na pinagaaralan niya. Napakaganda ng school nila at halatang mayayaman ang mga nagaaral dito. May swimming pool na mahaba at football court. Pumasok naman kami sa gym kung saan ang badminton court.

"Ahh uupo lang ako sa bench" sabi ko dito and he just gave me a simple nod. Pupunta kasi siya sa locker room. Umupo naman ako sa bench at pinanood ko nalang ang mga kasamahan ni Klein magtraining. Nakita ko naman na nakikipag tawanan si Klein sa mga kateam niya ngunit bigla nalang siya tinawag ng coach. Siguro ay siya na ang susunod na maglalaro.

Nginisihan naman ni Klein ang kalaban niya at siya ang unang tumira, seryoso na ang mukha niya ngayon at isa lang ang masasabi ko, he's a monster in court. Grabe ang mga smash niya at wala siyang panipapalampas na shuttlecock. Mukha ngang napapagod na ang kalaban niya.  Sobra akong namamangha sa paglaro niya ng badminton. I can see that badminton is his passion.

Nagulat na nga lang ako ng mapatingin siya sa akin at kinindatan pa niya ako na isinawalangbahala ko nalang. "Hi" nagulat nalang ako ng may bumati sa akin na lalaki, chinito and he's also good looking pero mas gwapo si Klein.

What the heck Larisa! Nakakatoka ka na sa pag compliment sa kanya huh!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

What the heck Larisa! Nakakatoka ka na sa pag compliment sa kanya huh!. "Hello" sambit ko dito at nginitian ko siya.

"Im Jeonghyun" at nakipagkamay siya sa akin. Tinanggap ko naman iyon. "Are you a new student here?" Tanong nito sa akin.

"Ahh hi---" di natapos ang sasabihin ko dahil biglang sumulpot si Klein. "Backoff Jeonghan" malamig na sabi nito kay Jeonghan and he's face was darkened, halatang naiinis ito. "Lady thief buy gatorade please" utos sa akin ni Klein. Sinabi niya pati kung saan yung cafeteria. Naguluhan lang ako kung bakit nagpapabili pa siya ng gatorade ehh may tubig naman siya.Kinuha ko yung pera at umalis papunta sa cafeteria.

Pagkabili ng gatorade ay agad akong bumalik sa gym. Wala na si Jeonghan at si Klein naman ay may kinukuha sa bag. "Klein eto na" sabi ko sa kanya. Tinanggap naman niya eto at pagkatapos niyang inumin yung gatorade ay binigay niya face
towel sa akin.

"Wipe my face please" utos niya sa akin. Inumpisahan ko ng punasan ang mukha niya at habang pinupunasan ko siya ay nakakatitig eto sa akin. Hindi ko naman maintindihan kung bakit anlakas ng kabog ng puso ko. Iniwas ko ang tingin sa kanya at umiling.

Nasobrahan ka lang sa kape Larisa!

Dahil sa kape yon! kaya malakas ang kabog ng puso mo.

My Lady Thief (Hunlisa)Where stories live. Discover now