Habang inaayos ko yung gamit ko ay biglang may kumatok. It's Jennie, pinsan ni Klein na nurse at siya nagbantay sa akin habang nandito ako sa Hospital.
"Si Klein" tanong ko sa kanya na ikinangisi niya. "Ayiehh..well pinapasabi niya na one week siya sa Japan dahil sa competition and bibisitahin niya rin si Grandpops" may halong pangaasar na sabi niya sa akin.
"Tigilan mo ako Jennie..dapat ginawa na niyang isang taon ang pagalis niya" tumawa naman siya habang nagbabasa ng clinical file dahil sa sinabi ko. "Hindi naman halata na namiss mo agad siya" nakangising sambit niya.
Si Klein mamiss ko? Di oi..Never!
"Isipin mo na kung ano ang gusto mong isipin..di ko siya namimiss" depensa ko sa kanya.
Natapos ko na yung pagaayos ko ng gamit pero si Jennie ay di ata matatapos ang katutukso sa akin kay Klein. "By the way patapos na ako sa shift ko kaya..let's go to starbucks, icelebrate natin ang pagkadischarge mo sa hospital"
Pagkatapos na pagkatapos ng shift niya ay nagpunta kami sa starbucks na malapit sa hospital, walking distance lang ito. Nakakahiya nga dahil nilibre niya pa ako.
"Jennie naman ihh di mo na dapat ako nilibre" sabi ko sa kanya at ang loko pinisil yung pisngi ko. "Ang kulit okay lang at dapat ubusin mo yan dahil nilibre kita" sabi niya sa akin and she take a sip on her drink.
Habang nagtatawanan at kwentuhan kami ni Jennie ay may biglang tumawag sa phone niya.
"Excuse lang Larisa huh. I'll brb" sabi niya sa akin and I just smiled at her and nod. Bumalik naman siya agad at nakakapagtaka dahil ang laki ng ngisi niya. "Grabe!" kinikilig na sabi nito at umupo sa kanyang upuan."Bakit? Tumawag yung Prof. Kai mo na crush mo? Pangaasar ko dito.
Ganti. Ganti din pag may time.
"Nuh. Uh" sabi nito sa akin.
"Ehh sino?" Tanong ko sa kanya. Ngumis naman siya sa akin. Nababaliw na ba siya?
"It's Klein at kinakamusta ka niya" sabi niya sa akin at hindi parin nawawala ang ngisi sa mukha niya.
"Pakisabi na ok lang ako at pakisabi din na salamat dahil binantayan niya ako kahapon" sabi ko dito at kumagat naman ako sa pagkain kong donut.
"Ok noted " sambit nito at nagtipa sa phone niya. Pagkatapos namin kumain ay pumunta kami sa parking at sumakay sa kulay dilaw niyang chevrolette.
Ihahatid daw niya ako sa bahay. Sumakay na ako sa passenger sit at kinuha ko yung phone ko sa sling bag para magscroll ng twitter at mahigpit ang pagkakahawak ko sa phone. Ngayon ko lang nalaman na finafollow pala ako ni Klein sa twitter at parang shunga lang Larisa huh! Bakit mo iniistalk?
Most of his post is about badminton and quotes.
His icon is him with his dog and he is wearing a yellow hoodie at ang header naman niya ay kulay black.
Sunod kong tiningnan ay yung mga followers niya. Halos lahat ay babae at binabae and next naman ay yung mga finafollow niya na 8. Mga tropa niya siguro to.
I followed him back and scroll again. Bigla namang nagbreak si Jennie. "Hala! sorry Larisa may aso kasi ehh" sabi nito sa akin. Nanlaki naman yung mata ko nung tiningnan ko yung phone ko. I accidentally liked one of Klein's posts na luma. Lumakas ang tibok ng puso ko and froze on the spot. Isa nanamang kahihiyan ang ginawa mo Larisa.
Ibabalik ko na sana yung phone ko sa bag ng magtext si Klein.
Klein:
Your stalking me lady thief?😏
Pwede na bang magpalamon sa lupa? Shettttt na malagkit talaga..
To. Klein:
Hindi noh!
Bigla naman siyang nagreply.
Fr. Klein
Fine kungwari di mo ako iniistalk. Papalampasin ko nalang.
Sa inis ko ay gusto kong sabunutan ang sarili ko. "Huy anong nangyayari sayo at parang inis na inis ka? Tanong ni Jennie while focusing in the road. "Ahh wala" sagot ko at nginitian siya.