Dedicated to Pinkish_Me
"Kumusta naman bago mong mga friends sa SMCS?"
"Okay lang naman. Suportado naman sila sa panliligaw ko kay Adrian haha."
Nandito kami ni Erika ngayon sa canteen ng school namin. Remember? Magkaibang school kami nila Adrian.
Aftern naming makulong sa clinic ni Adrian medyo naging mabait na sya sa akin. Hinahayaan nya na akong istalk sya pero this time nahuhuli ko sya na hinihintay ako. Haha.
Ewan ko ba kung kikiligin ako pero kasi piling ko nagiging crush nya na rin ako e! Haha. Lumelevel up ang beauty ko.Sabi ko naman kasi sanyo sa ganda kong to hindi imposibleng mangyari yun.
"Talagang ikaw pa ang nanliligaw ha? Haha. Iba ka talaga Alysa."
Yeah, tama ang nababasa nyo. Nililigawan ko nga si Adrian. Kesa naman hintayin ko pa na sya ang manligaw e alam ko namang parang hinintay ko naring kumapal ang buhok ni PNOY pag yun ang ginawa ko. I mean, hindi nya yun gagamin.
"Kesa naman wala akong gawin no"
Inubos ko na yung binili kong palabok saka uminom ng C2. Aaaahhh... Nakakabusog. Feeling ko tumataba na ako. Ganito pala paginlove? Inspired kumain. Hihi.
*bzzt. Bzzt.*
Kinuha ko yung ko phone ko nang magvibrate ito. Sino kaya nagtext?
From: Nikka Rebaya-SMCS
Hi Lysa. I just want to invite you na sumama sa overnight outing namin this weekend. Nandoon din si Adrian. Sama ka ha?
Dahil sa tuwa ko nagreply agad ako kay Nikka.
To: Nikka Rebaya- SMCS
Sure na sure. Go ako dyan basta sama si Honey ko ha? Haha. Isusurprise ko sya and sana help nyo ko. Hihi.
Nagreply naman sya na sige daw so napangiti naman ako ng bongga. Oh diba? Close na kami ng KARKIND. Gash! Feeling ko nga kasali na talaga ako sa barkada nila e. Naku! Pagkami na ni Adrian, talagang official tropapits ko na sila at malapit ng mangyari yun. Haha. Just read and you'll see.
---
"Lysa, nandito kami!"
Nakita ko naman agad sila Nikka na kumakaway sa akin. Kumpleto na sila ngayon.
Weekend na ngayon and ngayon na yung outing namin ng buong KARKIND! yehey!
Nandito kami sa isang resort na hindi ko alam ang pangalan. Basta parang pang gathering lang sya. Yung tipong solo lang ng family nyo kung may reunion. Maganda naman sya at solo lang namin.
***
Adrian's PovNagkayayaan uminom ng light drinks kanina kaya heto kami ngayon medyo may tama na. Hindi naman hard yung mga ininom namin pero naparami kasi kaya yun hilo hilo na rin kami.
Nagulat kami ng biglang tumakbo si Lysa sa CR. Mukhang susuka ata. Marami kasi syang nainom e. Napagtripan kasi nila Nikka na hamunin ng inuman e pumayag, hindi yata nya alam na may pagkalasengga tong si Nikka. De joke lang. Talagang napainom lang kami.
Sinundan naman sya noong mga girls bukod kay Asher.
"Guys, una na akong magpahinga ha? Nahihilo na kasi talaga ko e."
"Teka. Hatid na kita Babe"
"Wag na Babe. I'm fine."
Tapos hunalik na sya sa pisngi ni Kim. Napaiwas nalang tuloy ako ng tingin. Tss. Bitter na kung bitter e sa mahal ko pa rin si Asher. Wala naman kasing nagbago sa nararamdaman ko. Mahal ko pa rin sya at until now I can't accept the fact na hindi na pwede maging kami.
BINABASA MO ANG
KARKIND102: Rebounded Love
Teen FictionStory of Adrian De Villa and Alysa Mabuting.