Chapter 42

13 5 0
                                    


The next day
Rhia's Pov

Nandito na ako sa school at kasalukuyang nasa loob ng classroom, kanina pa ako dito.

Napaaga ata ako ng dating, sobrang onti palang ng mga istudyante at wala pa sila Klein at Jisung.

Naisipan kong pumunta nalang ng rooftop para makapagchill ng onti. Nakakaboring kase kung mags-stay lang ako sa classroom ng matagal.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad papuntang rooftop dahil alangan namang gumapang ako papunta don,diba? Charot lang.

🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻

Andito na ako sa rooftop at kasalukuyang nakaupo sa may upuan dito. Nagpatugtog muna ako ng music para hindi ako puro tunganga dito.

Habang ako'y nagmumuni muni ay bigla naman akong nakaramdam ng tapik galing sa aking likuran kaya nilingon ko naman ito. Jisung.

"Good morning." Sabi nya at umupo sa tabi ko.

"Morning." Sabi ko at itinuon ulit ang atensyon sa langit.

"Bat ang aga mo?" Tanong nya sakin. Yawa bat ang ganda ng boses neto.

"Nagising kase ako ng maaga. Wala naman akong gagawin sa bahay kaya pumasok nalang ako." Sabi ko sakanya kaya napatango naman sya.

"Gusto mo?" Pang aalok ko sakanya nung headset para makapakinig din sya.

Agad nya naman itong kinuha at isinuot sa tenga nya. Lord akin nalang to.

"Broken ka?" Tanong nya sakin kaya napatawa naman ako.

"Hindi ah. Trip ko lang sad songs." Sabi ko sakanya kaya napangiti nalang sya. Ang kyut nya masyado yiee.

"Wala pa ba si Klein?" Tanong ko sakanya dahil baka naman alam nya diba.

"Andon sa baba. May kinukuha lang dun sa locker nya." Sabi nya sakin kaya tumango nalang ako.

"Waw ha. Di nag aaya." Biglang pagsasalita galing sa likudan namin. Oh, ayan na pala.

"Late kana kase." Sabi ko dito kaya tinitigan nya naman ako ng parang ewan.

"Late ka dan, ang aga aga pa." Sabi nya at kinuha yung isang upuan at umupo sa isa kong gilid. Bale ako nasa gitna ngayon. Special siguro ako. Charot.

Nagkaroon ng onting silence pero nagsalita naman agad si Klein kaya naputol ito.

"Gusto nyo?" Sabi ni Klein sabay abot nung banana milk kaya agad ko naman itong kinuha at ibinigay kay Jisung yung isa.

Itinigil ko na yung music dahil ang unfair naman dahil tatlo kami dito tas dalawa lang to.

"Tulungan nyoko mamaya." Sabi ni Klein habang umiinom ng banana milk.

"San?" Sabi ni Jisung sakanya.

"May pupuntahan sila ni Ayden." Sabi ko habang pinipisil pisil tong carton ng banana milk dahil ubos na.

"Kaya mo na yan." Sabi ni Jisung sakanya kaya napatawa naman ako ng mahina.

"Grabe ha." Sabi naman ni Klein sakanya.

Tumingin ako sa orasan ko at halos kalahating oras din kaming nandito. Mas nauna lang ako sakanila. Malapit na start ng klase.

"Tara na?" Tanong ko sakanila kaya nagsitayo na sila para umalis na din ng rooftop.

Bumaba na kami at nagtungo sa classroom. Nakakatamad pala magsalita, no? Charot.

Bestfriend •Park Jisung•Where stories live. Discover now