KARKIND102:AdLy

40 5 0
                                    

Dedicated to MissNhecee

Lysa's Pov

Nang makita ko na pinagtutulakan na sya ni Erika papunta sa akin. Inayos ko na ang sarili ko. Nakakahiya, baka sabihin nya sobrang patay na patay ako sa kanya. Tss. Bakit? Hindi nga ba?

Magkaharap na kaming dalawa. Walang nagsasalita. Nakatingala lang ako at nagpipigil na tumulo ulit yung mga luha habang sya nakatitig lang sa akin.

Uhmm...awkward?

"Hi."

Napatingin ako sakanya. Ang lakas ng loob nya talaga. Pero kahit na nasaktan nya ko, nang makita ko sya parang gusto ko na agad sya patawarin e. Ano ba naman to! Tumigil ka nga Lysa, pakipot ka naman kahit konti lang. Lumalandi ka nanaman e. Kahit 5 minutes lang magpasuyo ka muna. Hihi.

"Uhmm...Lysa?"

Napatingin ako sa kanya.

"Ah?"

"Okay ka lang?"

Doon ko lang narealize na natulala na pala ko. Oh men! Nakakahiya. Hindi ko nalang sya sinagot instead inisip ko yubg dahilan kung bakit nasa harap ko nga ba sya.

He hurted you Lysa, he hurted you. Always remember that.--isang bahagi ng utak ko.

Oo, tama. Yun nga ang dahilan at dapat di ko yun kinakalimutan. Sinaktan nya ako. Dinurog nya ang puso ko at dinikdik pa sa mortal and pestle na akala mo e gumagawa sya ng 'heart powder'. Alam nyo yun? Masakit talaga yung ginawa nya sa akin. Sobra sobrang sakit.

Parang automatic na bumalik yung sama ng loob ka sakanya. My eyes suddenly turned into cold ones. Emotions? I don't have but coldness.

Sya? Nakatingin lang sya at sinasalubong ang mga titig ko.

"Lysa, hindi mo na ako madadaan sa ganyang tingin. Ang gusto ko lang naman ay mapatawad mo ko e, I will do everything patawarin mo lang ako. Kahit na gawin mo kong alalay mo hanggang kailan mo gusto, kahit bugbugin mo ko lagi. Lahat pwede mong gawin sa akin, lahat pwede mong ipagawa sa akin, just forgive me please."

Kung may pakialam pa ako sa kanya siguro kanina ko pa to tinayo. Oo, nakaluhod sya at para nya akong sinasamba but who cares? Kasi ako I don't care anymore. Mahal ko pa rin sya oo, pero soon mawawala na yun. As in very soon.

Pero napaisip din ako sa sinabi nya. Maganda rin pala yung deal nya e, but hindi pa ako ganyan katanga sa kanya para gawin yun because from the start ako lang ang magmumukhang kawawa.

"Wala ka namang dapat gawin para mapatawad kita e. But...mayroon akong itatanong sayo"

Nakita ko na medyo nagtaka sya sa sinabi ko pero nakabawi rin sya agad.

"What is it?"

"Kaya mo ba akong mahalin?"

KARKIND102: Rebounded LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon