Kabanata 3

165 22 11
                                    

"Kausap mo?" Umupo si Hillary sa harap ko. She also peeped on my phone. Lumaki ang mata niya at tinakpan ang kanyang bunganga gamit ang kanyang kaliwang kamay. "Ryker?" she mouthed.

"Mamaya ulit? Papasok na ako sa next subject ko." Paalam ni Ry.

"Okay," sagot ko at pinatay na ang tawag.

"Ganun lang? Walang I love you-han?" Hillary teased.  Inilabas niya ang libro niya sa Agricultural Economics and Marketing. Nagsimula siyang magsulat.

"Bakit may I love you-han eh wala naman kaming relasyon?"

"Mahirap yan. Sweet kayo sa isa't-isa pero walang label. Hindi klaro kung ano ka sa buhay niya."

"We're friends." Sagot ko.

"Friends pero updated lagi sa isa't-isa. Laging magkatawagan at chat?"

"Group video call yun. Nagkataon lang na kaming dalawa ang may vacant time kaya ako lang ang nakasagot sa group call niya."

"Sus. Mga palusot ninyong dalawa. Bakit ayaw niyong mag-aminan? Eh, halos ramdam ng mga tao sa paligid niyo na you like each other. Ayaw niya ba ng commitment?"

"I don't know. Basta masaya ako kung anong meron kami. I'm not in a hurry for a relationship," pag-amin ko.

"You are just enjoying each other's company? What if makahanap siya ng iba sa Manila? Alam mo na, girls are everywhere. At hindi rin basta-basta yung special someone mo. Napakaguwapo nun. Sigurado akong maraming nagkakagusto sa kanya. Maging ako man, attracted sa kanya. Pero dahil may something kayo, back off agad ako."

Umupo ako ng tuwid. "Kapag nakahanap siya ng iba, I'll be happy for him."

"Hindi ka masasaktan?"

"Medyo?"

Ibinaba niya ang hawak niyang libro.

"Sa tingin ko hindi ka masasaktan kasi kitang-kita ko sa mga mata mo na hindi ka bothered." Inilapit niya ang mukha niya sa akin, tinitigan niya ako.

Umatras ako ng kaunti. "Ang weird mo." Tinakpan ko ang mata niya.

"Hindi ka bothered coz you know deep inside your heart na hindi siya makakahanap ng iba." Pumitik siya sa hangin at may tinging nanunudyo.

"Hindi sa pag-a-assume but I am somehow feeling that I'm special for him. Hindi niya sinasabi pero nararamdaman ko. Marami din kaming kaibigan na babae pero hindi naman ako bulag at manhid, sa akin lang siya talaga may extra care. Not that I'm bragging it or something. Pero ramdam ko lang. Words are important but I'm feeling it kaya hindi ako bothered."

She just listened at tumango-tango.

"Kung makahanap man siya ng iba, I would be happy for him. Napakabait niyang tao at deserve naman niyang maging masaya." I said truthfully.

"Pero gusto mo siya, hindi ba?" She stopped writing at seryoso akong tiningnan. As if napakahalaga ng sagot ko sa tanong niya.

"Yes. I like him pero masaya nga ako sa kung anong meron man kami ngayon."

Kinuha niya ang notes ko. "Pakopya ng assignment." Pag-iiba niya sa usapan.

I just shrugged my shoulders. "Si Daphne nga pala?" Kasalukuyan kaming naghihintay para sa next subject. Two hours ang vacant time namin.

"NagMcDo. Magtitake out daw siya. Oh! Ayan na pala sila e!" Turo niya sa mga paparating na kaklase namin.

Inilapag nila sa sementadong mesa ang mga pagkain na binili nila. May Cheeseburger,ham sandwich, fries, McFloat at sundae.

Her Almost Perfect Love Story (Montecillo Sisters Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon