CHAPTER 02

113 4 0
                                    

Allison Smith POV

Rinig na rinig ko ang buntong hininga ng kaibigan ko habang nasa harap kami ng malaking pinto ng Guivera Mansion.

"Gusto mo ako na ang mag doorbell" suggest ko sa kaniya kanina pa kasi kami nakatingin sa pintong nangangalay na ako.

Ngayon lang nasayang ng ganito katagal ang oras ko sa ungentleman na lalaking to.

Di parin nag bago ang Mailrex nato lumala pa ata.

"Kinakabahan ako Alli" mahinang wika ni Clara.

"I see" kibit balikat kong wika at dina nga ako makapagpigil pinindot na nga ang doorbell.

Kring kring

Tunog ng doorbell maya maya pa ay pinag buksan kami ng isang may katandaang babae mukhang maid yata sa Guivera Mansion.

"Name po?" tanong nito.

"Clara Mae Sandoval at Allison Smith" sagot ko ng bigla nitong sinara uli ang pintuan na ikinainit ng ulo ko.

Bastos.

Mga walang respeto.

"Umuwi na tayo Clara walang kwenta ang pinunta mo dito natulog na sana ako" inis kong wika habang nakaharap sa kaibigan ko na nawawala na sa sarili at di man lang ata napansin ang kabastusan na ginawa ng kasambahay.

Mag sasalita na sana ako ng bumukas uli ang pintuan.

"I'm sorry for my attitude, pasok po kayo hinihintay na po kayo nina master, tara po ihahatid ko po kayo sa kinaroroonan nila" magalang na paumanhin ng maid.

Bumuntong hininga ako at lilingunin ko na sana ang kaibigan ko na nauna na saakin at halatang pinipilit na maging matatag kahit halatang kinakabahan ito.

Umiling nalang ako bago sumunod kay Clara na papunta sa sala.

Malayo pa lang natanaw ko ang anim na lalaki at tatlong babae.

Tumayo naman ang isang lalaking may ngiti sa labi na ungentleman na si Mailrex Guivera ng makita ako at balak sana akong batiin tinarayan ko na ito kaya ngumiti nalang ito saakin.

Demonyo talaga.

"Clara your here" nakangiting bati ni Mailrex nakita ko naman na ngumiti si Clara at pinaupo sa tabi niya.

Ts

"Your bodyguard?" biglang tanong ng babae habang nakaturo saakin.

Sh*t mukha ba akong bodyguard narinig ko naman ang pag hagikhik ni Mailrex kaya masama ko itong tiningnan at buti naman tumigil agad ito.

"Ahh hindi kaibigan ko si Allison Smith" nahihiyang wika ni Clara.

"Ahh sorry po tara ate Alli maupo ka dito sa tabi ko" wika ng babaeng nag sabi na mukha daw akong bodyguard.

Kahit naiinis ako ay umupo ako hindi sa tabi niya kundi sa pinakadulo di naman kalayuan sa kanila sabihan na nating dalawang tao lang ang pagitan namin ng isang lalaki.

Pagod na pagod ako kakatayo kanina at inaantok na naiinis pa ako sa nangyayari.

"Anyway gf ko pala si Clara Mae Sandoval babe sila naman si Lyrone Zake Mondragon at kapatid niya na si Lyra Zayn, siya naman si Janice Dye girlfriend ng kaibigan kong si Zyler Zion, at sila ang tropa ko si Raiven Sy, Kailer Jake Paker, Brayle Crane Lopez at" pakilala ni Mailrex sa kaniyang mga kaibigan at naputol lang ito na tela hindi niya kilala ang babaeng katabi ni Kailer.

"Meet my new gf hmmmm b hmm k" pakilala sana ni Kailer kaso mukhang sa dami niyang naging babae di niya na matandaan ang pangalan.

Ts bagay ang surname niya at mukha siyang babaero.

"I'm Kimberly Salazar at hindi ako new gf ng lalaking yan hinablot niya lang ako para maging catering ng party na to" mataray na wika ng babae.

"Hahaha wala ka pala Kailer" natatawang wika Brayle.

