"PUTANG INA NAMAN BLAKE!" isang napakalutong na mura ang inabot nitong asawa kong wala na atang ibang binigay sakin kundi sakit ng ulo. "NAKAKASAWA NA YANG TANGINANG UGALI MO!"
"Manahimik ka Rachelle nagdra-drive ako."
"MANAHIMIK?! PUTA BLAKE BAKIT MO BINASTOS NG GANON SI MAMA! SABI KO NAMAN SAYO NA TUMAHIMIK KA LANG!" ilang hampas at sabunot na ang nagawa ko sa kanya. Sino ba naman ang hindi maiinis at magagalit sa kanya. Sinabihan lang naman sya ni Mama na maghanap ng trabaho dahil nga sa malapit na kong manganak at kailangan ng pera para sa labor. Pero anong ginawa nya? "Bakit hindi po kayo ang maghanap, tutal anak nyo naman yung manganganak." Odiba nakakaputang ina ng sagot!
"Alam mong matagal na kong nagtitimpi dyan sa nanay mo. Di naman ako papayag na ganun-ganunin lang, lalo't di ko naman sya nanay, hindi ba? Eh ikaw? Anong ginawa mo kanina? Ni hindi mo man lang ako pinagtanggol at tangina kasama ka pang namahiya sakin." Panay ang hampas nya sa manubela habang kamot ng kamot sa ulo.
Di ko naman sya totally masisisi sa inasal nya kanina, kase una palang ayaw naman talaga sa kanya ng mga magulang ko. Pero ano pa ngang magagawa nila eh eto na nga, bilog na ang tiyan ko at malapit nang manganak.
"I'm sorry love. Next time magtitimpi na ako--" napahinto sya sa kanyang sinasabi ng biglang huminto ang sasakyan at kasabay non ang paglabas ng usok mula sa harapan ng kotse. "Punyetang kotse naman to!"
Hinampas pa nga ng hinampas ang manubela na para bang magagawa ang kotse sa pagsampal nya dito.
"Wait lang love. Titignan ko lang kung anong sira, dyan ka lang sa loob ok?" lumabas ng kotse si Blake at tinignan kung ano yung umuusok sa harapan ng kotse. Kunwari pang ichecheck eh wala namang alam.
Habang tinitignan nya yung sira, napansin ko na parang nasa gitna kami ng kawalan. Walang kotseng dumadaan, walang taong naglalakad at ang nakakatakot pa don, napapaligiran kami ng matataas na talahib. Wala pang ilaw yung daanan, tanging liwanag lang na nang-gagaling sa flashlight ng cellphone ni Blake ang matatanglaw sa buong paligid.
Ibinaba na ni Blake ang hood ng kotse at sumakay na sa loob.
"Ano nagawa mo ba?"
"Mukha ba kong mekaniko. Syempre di ko nagawa at malamang sa malamang di ko rin alam ang sira."
"Eh bakit ka pa bumaba?" Huminga pa ito ng malamim at ibinaba ang upuan.
"Gusto ko lang magpahangin."
"Tumawag ka na ng mekaniko! Ano pa bang gagawin natin dito!"
"Oo na puta eto na." nilabas niya ang cellphone sa bulsa, pero pagkakita nito sa screen agad din nyang pinatay.
"Oh bakit? Bakit mo pinatay?"
"Tangina walang signal." Binuksan ko ang selpon ko at nakitang pati ako ay wala ring signal. Sumilip-silip si Blake sa harap at kinuha ang wallet na nasa compartment. "Dito ka lang love. Mukhang di naman malayo yung bayan mula dito. Lakarin ko nalang."
"Oy gago ka ba! Iiwan mo ko dito!"
"Malapit ka nang manganak, baka kung ano pa mangyari sayo pag naglakad-lakad ka, tyaka mabilis lang ako promise. Di mo namamalayan nandito na ko." Lumapit sya sa akin at hinalikan ako sa noo.
"Bilisan mo ah."
"Oo promise." Lumabas na nga sya ng kotse at nag-umpisang maglakad sa mahabang kadiliman ng daan.
