Chapter 4

24 4 0
                                    


Rhia's Pov

"Class, dismiss" sabi ng teacher namin at saktong tumunog yung bell kaya naman inayos ko na ang gamit na nakakalat sa desk ko.

"Iya tara na" sabi ni Jisung kaya tumango ako at tumayo.

"Asan si Klein?" Pagtatanong ko kay Jisung.

"Ewan don. May pinuntahan eh." Sabi nya naman. San naman pupunta yung babaitang yon?

"May sinabi kung saan sya pupunta?" Tanong ko ulit sakanya.

"Locker daw" sabi nya kaya naman agad ko syang hinila palabas ng classroom para pumunta ng locker.

Natanaw namin mula dito si Klein na naghihintay sa likod nung isang locker habang tinitingnan yung locker na mukhang hindi naman sakanya.

"Ginagawa non?" Bulong ko sabay tingin kay Jisung. Nagkibit balikat lang sya. Ang kyut naman neto, lord akin nalang to.

Pinanood muna namin si Klein habang may hinihintay sya. Di naman kami chismosa, medyo lang.

Jisung's Pov

"Ginagawa non?" Tanong nya sakin kaya napakibit balikat nalang ako.

Habang tinitingnan namin si Klein ay di ko maiwasang kiligin dahil sa sitwasyon namin ngayon. Nakahawak pa din sya sa kamay ko~

Siguro okay na tong sitwasyon namin ngayon no? Pero gutom na kase talaga ako eh.

"Iya?" Bulong ko sakanya.

"Hmm?" Tugon nya.

"Punta na tayo cafeteria, gutom nako" bulong ko sakanya kaya napatingin sya sakin.

"Sige tara" sabi nya at akmang aalis na.

"Hindi na natin hihintayin si Klein?" Sabi ko sakanya kaya napatigil naman sya.

"Ay oo nga pala. Tara lapitan na natin,gutom na din ako eh" sabi nya biglang higit sakin papunta kay Klein.

"Hoy babaita. Anong ginagawa mo dan?" sabi ni Rhia kay Klein.

"Shhh. May hinihintay ako" sabi nya naman.

"Bat sa locker? Tsaka,bat ka nagtatago?" Tanong ko sakanya.

"Basta. Kwento ko sainyo mamaya." Sabi nya at pinagpatuloy yung pag silip.

"Mauna na kami ni Sung?" Tanong ni Rhia sakanya. Keleg nemen eke den.

"Oo sige. Eatwell" sabi nya at itinaboy kami.

Naglakad na kami papaalis ni Rhia nang makita kong hindi pa din sya nabitaw sa pagkakahawak sa kamay ko.

"Ummm Iya" sabi ko sakanya kaya napalingon sya sakin kaya tinuro ko yung mga kamay naming dalawa.

"Ay hala, sorry, diko napansin" sabi nya sakin at kaagad na inalis yung pagkakahawak sa kamay ko. Bat kase sinabi ko pa......

"Okay lang" sabi ko sakanya kaya nagpatuloy na kami sa paglalakad.


Klein's Pov

"Class,dismiss" sabi ng teacher namin kaya agad akong tumayo sa kinauupuan ko.

"Sung, may pupuntahan lang ako ha" sabi ko kay Jisung na nasa likod ko.

"Saan?" Pagtatanong nya sakin.

"Sa locker" sabi ko sakanya at kinuha ko yung letter at kumaripas ng takbo papuntang locker. Delikado, baka maabutan ako.

Nang malagay ko na sa locker yung letter at ang mahiwagang Banana milk ay agad ko itong isinara at nagtago sa likod nung isang locker. Sana lang wag ako mahuli dito.

Bestfriend •Park Jisung•Where stories live. Discover now