Chapter 2

9 2 0
                                    


"Nasaan na ba si Klyde?!" inis na atungal ni Jade.

Si Klyde, iyong jowa niya. Sinabi naman kasing trip lang ng tropa, eh! ewan ko ba sa mga ito, puro nalang kagagahan ang iniisip.

It's love! singit ng utak ko.

"Love my ass!" pigil sigaw kong sabi.

"Ano ba, Jade?! is he coming pa ba?" naiiritang tanong ni Samantha habang mukha na namang tangang nakatingin sa cellphone.

Ewan ko ba sa isang ito, mas gusto pa ata kausapin ang cellphone niya kaysa sa mga totoong tao, eh.

"He will come!" maagap na sagot ni Jade.

"Asus!" singit naman ni Cheska, pambwesit lang.

"You know what, girls? I'm done with this! uuwi na lang ako." lintanya ko.

Ang akala ko naman kasi ay happy trip to New York ang na set namin, hindi stress trip to New York!

"Hey, babe! sorry I'm late."

Thank G! he's here.

"I am so worried! hindi kita macontact! like, what happened to you?" with matching worried face na sabi ni Jade.

Geez!

"Oh, tama na! tama na harot! let's go na! Jusko po.." pagputol ni Cheska sa mala mmk na scene ng minamahal naming kaibigang si Jade at ang boyfriend nito.

"Hi, girls? Uhm.. your scarf looks nice." baling ni Klyde kay Samantha.

"A-ah hahahahahaa thanks?" awkward na replied ni Samantha.

Napatingin naman ako kay Cheska na tumingin ng may kahulugan kay Samantha.

"Buti naman you're here na," pag-iiba ni Samantha ng topic.

"Traffic eh, sorry hehe." pag peace sign pa ni Klyde.

I don't really get my friends, geez! kawawa naman si Klyde. In fact he's nicer than Cheska's boyfriend, honestly speaking.

Mas maganda naman siguro yung parang bakla ang boyfriend mo kesa sa babaero, hindi ba?

Sabihin ninyong tama ako!

Napapailing nalang ako sa sinasabi ng utak ko. Stress is real!

"Oh? stick ka lang diyan, girl?" pambwebwesit ni Cheska na meters away na saakin.

"Whatever." sagot ko nalang bago hilahin ang baggage ko't sumunod sa kanila.

***

Nasa loob na kami ng eroplano, finally! it's been a year since the last we went to NYC, ang tagal na.

Masayang masaya sina Cheska, halatang halata kay Samantha na hiyang hiya ang airplane mode sa kakacellphone.

Addict!

Napairap nalang ako bago nagpunta sa may pwesto ko, katabi ko si Samantha, sina Jade, Cheska at Klyde naman sa likuran namin.

Nauna maglagay sa taas ng gamit sina Cheska at Samantha, sina Jade naman kasalukuyang nilalagay ni Klyde.

Medyo may kabigatan ang dala kong bag, liban pa sa baggages kong nachecked in ko na. Idagdag pa ang height ko kaya naman ay hirap akong maabot ang lagayan ng hand carry bags.

"Klyde, can you help me put my hand carry in there?" pasuyo ko kay Klyde, mabigat kasi ang dala ko.

Magkakatabi lang ang seats namin, medyo nasa unahan lang ang upuan ko, hindi na namin kakilala ang mga nakaupo sa harapan kong passenger seats.

"Sige,"

"Thanks." tipid kong sagot.

Maya-maya pa ay!

"Oh, fuck!" hiyaw ng nakaupo sa may harapan ng seat ko.

Natamaan iyong passenger ng hand carry bag ko! pahirapan nga kasi talagang ilagay sa taas ng compartment ng eroplano ang dala ko.

Dala pa ng gold bar next time, Cath!

"Sorry, p're!" saad ni Klyde sa kung sinuman.

Gosh! ang lamya naman pala talaga ng boyfriend ni Jade. Actually, mukhang tama nga talaga sila Cheska, matagal na kasing iniisip nila Samantha na bakla kumilos itong si Klyde.

Judgmental naman! Hindi ba pwedeng mabigat lang talaga?

"Are you okay, babe?!" may pag-aalalang tanong agad ni Jade.

"A-ah oo, siya nga nabagsakan. Okay lang ako. Sorry talaga, pare.." sagot naman nito.

"I'm sorry about that! Excuse me, ako na, babe." pagv-volunteer ni Jade.

Hay naku!

Matangkad at sanay magbuhat si Jade dahil Flight attendant siya before, nastop lang naman siya kasi dahil sa Dad niya.

Let's not go there.

Napailing na lang kami nina Samantha, nag announced na rin narin naman agad ang Flight attendant mga ilang minuto lang ang lumipas.

"Omg! Finally! Liparin mo ang Sky!" parang sira ulong sambit ni Samantha.


Napangiti na lang ako, finally! I am free from stress! Susulitin ko talaga ang bakasyong ito! As if anyone would bother me there.

New York, see yah in a bit!

"Smile, B*tches.." pabulong na sabi ni Cheska na ikinatawa naming lima.

Yeah right!

"Cath, you deserve this."


--

kiss and tellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon