Kabanata 4

173 18 6
                                    


Kasalukuyan akong nagluluto ng paksiw na galunggong ng marinig ko ang malakas na boses ni Auntie Celia sa labas.

"Sincerely Your's, lumabas ka diyan! Ano tong ipinapakalat mo tungkol sa anak ko, ha?!" Malakas na sigaw ni Auntie Celia, tinatawag ang weird name ng kapitbahay namin.

"Ate, may away yata sa labas?" Itinigil ng kapatid ko ang paghuhugas ng mga ginamit ko sa pagluluto.

Hinugasan niya ang kamay niya at pinunasan ito.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko ng naglakad na siya palabas ng kusina.

"Sisilip lang sa bintana." Mahina siyang bumulong. At dahan-dahan nga niyang hinawi ang kurtinang tumatabing sa liwanag ng araw na galing sa labas.

"Pst! Halika rito. Hayaan mo sila." Saway ko pero hindi pa din siya nagpaawat sa pagdungaw.

"Ate, lumabas na si Auntie Sincerely Your's." Mahina niyang imporma.

Ipinagpatuloy ko ang paghihiwa ng kamatis. Naglagay ako ng baggoong sa maliit na container.

"Walanghiya ka! Kumare pa naman kita pero kung anu-ano ang ipinapakalat mo tungkol sa inaanak mo!" Dinig ko pang tungayaw ni Auntie Celia.

"Anong ipinapakalat ko?" Sigaw pabalik ni Auntie Sincerely Yours.

"Huwag kang magkunwari. Sa bibig mo daw galing ang tsismis tungkol sa anak ko." Malakas pa ding Sigaw niya.

"Ate. Ang dami nang tao sa labas." Akma siyang lalabas ng bahay ngunit pinigilan ko siya.

"Huwag kang makisawsaw at away matanda yun. Dito ka lang. Isusumbong kita kay Nanay kapag lumabas ka." Banta ko sa kanya.

Takot ang bunso namin kay Nanay. Isang salita lang ay nakikinig agad.

Sumimangot siya at bumalik sa pagsilip sa bintana.

"Hindi yun tsismis, mare! Nakita ko ang anak mong pumasok sa isang Inn sa Santiago. Sinabihan ko ang kapatid mong sabihin niya sayo para malaman mo kung anong ginagawa ng anak mo sa likod mo! Ngayon ako pa ang masama?" Sagot pabalik ng kapitbahay namin.

"So kanino galing ang tsismis na buntis ang anak ko?"

"Wala akong itsinitsismis na buntis ang anak mo, ano?" Galit na sabi ni auntie Sincerely Your's.

"Sinungaling ka!"

At narinig ko ang nagsisigawan na boses ng iba pang tao sa labas.

"Ate! Nagsasabunutan na sila." Ate! " Tawag niya sa akin.

"Kunin mo ang phone ko, nasa loob ng kuwarto ko."

Kumilos nga siya at mabilis na kinuha ang phone ko doon.

Nang iaabot na niya ang phone ko ay inutusan ko siyang tumawag sa Barangay Hall.

"Sabihin mo magpadala ng Barangay Tanod dito sa purok kuwatro." Utos ko.

Sumunod naman ang kapatid ko.

Hinugasan ko ang kamay ko at lumabas na sa kusina.

Nang sumilip ako sa bintana ay nasa ibabaw na ni Auntie Celia ang kapitbahay namin. Pilit silang pinaghihiwalay ng mga taong nanonood sa kanila. Kung anu-anong mura ang lumabas sa bibig nila.

Tinakpan ko ang tenga ng kapatid ko at inilayo siya doon. Iginiya ko siya sa kusina.

Wala pang limang minuto ay narinig namin ang
sirena na galing sa sasakyan ng mga tanod.

Hindi naglaon ay unti-unting nawala ang ingay sa labas.

"Ate,totoo kayang buntis si Ate Celeste? Fifteen pa lang siya, di ba? Kaedad lang siya ni Ate Amira." Curious na tanong niya.

Her Almost Perfect Love Story (Montecillo Sisters Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon