A/N
Dedicated to ate Yhel. Happy Birthday ate!
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Lunch
Nagising ako na mugto ang mata. Nakatulog ako habang umiiyak, napansin ko ring basang basa ang punda ng unan ko. Bumuntong hininga ako. Tumingin ako sa kisame at nag muni-muni. Totoo ba yung nangyari kahapon? Tinanong ko ang sarili ko. Naisip ko naman ang nakita ko kahapon, sumakit ang puso ko at naramdaman kong may tumulo na namang luha sa mata ko. Lintek na mga luha to ayaw pang tumigil sa kakatulo. Kung pwede ko lang sana itong utusan na wag na tumulo ay ginawa ko na.
Maya-maya ba ay bumangon ako sa kama at nakita ang namumugto kong mata. Hinilamos ko ang palad ko sa mukha ko sa inis. Pumunta na akong cr para maligo at maghanda para sa trabaho. Pagbaba ko ay nakita kong kumakain pa si Drew kaya nauna na ako kay Drew na lumabas.
Pagdating ko sa opisina ay napansin kong masaya ang lahat except me. Cinicelebrate nila ngayon yung pagkakapanalo namin sa bidding. Pati yung amo namin ay tuwang tuwa at binigyan kami ng blow out. Pag upo ko sa mesa ko ay nakita ko yung blow out niya at biglang sumulpot sa harap ko si Sharm. Ngumiti siya at nakipagchikahan sa akin tungkol sa kung paano naimpress yung mga investors. Tanging ngiting pilit at tango lang ang tugon ko sa kanya. Naramdaman niya rin na wala ako sa mood.
"Ay bago ko makalimutan, may nagpapabigay pala." inabot niya sa akin ang isang libro. Red Queen. Yan ang mga letrang aking nabasa.
"Buksan mo sa first page at may makikita ka. Don't worry may nag utos lang sa akin at di ko binuksan ang libro." ngumiti siya sa akin at tsaka umalis. Di ko tuloy natanong kung sino nagbigay.
Tiningnan ko ulit ang cover ng libro. Victoria Aveyard ang nakasulat sa itaas ito yata ang manunulat at sa gitna ay may nakataob na silver crown na may dugo na tumutulo. Sa ibaba ng korona ay may nakasulat na Red Queen at Power is a Dangereous Game. Ano kayang meron at may nagbigay sakin nito.
Tulad ng sinabi ni Sharm sakin, binuksan ko ang first page. May yellow sticky note na nakadikit.
Turn to page 26.
Ako naman tung si uto-uto ay pumunta naman sa page na yun. Isa na namang sticky note pero this time green post it naman.
Turn to page 53.
Sinunod ko ang sinabi at eksaktong may sticky note na naman. Pinaglalaruan ba ako nito? Wala ako sa mood makipaglaro. Tinuon ko ang tingin ko sa sticky note at tumingin kay Sharm. Busy siya sa table niya at may sinusulat na kung ano. Bumalik ang tingin ko sa libro. Last na talaga at di ko na to bubuksan. Pumunta ako sa page 53.
Wala akong makitang sticky note na nakadikit dito. Huh? Bat wala na? Nakakunot ang aking noo. Pinagloloko talaga ako eh. Isasara ko na sana ang libro ng may mapansing kakaiba sa page na yun. May maliit na sulat kamay sa gitna ng libro. Kaya pala di ko makita kanina dahil sa sobrang liit nito. Nilakihan ko ang mata ko para malinaw na makita ang nakasulat.
Tired already? Don't be, see the magic on page 190
Isinarado ko ang libro, anong kalokohan to?. Oo pagod na pagod na ako. Pagod na akong masaktan, umiyak at magmukmok . Parang pinaglaruan niya lang yung damdamin ko. Ano yun magpopropose siya tas sasaktan din pala ako? Umasa ako, akala ko magiging masaya na ako. Pero ganun naman talaga eh, kaya natatakot akong sumaya kasi baka maya-maya, o kundi bukas magiging malungkot na ako and it hurts me.
BINABASA MO ANG
Love Duplicate
RomanceSi Nathalia Dela Puerto ay mahal na mahal si Nathaniel Dela Custa. Kaya nilang lagpasan ang lahat ng problema basta't nasa tabi ng isa't isa. Pero pano kung mababago ang lahat ng dahil sa isang aksidente?. Mawawala ang pinakamamahal niya at may duma...