KARKIND102:AdLy

26 5 0
                                    

Dedicates to erzachii

Tss. Hindi ko alam kung paano ako nadala nila Nikka dito pero heto ako ngayon nanonood ng practice ng gymnastic. Bakit ba kasi nagpahatak ako sa mga to e ?

"Woah! Nakita mo yun Adrian? Ang galing galing ni Lysa oh!"-Nikka.

Kanina pa yan ganyan. Tuwang tuwa sila sa mga pinaggagawa ni Lysa na delikado. Tss. Pag sya nabalian ng buto sa mga pinaggagawa nya ewan ko sakanya.

"Uy! Muntik na sya doon oh!"-Rio.

Napatingin naman agad ako kay Lysa dahil sa sinabi ni Rio. Ayon sya, pinapagalitan ata ng coach nya.

Hindi naman kami masyadong malayo sa kanya e. Pero hindi namin marinig yung sinabi sa kanya basta bumalik na sya sa position nya habang bow ng bow at tingin ko ay nagsosorry..

Maya maya lang nagstart na sya tumakbo at magtatumbling ng ilang beses. Nagsplit na rin sya. Hinagis nya yung bola na pang gymnastic saka sya umikot ikot hanggang sa masalo nya yon then nagbending sya sabay tumb... Sh*t!

"LYSA!" Napasigaw nalang sila Rio at Nikka sa nangyari. Naout balance kasi sya kaya sya natumba.

"Fvck!" Napatakbo ako sa pwesto nya at nakita kong napapahawak sya kanan nyang paa. I think nafracture sya.

"Sinasabi ko na kasi sayo na mali yung landing mo kanina inulit mo pa yan tuloy! Ang pasaway mo kasi! Bakit hindi ka marunong sumunod? Tapos ano? Gustong gusto mo manalo? Paano ka mananalo kung hindi mo sinusunod ang mga sinasabi ko!"-coach nya.

Bobo ba itong coach nila? Nainjured na nga sya pinapagalitan pa sya.

Tuluyan akong lumapit at akmang bubuhatin na sana sya pero pinigilan ako ng coach nilang walang kwenta.

"At sino ka naman?! Saan mo dadalhin ang alaga ko?"

Tiningnan ko nalang sya saka ko tuluyang binuhat si Lysa ng bridal style.

"Hoy kinakausap kita!"

Hinawakan nya ako sa balikat kaya napalingon ako.

"Mawalang galang lang po pero kung wala kayong balak dalhin sya sa clinic pwes ako meron...at sino po ako? Tss....I'm her boyfriend so if you don't care about my girl well I am."

Saka na ako tumalikod sa kanila at dinala sya sa clinic.

Ewan ko kung bakit ko nasabi yun pero yun na yung lumabas sa bibig ko e.

Nakita ko naman na namumula si Lysa. Tss. Kinilig naman sya. Halatang patay na patay sa akin ang babaeng to e.

---

"Okay na naman sya iho, mabuti at naagapan kundi maaaring hindi na sya ulit makapag gymnastic ever. Ngayon, kailangan nya nalang magpahinga, I thinks three to five days are enough para makapagpractice sya ulit."

Yan yung sinabi sa akin ng School Nurse namin kanina. Ngayon, kasalukuyan kaming nandito sa clinic. Dalawa lang kami. Bakit? Tss. Nalockan lang naman kami ni Mang Tasyo este yung utility namin. Aish! Manong kasi may pagkamatanda na e.

Etong si Lysa? Tulog pa rin. Mukhang napagod kakatumbling nya. Maglilimang oras na ata syang tulog. Buti nalang nakabili ako ng pagkain kanina habang chinecheck sya.

"Ummm"

Tiningnan ko sya at unti unti na nyang dinidilat yung mata nya. Medyo nagulat pa sya na ako yung una nyang nakita. Tss. Alam ko namang tuwang tuwa sya.

"Ah..nasaan tayo?"

"Clinic pa rin"

"What time is it?"

