DanceHalos di pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari. Engage na kami ni Nathan. Pagkatapos niyang magpropose ay nagkaroon kami ng after party sa bahay nila. Pero bago kami umalis papuntang bahay nila Nate ay pinuntahan ako nila Drew,Lola Flor at papa. Yinakap ako ni papa ng mahigpit.
"Anak! I'm so happy for both of you. Alagaan niyo ang isat isa" bulong niya sakin.
"Papa. Thank you po. Di ko po talaga to inexpect" sabi ko sa kanya nang nakangiti.
Lumapit na rin sina Drew at Lola sa amin. Naggroup hug kaming apat. Ang saya saya ko. Bumitiw sina sa yakap at nagpaalam si Drew na ihahatid niya na si Lola sa bahay ni Nate. Kami nalang ni papa ang magkaharap.
"Papa napaaga yata kayo ng uwi?" nagtataka kong tanong.
"Syempre papalampasin ko pa ba ang pagpopropose ng magiging manugang ko sa prinsesa ko?" Sabi niya sabay tapik sa balikat ko.
"Osige anak. Sasabay na ako kay Drew. Magkitakita nalang tayo kina Nathan." dagdag niya.
"Sige po pa. Ingat kayo sa daan." Hinagkan ko siya bago siya umalis. Ngumiti ako habang pinagmasdan na naglalakad si papa. I already have enough. I could not ask for more.
Naramdaman kong may humawak sa beywang ko at liningon kung sino ito, sino pa ba ede yung soon to be husband ko. Liningon ko siya at nginitian, he kiss the tip of my nose. I could feel my face blushing.
"So ano tara na?" aniya. Tumango at ngumiti ako bilang tugon.
Sabay kami naglakad patungong parking lot. May mga kakilalang nakikipag high five at wave sa kanya. Marami ring nagcocongratulate sa amin. Napabuntong hininga ako sa tuwa. Grabe. Nangyari ba talaga to? Yung mga pangarap ko unti unting natutupad. Una,makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng maayos na trabaho para matulungan si papa. Pangalawa ay makakapangasawa ng lalaking mamahalin ako na higit pa sa pagpapamahal nang kahit sino at syempre mahal ko. Napakadami ko pang pangarap at sabay namin yung tutuparin ni Nathan.
Pagdating namin sa bahay or should I say mansion nila Nate ay napansin ko ang napakarami ng sasakyan ang nakapark. Pumasok kami sa loob at nakita ko ang maraming bisita na kumakain at nagkekwentuhan. So alam pala talaga nila na mag ye- Yes ako kay Nathan.
Kulay purple at white ang telang mantel na nasa lamesa. May bulaklak din sa gitna ng bilog na lamesa. Kapansin pansin ang chocolate fountain na nasa gitna at pinapalibutan ito ng makukulit na bata na dinidip ang kanilang chips at crackers doon.
Hawak kamay kaming pumunta sa garden nila kung saan andun ang mga bisita. Napansin kong nilagyan ng white christmas lights ngayon ang puno na nasa garden at isang mahabang buffet table na punong puno nag masasarap na pagkain. Itsura palang ay matatakam ka na talaga. Narinig kong kumulo ang tiyan ko, nagugutom na ako. Frappe lang kasi yung kinain ko kanina at natunaw na ang anim na cup ng kanin na pinakain sa akin ni Nathan kanina.
Nang makita kami ng mga bisita ay nagsitayuan sila at nagpalakpakan. Pumula ang mukha ko dahil sa hiya. Hindi ako sanay sa dami nang taong nakatingin sa akin. Habang papunta kami sa long table kung nasan ang pamilya namin ay nakipagkamayan si Nate pati na rin ako sa mga nadadaanan naming table habang ako naman ay tumatango lang at ngumingiti. Nang makarating kami sa long table ay nakipag beso ako sa mommy at daddy ni Nathan. Nakipagbatian din ako sa kapatid niyang si Rochelle. Habang si Nathan naman ay yinakap si papa at nakipag fist bump kay Andrew.
Umupo na kami at nagsibalik rin sila sa kanilang upuan at kumain. Napansin siguro ni Nate na nagugutom ako kay tinawag niya ang waiter para bigyan kaming dalawa ng pagkain.
BINABASA MO ANG
Love Duplicate
RomansaSi Nathalia Dela Puerto ay mahal na mahal si Nathaniel Dela Custa. Kaya nilang lagpasan ang lahat ng problema basta't nasa tabi ng isa't isa. Pero pano kung mababago ang lahat ng dahil sa isang aksidente?. Mawawala ang pinakamamahal niya at may duma...