"Mapapasagut ko din yan" proud na wika ni Kailer.

"Buti pang si Mailrex maayus ayus ng pumili" natatawang wika nong Brayle mukhang isa ding babaero, yung babaerong hanggang kalandian lang di tulad ni Paker na mukhang Fucker nga.

"Huwag mo ngang itulad sayo yang si Mailrex na tulad mong kahit sino sino ang pinapatulan" wika naman ni Kailer.

"Hi ate Alli" bati ni Lyra saakin na edad 18 palang ata ito pero halata ang pag kaisip bata nito.

"Hi miss beautiful" bati ni Brayle saakin sabay kindat na ikinangiwi ko.

"Hoy mahiya ka nga" wika ni Raiven na mukhang nahiya sa inasal ng kaibigan niya.

Tiningnan ko lang sila at mukhang di ako makakapahinga kapag nandito ako.

"Huwag mo titigan Raiven baka matunaw" wika ni Mailrex at halatang Playboy din ay oo pala Playboy talaga.

Nakita ko naman ang pamumula ni Raiven mukhang mahiyain ang isang to.

"Napakaseryoso mo talaga pres" wika ni Janice saakin.

Yes I know her isa siya sa sikat sa school namin dahil sa angking talino at ganda nito samantalang campus officer naman ako at kumakatawan bilang president ng university na pinapasukan namin.

Kring kring kring kring

Tunog ng cp ni Zyler.

"Sasagutin ko lang" pag paalam ni Zyler bago umalis mukhang matino sa kanilang lahat.

"Tara e totour kita sa bahay namin" nakangiting yaya ni Mailrex kay Clara.

"Alli" tawag ni Clara saakin.

"I'm fine hintayin nalang kita" wika ko naman alam ko na ang pasikot sikot ng bahay na to ang tagal ko ding naging kaibigan ang gago naiyan.

"Tara" wika ni Mailrex bago sila umalis
sakto naman dumating si Zyler.

"Ang hirap mo naman e approach ate alli" wika ni Lyra saakin.

"Huhh?" niwika ko naman.

Anong mahirap?

Oo nga pala maldita daw ako sa unang tingin pero ang totoo hindi lang talaga ako socialize na tao.

"Ano ka ba huwag ka mahiya saamin kami lang to ang nagwagwapohang binata sa balat ng lupa" natatawang wika ni Lyrone mukhang ito ang joker ng tropa pero halata mong mabuti itong tao at hindi babaero.

"Sorry hindi lang talaga ako socialize na tao" wika ko.

Ang totoo kasi niyan sa panlabas na kaanyuan ang maldita, maangas at mukha akong matapang na tao pero sa totoo niyan ay tahimik at observant lang akong tao.

Lumapit naman saakin si Lyra at si Kimberly.

"Pwede mo kaming maging kaibigan" sabay na wika ng dalawa.

"Pasensiya na sapat na si Clara saakin" pag aamin ko.

Ayaw ko ng maraming kaibigan dahil mahirap makisama at dimo pa masisigurado kong magiging matagalan ba o magiging kaaway mo sa huli kaya okay na saakin si Clara kahit nag iisa at least alam kong nandito siya para saakin sa anong oras na kailangan ko siya.

"Napakaseryoso mo naman" wika ni Kailer.

"Pero teka parang pamilyar ka?" tanong ni Lyrone.

"Oo parang ikaw yon oo ikaw nga yan Smith heries" excited na wika ni Lyrone.

"Yes I am" wika ko.

"Sabi na eh ikaw yong crush ni Raiven dati pa" masayang wika ni Lyrone.

"Hoy pinag sasabi mo" nahihiyang wika ni Raiven.

"Ayieeh" katyaw naman ng iba.

"Mahiya nga kayo, pasensiya na Alli" nahihiyang wika ni Raiven.

"Ayus lang, sige na muna may kukunin lang ako sa sasakyan ko" pag paalam ko dito.

Antok na antok na talaga ako kailangan kong makaidlip kahit kunti.

Enjoy reading

BETWEEN US✅Where stories live. Discover now