"8:00 pm"

"What?! E ano pang ginagawa natin dito? We should be home. Gabi na!"

Napatakip ako sa magkabila kong tenga ng sumigaw sya. Ang OA nya ha? Tss. Pabor na nga sa kanya tong nangyayari e.

"We're stuck here." Malumanay kong sagot sa kanya.

"A-ano? What do you mean?"

"Akala ni Mang Tasyo wala ng tao, kaya yun nilock nya na tong clinic. Nakatulog rin kasi ako kanina e. Malayo pa naman guard house dito."

"Oh may gash!"

"Don't panic. As long as I'm here you don't have to worry" pweh! Ano ba tong sinabi ko? Nakakasuka. Napansin kong natulala sya habang namumula. Tss. Wala ng pag-asa to.

"A-ah..a-ah.. Yung b-bag ko?"

"Both of our things ay nakila Nikka. Phone ko lang nadala ko at wallet." Kalmado pa rin akong sumagot sakanya. Ano bang magagawa ko kung maghihisterical ako tulad nya? Makakaalis ba kami? De naman e.

"Peram ng phone mo. I need to text my sister, baka nag aalaa na sila mama e."

"Deadbatt" simple kong sagot na mukhang nagets nya naman kasi nalukot agad yung mukha nya. E malay ko ba naman kasing malolock up kami dito? Edi sana hindi ko nilaruan yun. Tss. Lumalabas tuloy na kasalanan ko pa lahat.

---

Fvck. Almost half hour na kaming walang imikan. As in kahit niho o niha wala. Tss. Mapapanis na laway ko.

"A-adrian?"

"Why?"

"Can I ask you something?"

"Ano?

"Bakit sabi ng barkada mo you never had a girlfriend? Ano bang type mo sa babae?"

Napakunot naman ako ng noo sa tanong nya. And why does she wants to know?

"Pakialam mo?"

"Ano ba yan! Mapapanis na kaya laway natin! E sa yun una kong naisip maging topic e. Sagutin mo nalang!"

Napangiti nalang ako sa naging reaksyon nya before I answere her question. Wala namang masama magkwento diba?

"The reason why I never had a girlfriend kasi may matagal na akong gusto pero ang masama hindi ako ang gusto nya. At first akala ko simpleng paghanga lang yun kasi maganda sya, sexy, matalino at mabait kahit na minsan mataray pero hindi pala, I was wrong. That simple feeling I have for her become deep. Unti unti akong lalong nafall. I tried to stop myself but it's too late. Mahal ko na sya e."

*****

"The reason why I never had a girlfriend kasi may matagal na akong gusto pero ang masama hindi ako ang gusto nya. At first akala ko simpleng paghanga lang yun kasi maganda sya, sexy, matalino at mabait kahit na minsan mataray pero hindi pala, I was wrong. That simple feeling I have for her become deep. Unti unti akong lalong nafall. I tried to stop myself but it's too late. Mahal ko na sya e."

Aray ko naman! Tagus tagusan naman daw iyon. Hello! Inlove kaya ko sayo tapos yan ang ikwekwento mo. Ano to? Operation torturin ang heart ko? Ang sakit lang.

"She is the perfect girl for me. Hindi mahirap ang mafall sa kanya. Hindi sya mahirap mahalin though super taray nya lang talaga minsan but that's make her amazing to my eyes. But that is also the reason why I can't have her, natakot kasi akong tarayan nya ako at bustedin once na umamin ako na gusto ko sya e. Kaya yun nagpakatorpe ako at tinago nalang ang nararamdaman ko na dapat pala hindi ko ginawa"

Bakit kasi sya pa yung minahal mo Adrian e nandito naman ako? Bakit hindi mo nalang sya kalimutan? Handa naman akong saluin ka e. I am willing to be a rebound wag ka lang masaktan ng ganyan mas nasasaktan kasi ako e. Pwede bang ako nalang ang mahalin mo Adrian? Ako nalang please. Ako nalang. Promise, hindi kita sasaktan.

KARKIND102: Rebounded LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon