NASUDI NGA AYAT [ PURE LOVE ]PURE LOVE is one of the truest forms of love. It is willingly given despite one's flaws; and without expectations of receiving something in return.
Pure love is powerful and it strengthens because it is real.
Sabado.
"Amihan, kanina ka pa hinihintay ni SK Chairman. Nagsimula na ang youth program!" bungad sa akin ni Chloe.
"Sorry. Tumulong pa kasi ako sa amin."
Hinawakan niya ang kanang kamay ko. Dumaan kami sa gilid ng mga kabataang ang sentro ng atensyon ay nasa harap lamang.
His beauty really stands out in the crowd.
His presence screams power.
He's wearing a white polo shirt paired by tattered blue jeans. Nakaapron siya ng puti at nakapastry chef hat din siya. Ang ibang SK members ay ganun din ang get-up.
Kasalukuyan na silang nagmamasa ng dough na ibibake nila.
Every weekends, may iba't-ibang programa ang bario namin. Bautista is one of the well-known bario in our town. And also this is the birthplace of our beloved town mayor.
"Natulala ka na diyan. Laway mo, oi!" pabirong pinunasan ni Chloe ang gilid ng labi ko.
Hinampas ko ang balikat niya na ikinatawa niya ng mahina.
"Look at him. Lahat sa kanya nakatingin. Well, guwapo din naman ang ibang SK members pero iba talaga ang charisma ng Chairman natin," daldal pa niya na may halong pagnginig ng balikat.
Seryoso ang SK Chairman sa pagmasa ng dough pero maya-maya ay iginala ang paningin sa paligid niya. Hanggang sa magtama ang aming paningin. Tinawag niya ang isa sa mga kabataan na malapit sa kanya at may ibinulong. Tumango naman ang lalake.
Nag-excuse ang lalake sa crowd at bumaling papunta sa direksiyon namin ni Chloe. "Ate. Punta ka daw sa harap. Pinagpapawisan si Chairman. Punasan mo daw ang pawis niya at baka humalo sa tinapay at maging maasim ang lasa non," may bahagyang pagtukso sa boses ng batang iyon.
"Yii. Pumaparaan," mahinang sinundot ni Chloe ang tagiliran ko.
"Yan ka na naman. Napakamalisyosa mo talaga." Inirapan niya ako na may tudyo sa kanyang mga labi. "Diyan ka na nga!" Lumakad ako papunta kay SK Chairman, sumunod agad siya.
"Magpupunas din ako ng pawis ng ibang members para hindi kayo tuksuin," asar niya ulit sa akin. She then tends to the other members at kinumusta ang mga ginagawa nila. Hindi nga siya nagbibiro at isa-isang pinunasan ang mga pawis nila.
"Hi."
Tagaktak nga ang pawis niya. Unti-unti siyang nagtaas ng tingin. Which made my heart leap a beat.
Sumilay ang matamis na ngiti sa labi nito.Any girl could die with that killer smile.
He is really manly beautiful.
Inilabas ko sa bulsa ko ang dala kong panyo at pinunasan ang pawis niya.
"Yii!" tukso ng ilang kabataan na nasa harap namin.
Bahagyang natawa si SK.
"You're late." sabi niya habang inililipat sa oven ang namasa na niyang dough na nasa baking pan. Maging ang ibang members ay ganun din ang ginawa.
"May inasikaso pa kasi ako sa bahay," mahinang sabi ko pero sapat na para marinig niya.
Hindi na niya ako sinagot at naging abala na siya sa iba pang gagawin.
BINABASA MO ANG
Her Almost Perfect Love Story (Montecillo Sisters Series 1)
RomanceSunsets, DSLRs, and rings. These are the things that will always remind Amihan of the sweetest love story she ever had in her life. Ever since she was a teenager, it was like a destiny to be with Ryker, because who wouldn't fall for someone physical...