Chapter 27

12 4 0
                                    

Rhia's Pov

Nandito kami ngayon sa cafeteria dahil recess na at kasabay namin kumain yung dream kaya ang ingay dito sa table namin. Ayan pinagtitinginan na tuloy.

"Famous na tayo." Sabi ni Haechan at nagflip hair.

"Baliw. Famous naman talaga tayo." Sabi naman ni Jeno.

"Hangin neto." Sabi ni Renjun habang kumakain.

"Tumigil na nga kayo dan. Kaya tayo pinagtitinginan kase ang iingay nyo." Sabi ko sakanila.

"Ough ngha nhamharn." Sabi ni Klein na punong puno yung bibig ng pagkain.

"Lunukin mo kaya muna yan, Klein?" Sabi ni Lele with matching nangjujudge face.

"Hinay hinay lang, Klein." Sabi ni Jisung kay Klein.

"Baka mabulunan ka at kunin ka agad ng itaas." Sabi ni Jaemin.

"Nabulunan lang kukunin agad?" Sabi ni Klein nang malunok na nya yung pagkain sa loob ng bibig nya.

"Malay mo di ka na isave nung tubig." Sabi ni Renjun at pinagpatuloy yung pag kain.

"Ansama nyo." Sabi nya at nagpout.

"Kapatid ba kita? Tingnan mo, ampanget mo magpout. Daming nakakakita satin tas ganan ka?" Sabi ni Haechan kay Klein. Siraulo.

"Che. Mas maganda naman ako sayo." Sabi ni Klein sabay flip hair. Mukha naman silang magkapatid diba?

"Ah talaga ba?" Sabi ni Haechan sa kapatid nya. Mukhang magaaway pa.

"Oo. Di ka nga lab ni Mark eh. Diba Mark?" Sabi ni Klein at agad naman tumango si Mark.

"Ah talaga ba Mark Lee? Pakyu." Sabi ni Haechan at nagpout.

"Kapatid ba kita? Tingnan mo, ampanget mo magpout. Daming nakakakita satin tas ganan ka?" Pag uulit ni Klein sa sinabi ni Haechan kanina.

"Woi. Tama na yan. Kumain na nga lang kayo." Sabi ko sakanila at agad naman silang sumunod.

"SI RHIA ANG BATAS!!!" Biglang sigaw ni Jaemin sabay taas nung kutsara. Walangya yan, nagtinginan na samin lahat.

"HOY INGAY MO!" sigaw ko din kaya napatingin sya sakin at nagpiece sign.

Tumingin naman ako sa mga istudyante na nakatingin samin at agad naman akong nagsorry at ngumiti lang sakin yung ibang students. Siguro kase kapatid ko si Johnny Bravo kaya nila ako nginitian no? Charez.

Maya maya pa ay tumunog na yung bell at nagsi balikan na kami sa kani kanilang classroom.

Bestfriend •Park Jisung•Where stories live. Discover now