Chapter 3

19.1K 491 32
                                    

Nanibago siya bigla nang lumapat ang walang saplot niyang mga paa sa kulay brown malamig na marmol sa may maindoor. Hinawakan niya ng mahigpit ang coat na binigay ng lalake kanina lang habang naglalakad sila pabalik. She didn't even get the chance to see the whole house dahil alam niyang wala siyang malay nang dalhin siya rito sa napakalaking bahay.

Nanatili siyang nakasunod hanggang sa makarating sila sa living area, nadatnan nila ang lalaking dumukot sa kaniya na tahimik na nagbabasa ng libro pero napunta ang tingin sa kanila.

"Ridge? Aga mo namang nakauwi." ani ng lalake at nang napunta sa kaniya ang tingin nito ay bumakas ang gulat sa guwapo nitong mukha.

Why they all have that faces? 'Yung dalawang manyakis lang ata ang hindi ka-guwapuhang nakita ko dito.

Tinuro ng tinatawag nilang Ridge ang couch, giving her gesture to sit and she followed like a puppy.

"Bakit kasama mo 'yan?" takang tanong nito nang mapansin siya.

"She almost escaped, akala ko ba'y binabantayan nila ng mabuti, Keegan?" matigas na balik na tanong nito.

Siya naman ang nagulat ng umupo sa kabilang bahagi ng couch ang lalake pero hindi nalang niya panansin, her eyes went straight to the person who abducted her.

So, Keegan is the heartless asshole? Walang awang hinampas ako!

"Ang akala ko pinuntahan ni Lucian—" naputol ang sasabihin nito nang may marinig kaming kalabog mula sa isang pintuan.

"Keegan, the girl has escaped—shit!" hinihingal na mura nang lalaking tinakasan niya sa bathroom habang nakatingin sa kaniya.

"I found her, Lucian. Calm your balls." lingon ng lalake kay Lucian.

Lucian and Keegan? Perfectly rhymed, huh?

Masamang tingin at ipinukol ni Lucian sa kaniya kaya agad siyang nag-iwas ng tingin.

Bakit ba ang susungit ng mga 'to?

Sabay-sabay silang napatingin nang may marinig silang tumatawag ng pangalan.

"Keegan?" tanong ng malambing ng boses ng isang babae.

Nakita niya ang isang maputi at magandang babaeng pababa ng hagdanan, hanggang leeg ang itim na buhok nito. Nakasuot ng peach-colored floral dress na lagpas tuhod ang haba.

"Have you seen the paper bag I bought, love?" tanong ng babae, alam niyang hindi siya napansin nito dahil mukhang naka-focus kay Keegan.

"Paper bag?" takang tanong ni Keegan.

Nang makalapit ang babae ay umupo sa tabi ni Keegan at yumakap sa braso niya.

"Yes, the paper bags na binili ko kanina lang, kulang ng isa."

Wala sa sariling napatingin siya sa gawi ni Lucian na tahimik na nakasandal puting pader, malapit sa tabi ng malaking vase.

"The black one?" muling bumalik ang tingin niya sa dalawa.

Are they couple?

Tied And Controlled (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon