Chapter 4

19.3K 556 50
                                    

Pagkatapos nang usapan ay agad tinawag ni Ridge si Lucian para ihatid siya sa kaniyang magiging kuwarto and the moment she saw Lucian, standing emotionless and giving her cold stares made her realize that coming with him is not really good idea.

He's colder than ice, she can say.

"Tell him where your things are and he'll handle that matter," tukoy ni Ridge kay Lucian, mabilis naman siyang tumango. "And don't ever think of running away from him," he leaned forward to get close to her.

Tumingin ito kay Lucian kaya napatingin din siya sa gawi ng lalake.

"He kills, just so you know." he shrugged and smirked playfully before stepping back.

"Hindi naman ako tatakas," medyo kinakabahan niyang sagot at tinitigan si Lucian.

He's wearing a white v-neck shirt that hugs his body properly, and blue jeans with a pair of male sandals. He was serious, damn serious that she's not used to it. Malayong-malayo sa matalik niyang kaibigan na si Dalton, her best friend was talkative and playful. Unlike him, aakalain mong hindi marunong ngumiti.

"Stop staring at him,"

Bumalik siya sa sarili nang biglang magsalita si Ridge,

Kabado siya habang palabas sila ng opisina ni Ridge dahil kasabay niya ang lalake.

"I don't know what's your plan for staying here pero ngayon pa lang sinasabi ko na sa'yong huwag mo nang ituloy." mahinahon nitong wika ngunit ramdam niya lamig sa tono nito.

Huminto siya at tiningnan niya ito.

"Wala akong planong kahit ano. Gusto ko lang mabuhay." sinuklian naman niya ang lamig ng pakikipag-usap nito.

"I don't believe you." dagdag pa nito.

"And I'm not forcing you to believe me." ganti niya rito.

Mukhang dalawang tao ang hindi niya makaka-sundo sa mansyon. Vera and this man in front of him. Hanggang sa pag-akyat ng hagdan ay walang usapang naganap and she hates it.

It's awkward.

Nang marating nila ang isang itim na pintuan ay tumigil si Lucian at hinarap siya.

"Here's my cellphone number," nagulat siya ng ilahad ng lalake ang isang calling card sa harap niya. "You can call or text me when you need something, i-text mo nalang din ang address kung saan ka nakatira and other important information para makuha ko ang mga gamit mo." tinaggap naman niya ang alok nitong calling card.

"Thanks. Pero wala akong cellphone. I don't have my things with me." ngayon lang niya naisip na wala sa kaniya ng dala niyang sling bag kung saan nakalagay ang cellphone at wallet. Nandoon din ang susi ng Ducati niya.

"Nasaan ang motor ko?" bigla niyang tanong.

"The cheap Ducati model?"

Cheap? Alam niyang hindi 'yon ang latest model ng Ducati but it's still expensive! Ilang buwan siyang nag-tipid at nag-tiis just to afford it.

"Yeah, that one. Nasaan?"

"Nasa may garahe." nakahinga siya ng mabuti nang malamang safe ang kaniyang pinakamamahal na motor.

Tied And Controlled (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon