"Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" nakatingin lang ako sa likod nya habang tinatabas ang mga sangang nakaharang sa dinadaanan namin. Masyadong masukal dito sa bundok makiling at ang pinaka-intense pa nito, patago kaming umakyat dahil sa sarado ngayon ang bundok para sa hiking.
"Sigurado saan?"
"Na ito na ang last hiking natin?" huminto ito saglit at tumalikod sa akin. lumapit sya at tinapik ako sa balikat.
"Alam mo naman kung bakit huli na to diba?"
"Pero sayang ang mga plano natin noon." Tinalikuran nalang nya ko at nagpatuloy sa paglakad. "Hindi naman porke tayong dalawa nalang ang natira sa pag-akyat ng mga bundok eh titigil na lang tayo agad diba?" patuloy lang kami sa pag-suong sa pusod ng gubat. "Hindi ba?" itinabas nya ang machete sa puno at padabog na lumapit sa akin.
"Dave! Naririnig mo ba ang sarili mo? Dalawa sa mga kaibigan natin ang namatay last hiking natin! Si Tasha at Jerome naman traumatized parin hanggang ngayon! Last hiking na natin to! Ginagawa natin to para sa kanila! Sana yun man lang maalala mo!" tinulak nya ko, hindi gaanong kalakas para matumba pero sapat para ipamukha sa akin ang pinupunto nya. Ayoko lang naman kase na masayang yung isang taon na plano naming akyatin lahat ng bundok sa Pilipinas, alam ko at nalulungkot ako sa nangyari sa apat naming kaibigan pero nasasayangan talaga ako, at kahit kaming dalawa lang sana ang magpatuloy eh pwede na para sakin.
"Okay Rick, I'm sorry." Hindi na to nagsalita pa at nagpatuloy nalang sa paglakad. "Sa tingin mo ilang araw natin to aakyatin?"
"Kung magbubunganga ka dyan apat na araw. Kung tatahimik ka lang tatlo." Mukhang tinamaan ko ang pindutan ng kanyang pagka-inis sakin. Noon palang alam ko naman na di nya ako gusto, at nung huling akyat namin ay sa akin pa nya sinisi ang pagkamatay ng dalawa na para bang ako ang leader ng grupo at responsibilidad ko ang kung ano mang mangyari sa amin. Hindi ko rin naman sya gusto, katunayan nyan kaya lang naman ako sumama sa hiking na to kasama sya, ay dahil sa wala akong ibang maayang umakyat. "Wait hinto." Bigla nya akong hinawakan sa dibdib at sumensyas na tumahimik lang. Tinignan ko ang aking relo, wala pa namang alas singko para mag-ilusyon ito na may nakikitang kung ano man.
"Bakit ano meron--"
"Shhh. Tumahimik ka." Bakas sa mukha ko ang pagtataka. "May sumusunod sa atin." Luminga-linga ako sa paligid—"Wag kang lilingon. Wag ka pahalata. Lakad lang tayo." Ano meron? Napapano tong kasama ko?
Nagsimula ulit kami sa paglalakad, pero itong kasama ko? Tingin ng tingin sa paligid nya na para bang hindi mapakali. May sumusunod nga ba talaga sa amin? Hindi naman nya siguro makikita kung lilingunin ko ang likod no?
Pagtingin ko sa likuran namin ay may parang aninong nagtago sa likod ng puno. Tumingin agad ako sa harapan at nagmadaling maglakad papunta kay Rick.
"Rick, may sumusunod nga sa atin." Bulong ko sa kanya.
"Wag kang papahalata, hayaan mo lang sya."
"Pero anong gagawin natin? Balik na kaya tayo--"
"Babalik tayo? Tapos ano sasalubungin natin sya ganun ba? Mag-isip ka nga Dave." Huminto ito at hinarap ako. Binuksan nya ang bag nya at pinakita sa akin ang kulay itim nyang baril. Nagulat ako at napatingin sa kanya na nakatitig lang sa akin na para bang inaabangan nya ang magiging reaksyon ko.
"Ba... bakit ka may baril?" naningkit ang mata nya sabay sarado ng kanyang bag.
"Tanga ka ba? Malamang para sa proteksyon natin, ikaw anong dala mo?" napatingin ako sa hawak kong machete at hinarap sa kanya.
"Ito?" nangiwi ito sabay kibit-balikat. Nagpatuloy nalang ulit kami sa paglalakad.
Medyo nagdidilim na ang paligid at dahil nasa bundok kami, kahit alas-singko palang ng hapon ay madilim na.
BINABASA MO ANG
Kasalanan ang Pagdilat: Tales of Horror
HorrorNandito ka ngayon sa pinaka-madilim na bahagi ng wattpad, kung saan ang pagdilat ay kasalanan at ang pagpikit ay kamatayan. Hayaan mong tangayin ka ng mga istoryang dadalhin ka sa anim na talampakan pailalim, kung saan ang mga nakatikom ay walang...