"Power has been cut in the province of Isabela and Cagayan. Crops that about to be harvested could have been destroyed because of the strong typhoon. We are just waiting for the assessment of casualties. There is no specific data as of now." Sabi ng Commissioner ng NDRRMC sa isang interview.
Itinigil ko ang panonood ng balita sa aking phone at tumingin sa labas.
Tanghaling tapat pero napakadilim ng kalangitan.Sunud-sunod ang kulog at kidlat. Nakakatakot ang tunog ng hangin na humahampas sa buong boarding unit namin. Manaka-naka ang pag-ulan.
Lumabas ako ng kuwarto ko at nadatnan ang mga boardmates ko sa sala.
They're also watching news in their phones. Bakas sa mukha nila ang lungkot dahil sa mga balita na napapanood nila.
"Libu-libong residente sa Cagayan ang naipit sa bubong ng kanilang mga bahay dahil sa matinding pagbaha, ang mga larawan nila ay ibinahagi sa social media."
Nagtimpla ako ng kape at pumasok ulit sa kuwarto ko.
Nanay is calling.
"Hello anak? Ayos ka lang ba diyan? Nag-aalala ako rito. Nasundo na namin sa bayan ang dalawang kapatid mo." Bungad ni Nanay.
"Opo. Nandito po ako sa loob ng kuwarto ko. Huwag po kayong mag-alala. Maayos po ako dito."
"Salamat sa Diyos, anak. Mag-iingat ka diyan."
"Opo. Kayo din diyan, Nay."
"Oh sige na at baka malobat ka. Lagi mo kaming balitaan, ha?" Paalala pa niya bago pinatay ang tawag.
Ryker Abellana sent you a message.
From Ryker Abellana:
I hope you're doing well. Take a lot of care.To Ryker Abellana:
Ayos lang ako. You, too. Ingat ka diyan sa Manila.Pinatay ko ang phone ko dahil one bar na lang ito. Ang powerbank ko naman ay drained na dahil hiniram ng mga boardmates ko. Nakalimutan nilang magcharge noong may power pa.
Nag advance reading na lang ako sa mga subjects ko. At dinouble-check ang mga sagot sa workbooks ko.
Ganoon lang ang ginawa ko sa mga sumunod na araw.
"Ate!" Someone is knocking at my door.
Binuksan ko ang pintuan. "Bakit?"
"May naghahanap sayo sa labas."
Medyo malakas pa din ang ulan kaya nagtaka ako kung sino.
Nagsuot ako ng jacket at lumabas na.
Kuya Chris, our University Student President is outside.
"Ms. Montecillo, are you available? Naghahanap kami ng volunteers for the calamity papuntang Cagayan. Mas malaki kasi ang damage doon kaya doon kami pupunta."
"Ha? Oh. Okay po kuya. Sasama ako." Nagulat man ay pumayag ako agad.
"Okay. Pack your things at babalikan ka namin. Maghahanap pa kami ng mga volunteers." Sabi niya at nagpaalam na. Sumakay siya sa isang SUV.
Mabilis akong pumasok sa bahay at inihanda ang mga gamit na kailangan ko.
I wear a thick jacket and a black jogging pants. Kinuha ko din ang raincoat ko.
"Ate. Sasama din kami." Sabi ng ilang boardmates ko nang makalabas na ako ng kuwarto. Handa na din sila. May nakasukbit na backpack.
"Alright. Tara na."
BINABASA MO ANG
Her Almost Perfect Love Story (Montecillo Sisters Series 1)
RomanceSunsets, DSLRs, and rings. These are the things that will always remind Amihan of the sweetest love story she ever had in her life. Ever since she was a teenager, it was like a destiny to be with Ryker, because who wouldn't fall for someone physical...