Chapter 2

19.6K 517 40
                                    

"Keep your eyes on her."

Lumipas ang dalawang araw pero hindi pa rin mawala sa isipan niya ang huling sinabi ng lalake sa tauhan nito, wala siyang ideya sa kung anong gagawin ng mga ito sa kaniya. Ngayon niya naramdaman ang pagsisisi sa kung ano mang nagawa niya sa mga ito. Sa nakalipas na araw ay walang ibang ginawa ang mga tauhan ng lalake kung hindi ang dalhan siya ng pagkain.

Mabuti nalang at kinalas ng mga ito ang pagkakatali sa kaniya kaya hindi na siya nahihirapang gumalaw. Hindi na niya alam kung umaga ba o gabi dahil wala siyang masilip na kahit butas man lang sa loob ng silid. Nakaupo siya sa isag sulok habang yakap ang kaniyang tuhod, nilalamig siya dahil sa kaniyang suot.

Nakaramdam siya ng pandidiri sa sarili nang matantong dalawang araw na siyang walang ligo at walang bihis. Bumukas ang pinto at natanaw niya ang isang lalaking may hawak na paper bag, sa pagkakataong ito ay hindi pamilyar ang lalake. Walang bakas na emosyon sa mukha nito at hindi niya maipagkakailang may itsura ito, may piercing ito sa may gilid ng mapula nitong labi at medyo mahaba ang buhok.

"Tayo," utos nito sa kaniya.

Nanghihina siyang tumayo dahil medyo nangalay ang paa niya sa tagal ng kaniyang pagkakaupo.

"Sumunod ka sa akin, 'wag mo nang isiping tumakas. Mas bibigyan mo ng rason si Ridge na patayin ka." anito at lumabas, tahimik siyang sumunod rito.

Alam niya ang ganitong mga klaseng tao, she's been with bad guys no'ng mga panahong naligaw siya ng landas, walang awang nararamdaman ang mga tulad nito kaya mas mabuting sumunod nalang kaysa sa masaktan nila ng pisikal.

Paglabas niya ay sumalubong sa kaniya ang may kadilimang koridor. Habang naglalakad siya ay hindi maiwasang luminga sa paligid at dahil busy siya kakatingin ay tumama ang kaniyang mukha sa likuran ng lalake nang tumigil ito sa paglalakad.

"S-Sorry," hingi niya ng paumanhina at yumuko.

"Pumasok ka na at maligo," napasinghap siya ng itapon ng lalake ang hawak nitong paper bag sa kaniya at agad naman niyang nasalo. "Wear that, hihintayin kita rito sa labas." tipid utos paliwanag nang mapansin nito ang pagtataka sa kaniyang mukha.

Tiningnan niya kung nasaan sila, may puting pintuan sa harap nila kaya pinihit niya ang door knob at binuksan, isang malinis na bathroom ang bumungad sa kaniya. Pumasok siya at sinarado ito, lumapit siya sa may shower head. Saktong may nakita siyang shower gel, shampoo, sabon, toothbrush at toothpaste.

Kaninong toothbrush kaya 'to?

Imbes na problemahin kung sino ang may-ari ay nagpasya na siyang maghubad para maligo sa kaisipang baka mainip ang lalake na naghihintay sa labas at pasukin naman siya bigla. Binuksan niya ang faucet kaya dumaloy ang malamig na tubig sa kaniyang katawan.

She feels relieved.

Ilang minuto ang nakalipas ang lumipas at sa wakas ay natapos din siyang maligo, sinilip niya ang laman ng paper bag at nanlaki ang mga mata niya nang makita kung ano ang nasa loob nito. Isang pulang lingerie, manipis ito kaya alam niyang hindi ito sapat para matakpan ang pribadong parte ng kaniyang katawan.

"What... the hell is this?" medyo inis niyang sambit.

Hinalungkat niya ulit ang paper, nagbaka-sakaling may ibang option pero wala na itong laman.

Tied And Controlled (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon