KARKIND102: AdLy

47 5 0
                                    

Dedicated to RanselleHoney13

Adrian's Pov

I am Adrian De Villa and I am fvcking inlove with Asher Marie Monteagudo. Yun nga lang, di na kami pwede dahil sila na ni Kim Harrold, a friend of mine.

It's been weeks simula ng maging sila but until now hindi ko pa rin matanggap. Bakit kasi hindi nalang ako e? Bakit kailangan si Kim pa? Mahal ko si Asher. Mahal na mahal ko sya. At ang sakit sakit para sa akin na hindi ako yung mahal nya.

Maybe it's all my fault. Kung hindi sana ako nagpakatorpe at nauna akong umamin kaysa kay Kim edi sana kami ang couple ngayon at hindi sila. Edi sana ako ang mahal nya. Edi sana...I'm not hurting now.

Minsan naiisip ko para san pa at naging gwapo ako kung hindi lang rin naman ako napapansin ni Ash? Para saan pa at pinagkakaguluhan ako ng mga babae kung para kay Ash hindi ako nageexist? Okay lang naman sakin na hindi maging heartthrob as long as I have Ash pero wala e. Talo ako. Olats! Kasi inlove sya kay Kim at hindi sa akin! Tss.

"Guys narinig nyo ba yung balita?"

Biglang dumating si Nikka dito sa tambayan namin. Tss. Ano nanaman kaya ang balitang sinasabi nito?

"Anong meron Nik?"-Rio

Umupo muna sya at uminom ng tubig bago sagutin yung tanong ni Rio.

"May Tune Up Practice ang gymnastic team ng JRMHS at SMCS dito mamayang hapon. And Adrian? Kasama yung stalker mo! Haha"

Napasimangot ako sa sinabi ni Nikka. Tss. Oo alam nila yung tungkol doon sa babaeng yun. Simula nung gamutin ko yun mas tumindi yung pangistalk sa akin nun e. Alam ko naman kasi from the start na sya yung stalker ko e pero hindi ko lang pinapansin. Pero ngayon? Aish! She's getting into my nerves. Lahat nalang ng pupuntahan ko nandoon sya at sinusundan ako. Nakakainis kaya. Para syang aso.

"Ano nga ulit pangalan noon Adrian?"-Asher

Yes, nandito at kasama namin si Asher. Hinihintay nya kasi si Kim. Yun yung talagang masakit, sa harap ko pa sila minsan naglalambingan. Alam ba nilang brokenhearted ako? Tss.

"I don't know." Hindi ko naman kasi talaga kilala yung babaeng yun at wala rin akong pakialam sa babaeng yun. Mamatay sya kakasunod sa akin. Bahala sya sa buhay nya.

"Haha. Naku Adrian! Sure ako malapit mo ng malaman yan!"-Nikka.

Tss. Wala akong paki. Kay ash lang ako.

---------

"HOOONNEEEY!"

Sabay sabay kaming napatingin doon sa sumigaw sa pintuan ng Canteen. Shet. Paano nya nalamang nandito ako?

"Ayan na pala sya Adrian e. Haha. Goodluck" pang aasar ni Rio.

Tss. Nakita ko na papalapit sya sa amin. Inayos nya pa nga yung suot nyang salamin ay. Tss. Baduy na Nerd pa.

"Hi Guys! Friends kayo ni Honey ko?"-unknown girl

Nagtanguan naman lahat ng kasama ko sa table. Sila Rio, Nikka, Asher, Kim, Iverson at Kelvin. Wala si Denice e, ewan ko kung nasaan.

"That's Great! I'm Alysa nga pala from JRMHS. Lysa nalang for short. I am the soon-to-be-girlfriend ni Adrian. Right Honey?"

Umupo pa sya sa tabi ko habang sinasabi yan. Nakita ko namang nagpipigil ng tawa yung barkada. Tss. Anong nakakatawa? Asar.

"So, paano ka napunta dito kung taga JRMHS ka?"-Rio

Pakunyare pang hindi alam tong si Rio e. Diba nga sinabi na ni Nikka kanina.

KARKIND102: Rebounded LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon