Space
Nathalia's POV
"Hay naku girl di na ata nagtanda yang si Nathan" ani ni Leila sa telepono.
Umayos ako ng upo sa sofa at bumuntong hininga. I played my fingers on the telephone wire and encircle around it. Oo naisip ko rin kung bakit sa lahat ng lalaki ay si Nathan ang pinili ko. Mahal ko siya eh, ewan ko nga ba.
"Pero malay mo naman client lang yun o di kaya katrabaho diba?" pagrarason ko.
"May katrabahong nag-aakbayan at masayang nagkekwentuhan habang naglalakad? Walang ganun girl, ako nga di ko maatim na akbayan ako dito ng mga waiter, chief at ng banda eh. Kahit pa nga janitor namin dito alam yan. Hanggang high five lang ako kung matalik ko talagang kaibigan...." narinig kong may nahulog na bagay sa kabilang linya.
"Ay putchang kabayong bakla" sabi ni Leila na ikinagulat ko rin.
"Ay sorry, nahulog yung phone ko. So san na nga ba ako? Hmm so yun, high five lang talaga ako. Well, ibang usapan na sa mga babae kong bestfriend tulad ninyo nina Kim, Nina at nung tropa." pagpapatuloy niya sa sinasabi niya.
"Pero baka nga..." di ko na naituloy yung sinasabi ko kasi pinutol agad ni Leila
"Heep! Wag ka ng hihirit. Wag mo na lang isipin yan, masstress ka lang girl at magkakawrinkles ka. Ayaw mo nun diba? Itulog mo na yan and then if ready ka ng harapan si Nathan, mag-usap kayo ng masinsinan. Okay? okay. Tapos ang usapan good night, I love you Thalia" advice niya sakin. Nilagay ko sa likod ng tenga ko ang konting hibla ng buhok na nakatakip sa aking mata at nagsalita.
"Oo na po. Good night, I love you too Leila mwa." sabi ko at tuluyan ko ng binaba ang tawag.
Tumayo na ako at pumunta na ako sa kama. Siguro tama nga si Leila, kailangan muna namin mag-usap ng maayos ni Nathan para magkaayos na kami. Di tulad ng ganito na iniiwasan ko siya. But avoiding him doesn't always mean that I hate him, it could also mean that I'm just jealous and if I'll continue talking to him he will just make that mistake over and over again. Ayokong isipin niya na lagi lang akong nandiyan sa tabi niya kahit na nasasaktan na ako. Just for once, I want to be his one and only, not just a substitute or an option. I want to settle for less because I know I deserve the best.
Kinuha ko ang cellphone ko na nasa side drawer at nakita ang 39 missed calls ni Nathan at 27 text na sana ay sagutin ko naman daw yung mga tawag niya, na miss na niya daw ako, nagtatampo ba daw ako sa kanya, ano daw ginawa niyang mali para magkaganito ako at sari-saring message. Malapit na tuloy ma-lowbat itong phone ko. Nag vibrate na naman ang phone ko at tama ako ng hinala. Nagtext na naman si Nathan.
"Good night my queen, di ko alam kung bakit ka nagtatampo o galit sa akin. Just please text me or even answer my calls please. I miss you already. Your voice, your presence, your hugs and kisses, your love, everything. Kung ano man yan please forgive me? Sunduin kita jan bukas okay? Pag-usapan natin to. I love you so much, I always will." naluluha ako habang binasa ko yung text niya. Ang babaw lang kasi ng luha ko eh, simpleng ganitong text niya lang ay tiklop na ako.
In-off ko na ang phone ko at nilagay sa ibabaw ng side drawer. Bumuntong hininga ako. Napag isip-isip ko at napagdesisyonan ko na makikipag usap na ako sa kanya bukas. Miss ko na rin kasi siya. I want to know his explanation about what happened. Humiga na ako at inabot ang lampshade at saka ito pinatay.
Tomorrow, everything will be alright. Guide us Lord. Amen.
BINABASA MO ANG
Love Duplicate
RomanceSi Nathalia Dela Puerto ay mahal na mahal si Nathaniel Dela Custa. Kaya nilang lagpasan ang lahat ng problema basta't nasa tabi ng isa't isa. Pero pano kung mababago ang lahat ng dahil sa isang aksidente?. Mawawala ang pinakamamahal niya at may duma...