Chapter Five

123 3 3
                                    

Kenneth Yap

Nakatingala ako ngayon sa building nina Nate. Naisipan ko kasing puntahan siya sa opisina niya para sabay na kaming maglunch. Siguro naman ay tapos na ang conference nila sa oras na ito. Bigla kong naramdaman ang kalabog at pagbilis ng pintig ng puso ko. Di ko alam kung ano ito pero winalang bahala ko na lang. Binasa ko ang malaking mga letrang nakalagay sa building Dela Custa Groups and Company. Humugot ako ng buntong hininga bago pumasok.

"Good morning ma'am. Welcome to Dela Custa Groups and Company" bati sa akin nung guard at ngumiti ito sa akin. Ngumiti rin ako sa kanya bilang tugon at nagpatuloy sa paglalakad.

Pumunta ako sa elevator at pinush ang executive floor. Nakapunta na ako dito twice kaya medyo kabisado ko na kung saang floor ang office ni Nathan. Maraming tao ang sumakay sa elevator habang papaakyat ito. Nasa ika 20th floor pa kasi ang office niya. Hanggang sa ako nalang mag isa ang naiwan sa elevator ay panay pa rin ang kalabog ng puso ko.

Nung bumukas aang elevator ay dali dali akong pumunta sa receiving counter kung saan naroon ang secretary niya. Napansin kong ibang mukha ito at hindi siya pamilyar sa akin. Bagong empleyado siguro dito. Mukhang mataray ito kasi palaging nakataas ang isang kilay. Abala ito sa kung anong tinatype sa computer niya.

"Uh excuse me?" sabi ko sa kanaya. Sinulyapan niya lang ako at pinagpatuloy ang ginagawa niya. Ayaw niya talagang magpa istorbo.

"Yes?" sabi niya habang nagtatype.

"Gusto ko lang malaman kung free time na ba ngayon ni Nate?" tanong ko sa kanya, nagbabasakali lang naman ako.

"Nate? As in si Mr.Nathan Dela Custa?" patanong niya ring sagot sa tanong ko. Tumango ako bilang tugon.

"Can I please know your name first?" tinaasan niya ako ng kilay.

"Thalia. Nathalia Dela Puerto." sagot ko.

"Do you have any appointment with Mr. Dela Custa today Ms Dela Puerto? He's kinda busy right now because of the conference" mataray niyang sabi sakin

"I know. I can wait, just please tell him that I'm here" ngumiti ako sa kanya pero inirapan niya lang ako.

Okay, alam ko naman na ganun ung pakikitungo niya sakin. She doesn't know me and bago lang siya dito. Minsan lang din kasi ako pumupunta dito kasi ayokong istorbohin si Nate. Pero ganito ba talaga siya kapag may tao, tatarayan niya lang? Pano kung may ari ng malaking companya o isang share holder ng kampanya?

Bumuntong hininga. Umupo na lang ako sa malapit na sofa dun at naghintay. Kumukulo na ang tiyan ko kaya napatingin ako sa relo ko. Its 12:45 pa naman.

Naghintay ulit ako ng ilang minuto. Marami nang tao ang umalis sa kani kanilang lamesa at dumaan sa harap ko. Tiningnan ko ulit ang relo ko, ala una na. Ang tagal namang lumabas ni Nate.

Nakita ko ring tumayo na yung mataray na babae kanina. Tiningnan at inirapan niya pa ako nung dinaanan niya ako.

"Kung ako sayo,umuwi ka na lang. Maraming ginagawa si sir Nate na mas importante ngayon,nakakaistorbo ka lang sa kanya." sabi niya at tuluyan ng umalis.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. How dare is she? Hindi niya ba alam kung sino ang kinakausap niya? Okay di ka lang yun papatulan. Bumuntong hininga ako at naghintay ulit.

Bigla na namang kumalabog ang puso ko. Ano bang nangyayari sa akin? Tumayo ako at suminghap ng hangin. Pero iba talaga eh,kinakabahan ako na ano.

Nagdesisyon akong puntahan na si Nate sa loob ng opisina niya. Pinihit ko ang door knob at nagtaka kasi di ito nakalock. Pumasok ako sa loob at nakita kong walang tao sa loob. San kaya si Nate? San sila nag conference? Kumulo na naman ang dugo ko nung naalala kong di man lang sinabi nung mataray na babaeng yun na wala si Nate dito. Pinaghintay niya lang ako sa wala.

Love DuplicateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon