Takbo ako ng takbo at wala akong pakilam kung nasusugatan na ako dahil sa mga matitinik na halaman at idagdag mo pa ang mga shells sa buhangin. Hindi rin pamilyar sa akin ang abadonang beach na ito.I am also panting very hard. Hinahabol ko ang nakabangga sa kapatid ko at dumiretsyo ito sa kagubatan. Napahigpit ang hawak ko sa flashlight sa takot, di ko na napigilan ang pagiyak.
Hindi ko na nga nahuli yung lalaki na nakabangga sa akin ay naliligaw pa ako. Umupo ako sa ilalim ng puno at doon pinagpatuloy ang pagiyak. Sobrang hapdi pa ng mga sugat ko at hinang hina na ako.
Tumayo ulit ako at naglakad..Im going to find my way back but because of my dizziness I blackout. Naramdaman ko naman na may humawak sa mukha ko.
"Larisa!..Wake up! Wake up! Oh GOD baby please wake up"
......Pagkagisng ko ay puting kisame agad ang nakita ko. Im in a hospital room..Bigla naman pumasok si Klein sa kwarto. "Thank goodness your awake already" nagaalalang sambit nito sa akin. Napatitig lang ako sa kanya. Medyo nawala na yung hilo ko.
"Klein bakit ka nandito? Diba may laro ka sa Ilocos" sabi ko sa kanya and he just sighed. Sobrang nanghihinayang ako na hindi ko nahuli yung taong bumangga sa kapatid ko.
"Tapos nanaman ang laban ko" sagot niya sakin. I just nodded at him.
"Ano pala ang ginagawa mo sa St.Louise Beach? I heard don ka hinimatay" Tanong nito sa akin. Umupo naman ako ng maayos.
"Nakareceive ako ng text na nandon yung nakabangga sa kapatid ko and I saw him pero nakatakas" pagpapaliwanag ko dito.
I saw him clenching his fist..bakit siya nagagalit? Maid lang naman niya ako. " Kapag ba binibigyan kita ng dayoff at wala kang pasok ay hinahanap mo ang bumangga sa kapatid mo?" Mahinahong tanong niya sa akin.
Tumango ako bilang sagot. "Sino pala ang nagdala sa akin dito? Tanong ko sa kanya.
"I don't know..I just visited you because your friend told me your in a hospital" sagot niya sa akin.
"Salamat sa pagbisita Klein" pagkasabi ko non ay nagulat ng bigla niya akong yakapin. "Please don't make worried again lady thief" malambing niyang sabi sa akin.
I felt butterflies in my stomach at yung lungkot na naramdaman ko dahil hindi ko nahabol yung bumangga sa kapatid ko ay biglang naglaho. Kumalas lang siya sa pagkayakap ng pumasok si Nayeon sa kwarto. " O to the M to the G. May free hugs pala dito?" Pangaasar niya.
Gusto kong matunaw na parang ice cream dahil sa kaibigan ko. Makasiguradong isang dosenang pangaasar ang aabutin ko kay Nayeon.
At eto namang lalaking to ay tumawa lang."I'll just talk to your doctor" sabi nito sa akin at umalis. Kaming dalawa nalang ni Nayeon ang naiwan sa kwarto. Umupo naman siya sa side ng kama ko.
"Grabe ka Ris..anong tingin mo sa sarili mo si Wonder Woman? Talagang hinabol mo yung hit and runner nayon" nagagalit na sabi nito sa akin. Alam ko namang concern ang kaibigan kong ito sa akin kaya siya nagagalit ngayon.
"Gusto ko lang naman mahuli yung gumawa ng katarantaduhan sa kapatid ko" sabi ko sa kanya and she just give me a sigh.
" Basta please lang wag mo ng ulitin yon huh..promise me ipapaubaya mo nalang sa pulis" sabi nito sa akin.
Para sa ikakatahimik niya ay tumango ako.
"Change topic..ano yung hug session na nakita ko kanina..Oi may something kayo no Lodi Klein" nangaasar na saad niya sa akin.
Napairap naman ako dahil sa pangaasar niya.
"Wala..wag mo na akong asarin sa playboy nayon" sabi ko sa kanya at itinaas naman niya ang kanyang dalawang kamay. Yung parang sumusurender sa pulis.
I know Im feeling something when ever Klein is near me ayoko lang ientertain.