Prologue

297 46 1
                                    


Habang nagmamaneho ako ngayon patungong sementeryo ay di ko mawari ang aking kaba at pagkaligalig. Bakas sa aking mukha ang pagkapanibago sa daan na aking tinatahak. Mga bagong struktura,mga tindahan at hindi pamilyar na mga mukha ang aking nasilayan.

Maraming taon ang dumaan buhat nang ako'y naparito. Sariwa pa rin sa aking alaala ang kagimbal gimbal na pangyayaring iyon. Kadiliman at kalungkutan ang bumalot sa aking damdamin noon. At natanong ko sa aking sarili na sa dinami dami ng tao, bakit samin pa nangyari iyon.

Nang marating ko ang sementeryo ay agad akong nagpark at inooff ang makina ng kotse at kinuha sa likuran ang bulaklak at mga kandila.Tulips. Ito ang paborito naming mga bulaklak. Noon ako yung binibigyan niya nito kapag may mga special na okasyon, ngayon bumaliktad na ang mundo. Ako naman ang nagibibgay ng bulaklak sa kanya.

Humugot muna ako nang isang malalim na hininga bago tumungo sa mismong sementeryo. Pabigat ng pabigat ang hakbang ko patungo sa lapida ng taong aking pupuntahan. Napansin kong malaki ang pinagbago ng sementeryo. Madami ng taong nakalibing,marami rami na ring mga puno at medyo malinis na ngayon di tulad ng dati.

Nang makarating ako sa sadya ko ay agad na napako ang paa ko at unti unting tumulo ang luha ko. Tulala akong nakatayo doon. Its been 3 years but the wound in my heart is still fresh. Nanghihina ako. Di ko macompose ang sarili ko. Napaluhod ako sa lapida ng taong aking pinuntahan. Ang taong nagpasaya sa akin sa loob ng maraming taon, ang taong laging andyan tuwing kailangan ko siya at kahit di ko siya kailangan andyan parin sa aking tabi, ang taong nagtatanggol sakin kapag naagrabyado ako,ang taong andyan para labasan ko ng hinanakit at sama ng loob,ang taong nag-alaga at nagmahal sakin ng totoo. Ang nag-iisang taong aking mamahalin,minahal at patuloy na minamahal.

Tatlong taon.

Tatlong taon na ang nakalipas mula nung mangyari ang aksidenteng yun. Ang aksidenteng bumago ng buhay ko, ang aksidenteng hindi ko inakala na mangyayari sa akin, sa amin. Ang mahal ko,ang buhay at mundo ko,ang gusto kong makasama habang buhay ay nawala na lang na parang bula.Na sa isang iglap lang nawala ang mga pangakong binitawan namin sa isat isa, masasayang karanasan naming magkasama, at yung mga plano namin sa hinaharap. Ngayon WALA NA.

Halos di ko na makita ang pangalan na nasa lapida dahil sa mga luha ko. Umaagos ito ng walang humpay na parang wala ng bukas. Ang sakit. Ang sakit sakit pa rin. Kahit ilang taon na siyang wala,siya at palaging siya parin talaga.

Nathaniel Dela Custa

Ang nag-iisang lalaking nagpatibok at patuloy na nagpapatibok ng puso ko. Wala na. Wala na talaga siya. Huminga akong malalim at sinubukang patahanin ang aking sarili. Pinunasan ko ang aking mga luha at kinuha ang mga bulaklak at kandila. I cleared my throat. Magiging matatag ako.

"uhmm" di ko matuloy yung sasabihin ko. Parang may kung anong nakabara sa lalamunan ko. Kahit ganun ay nagsalita pa rin ako. Umupo ako ng maayos malapit sa lapida niya.

"Hi? Mahal ko" ayan na naman at nag uunahan na naman na tumulo ang luha ko.

"S-sorry kung ngayon l-ang ulit ako nakabalik p-para bisitahin... k-ka. " humihikbi na ako, at pumiyok sa huling salita. Pinunasan ang mga luhang tumulo. Kinuha ko ang mga bulaklak at inilagay sa ibabaw ng kanyang lapida. Sinindihan ko rin ang mga kandila.

