Chapter 22

13 4 0
                                    


Rhia's Pov

"Ano bang meron kuya?" Tanong ko kay kuya na nagd-drive. Pupunta daw sa dorm ng 127 yawa.

"Magbobonding ata." Sabi nya naman.

"Kumpleto?" Tanong ko ulit.

"Oo. May hinahanap ka no?" Pang aasar sakin ni kuya. Si Jisung po.

"Wala ah. Tinanong ko lang." Sabi ko sakanya. Kinakabahan tuloy ako.

"Si Jisung? Right? Wag ka mag alala, nandon yon." Sabi nya sakin kaya napatunganga naman ako. How?

"Di ko naman sya hinahanap eh!" Pagmamaktol ko.

"Tsk. Alam ko na lahat,Rhia Suh. Kailan pa?" Sabi nya sakin. Shems ano to.

"Ang?" Nanginginig kong sabi. Lord, save me.

"Yung feelings mo kay Jisung? Kailan pa yan?" Seryosong tanong nya sakin.

"5 years." Nakayuko kong sabi.

"HALA SYAAAA. KALERKI, BAT DIMO SINABI? EDI SANA KAYO NA NGAYON NI JISUNG. GOSH, KAPATID BA TALAGA KITA?" Pasigaw nyang sabi pero hindi galit yung tono. Anuedaw?

"Kuya naman ehhhh!" Sabi ko sakanya at hinampas sya sa braso.

"Joke lang, 'to naman!" Sabi nya sakin.

"Anong plano mo?" Tanong nya sakin.

"Wala." Tugon ko dito pero di sya nagsalita.

Maya maya ay nakarating na kami sa dorm ng 127. Medyo may kalayuan kesa sa dorm ng dream na nilalakad lang.

🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻

"Eyy Johnny hyung,wassup!" Sabi ni Haechan pagbukas ng pinto. Naka sunglasses pa.

"Pasowk!" Sabi nya at binuksan nang malawak yung pinto.

Zoo ba'to? May mga nakawalang dinosaurs, sana di pa ako mamatai.

"Eyyy Iyaaa." Sabi ni Klein sakin sabay akbay.

"Andon bebe mo." Bulong nya sabay turo sa kusina.

"Siraulo." Sabi ko at natawa naman sya.

"Iya helpppp, sinasakal ako ni Haechan!" Sigaw ni Renjun na kasalukuyang sinasakal ni Haechan. Sakalan pt.2?

"Haechan, keep it upppp!!!! Galingan mo!" Pagch-cheer ko kay Haechan.

"Mga dimunyu!" Sabi ni Renjun kaya tumawa nalang ako at nagpunta sa kusina.

"Oh, Iya! Hi!" Sabi ni Jaemin sakin.

"Gusto mo?" Pang aalok nya sakin ng pagkain.

"MAY LASON YAN IYA!!" Sigaw ni Jeno.

"Tarantado yon, wag ka maniwala." Sabi nya sabay ngiti kaya kinuha ko na yung pagkain at umalis.

Ang gulo gulo nila. May nagsasakalan, may nagrarambulan, may kumakain na pakalat kalat, may nagvivideo games, may nagsisigawan tas sumabay pa yung nag aawat. Siguro nga nasa zoo ako.....

Bestfriend •Park Jisung•Where stories live. Discover now