Halos isang oras na, di pa bumabalik si Blake. Lahat na ata nagawa ko para lang hindi ma-bored dito sa kotse, naglaro ng games, nagbasa ng kung ano-ano pero wala parin talaga sya. Kanina ko pa gustong umidlip, pero pag tumitingin ako sa bintana pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin, na para bang may mga mata sa likod ng mga talahib.
Kakaiba ang nararamdaman ko sa lugar na to na para bang nasa iba akong mundo at sa mundong yon ako lang ang tao. Luminga-linga ako sa paligid pero wala talagang bakas ng buhay na makikita.
Ilang saglit lang, may nakita akong pigura ng tao mula sa malayo na papalapit dito sa kotse. Sa isip-isip ko, kung si Blake yan, dapat may flashlight akong maaaninag pero wala eh. Sino kaya to? Masamang loob kaya?
Agad agad ay nilock ko ang pintuan ng driver seat, sunod ay ang pintuan na katabi ko, pagkatapos naman ay itong pintuan sa likod ko, at itong pintuan sa likod ng driver seat na pilit kong inaabot... at ayon nalock ko na nga.
Halos lumuwa ang aking mata nang pagbalik ko sa aking inuupuan ay may isang babae na nakatayo sa harapan ng kotse. Warak warak ang damit nito, malugay at magulo ang buhok na tinatakpan ang mukha nya.
Di ko alam ang gagawin ko. Nakahawak lang ako sa aking tiyan habang minamasdan ang babae na parang ayokong mawala sya sa paningin ko. Sa mga oras na to pinapanalangin ko na bumalik na agad si Blake dahil takot na takot ako sa kung anong pwede nyang gawin sakin. Buntis ako at wala akong magagawa kung sakaling saktan nya ko.
Umabot ng kalahating oras na nakatayo lang sya sa harapan ng kotse at minamasdan ako. Ngunit maya-maya lang ay nag-umpisa na tong maglakad papunta sa akin. Binuksan ko ang compartment para maghanap ng bagay na pwede kong magamit sa kanya—
"AAAAAHHHH!" halos lumabas ang aking lalamunan sa sigaw na pinakawalan ko. Dahil ang babaeng kaninang nasa harapan ng kotse ay nandito na sa aking pintuan habang ang kanyang ulo ay nakasilip sa bintana.
Napaurong ako papuntang driver seat, nanginginig ang buo kong katawan sa takot at hindi ko alam ang aking gagawin. Pagtingin ko sa babae ay inaayos nito ang kanyang buhok na para bang pinapakita nya ang mukha nya. Pagkahawi nya ng buhok ay kitang-kita ang bilog na bilog nyang mga matang nakatitig lang sa akin.
"Umalis ka na! Padating na ang asawa ko!" pakiusap umalis ka na...
Pagkarinig nya ng sinigaw ko ay bigla itong ngumiti na labas lahat ng ngipin. Nakatitig lang sya habang nakangiti. Kasunod non ay umatras sya sa kotse at pumasok sa loob ng talahiban.
Siguro natakot sya nung sinabi kong padating na si Blake. Medyo gumaan ang aking pakiramdam at huminga ako ng sobrang lalim dahil sa takot na aking pinakawalan. Bumalik ako sa aking upuan at binuksan ang cellphone para i-try na tawagan ang asawa ko, pero wala parin talagang signal.
Dumaan ang isang oras at biglang may lumabas sa talahiban... yung babae kanina. Nanumbalik ang takot sa aking katawan habang tinitignan ang mukha nyang nakangiti na para bang pumapasok sya sa aking kaluluwa. Habang papalapit siya hindi ko napansin na meron pala syang dala.
Ang ulo ng aking asawa at ang susi ng aming kotse.
BINABASA MO ANG
Kasalanan ang Pagdilat: Tales of Horror
TerrorNandito ka ngayon sa pinaka-madilim na bahagi ng wattpad, kung saan ang pagdilat ay kasalanan at ang pagpikit ay kamatayan. Hayaan mong tangayin ka ng mga istoryang dadalhin ka sa anim na talampakan pailalim, kung saan ang mga nakatikom ay walang...