"Sinubukan kong magpakabusy, kalimutan ang lahat. Kalimutan ang bangungot na ito pero kahit saan ako magpunta ikaw at ikaw pa rin ang nasa isip ko. Di kita maalis sa isip at puso ko, sa sistema ko, sa lahat. Ikaw ang bumubuo sakin, sa mundo ko at sa pagkatao ko. Naguho ito bigla nung mawala ka. Naguho yung mundong sabay nating binuo."sabi ko sabay kuha ng panyo ko sa bag.

"Alam mo ang daya daya mo. Iniwan mo lang ako basta basta. Wala kang pasabi, di mo ko binigyan ng warning. Oo alam ko namang walang forever eh pero bakit ganun? Ang aga mong kinuha. Di na dapat ako nagtatanong kasi wala namang makakasagot. Pero wala eh siguro hanggang dun ka nalang but you leave me hanging. Tinaas mo ko ng sobrang taas pero nawala ka bigla, kaya nung nahulog ako walang sumalo sakin. Ang sakit sakit. Ang hirap mong kalimutan, ang hirap kalimutan yung mga taong kasama pa kita,yung mga pinagsamahan natin at yung pagpaparamdam mo sakin araw araw kung gano mo ko kamahal." patuloy parin akong umiiyak dito na mag isang kinakausap ang isang patay na parang tanga.

"Di mo gustong makita akong umiiyak diba? pero bakit sinasaktan mo ko ng sobra? Maraming nagsasabing makakamove on din ako. Yes makakamove on din ako pero kailan pa? 5 years? 10 years? 20 years? Forever? The scar is always be right here" sabi ko sabay turo sa puso ko.

Maraming tao na ang nagsabi sakin na mag move on na daw pero hindi pa rin ako makamove on ang sakit sakit kasi. Na para bang kahapon lang nangyari yun, na para bang kailan lang nangyari ang pinakamadilim na parte ng buhay ko.Hanggang ngayon siya pa rin ang laman ng pusot isipan ko.

"You already have a big part in here at kailanman di to mawawala. Anlaki laki ng sinakop mo sa puso ko. Anlaki laki na halos di na ako makahinga..." bumuntong hininga ako. Pinunasan ko ang luha ko pero there's no use kasi patuloy pa rin itong umaagos.

"Mahal na mahal na mahal pa rin kita. Namimiss ko na ang yakap mo,yung halik mo, yung kakantahan mo ko gabi gabi para lang makatulog ako,yung iispecial mention mo ko tuwing sasama ako sa mga gig niyo. Naalala mo pa ba yun? Grabe nakakamiss talaga lalo na yun noh?" Nagpatuloy ako sa pagkekwento sa kanya. Maya maya ay tumingin ako sa wrist watch ko at napansing hapon na pala at may kailangan pa akong gawin.

"Sige mahal ko, aalis na ako ha? Babalik rin ako promise yan. Magiging matatag ako para sa sarili ko at para sayo dahil ikaw ang mundo ko" pilit akong ngumiti kahit na nasasaktan pa rin ako.

Tumayo na ako at pinagpag ang damit ko. Kinuha ko na rin ang bag ko. Inilibot ko muna sa buong sementeryo ang paningin ko bago ako umalis.

Pero sadyang magpaglaro ang tadhana. May nakita akong lalaking may kakisigan sa di gaanong kalayuang puno ng mangga. Parang kanina niya pa ako minamasdan. Nakahoodie siya kaya di ko maaninag ang mukha niya. Naningkit ang mata ko at sinubukang makita ang mukha niya pero di ko talaga maaninag. Sinubukan ko siyang lapitan kaya lang ay tumakbo siya. Tumakbo rin ako kaya lang ay malaki ang mga hakbang niya at di ko na siya naabutan. Nakakapagtaka.

Sino kaya siya?

Love DuplicateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon