Chapter 2: Friendship anniversary celebration

61 2 0
                                    

Julia POV

Nandito ako sa red ribbon ngayon para bumili ng cake para sa amin ni Jakey. Ten years of friendship anniversary kasi namin ngayon, napatunayan namin na tatagal kami ng isang dekada at hindi lang ang relationship ang sine-celebrate kundi ang FRIENDSHIP din.

Umorder lang ako ng isang large chocolate moose for us.. Sweet lang talaga ako.

Cashier: "Ma'am ano pong dedication ang ilalagay?"

Julia: "Uhm.. Palagay na lang ng Happy 10th anniversary Jakey palagay din ng I love you and from Julia" *magiliw kong sabi*

"Sige po *ngumiti naman sya sakin* hintayin niyo na lang for 5 minutes"

"sure"

After five minutes naka ready na ang surprise cake ko for Jakey. Dumiretso na agad ako sa bahay nila pero wala pa si Jakey nag volleyball daw. Well, hinintay ko na lang siya gusto ko kasi ako ang magbibigay ng cake sa kanya.

Tita Rose: "Ang sweet naman ng inaanak ko talagang nagdala ka pa ng cake para sa akin"

"Po?"

Nagulat naman ako sa sinabi ni tita ninang akala niya siguro gift ko ito sa kanya pero nakalimutan niya na ba na anniversary namin ni Jakey ngayon.

Tita Rose: "Biro lang Julia. Alam ko naman na anniversary niyo ni Jakey ngayon. Happy 10 years anniversary sa inyo" *niyakap naman ako ni tita*

"Thank you tita ninang"

Napansin ko naman na nasa gate na si Jakey at papasok na dito sa loob kaya naman nagtago ako sa likod mg pinto para gulatin siya.

Jakey: "Ay p*ke mo! *opps bad word*
anong gimagawa mo dyan Julia nakakagulat ka naman"

Julia: *natawa naman ako* "Sinubukan lang kitang gulatin and I made it. May surprise kasi ako sayo"

Jakey: "Surprise? Bakit mo pa sinabi? Edi hindi na surprise" *sabay kamot ulo*

Julia: "Tara! *hinila ko lang siya sa wrist niya at dinala sa dining table nila* Tadaaa!"

Binuksan naman ni Tita ninang yung cake para makita ni Jakey.

Jakey: "OH MY GOD! Ito ba yung surprise mo?"

Julia: "Yes, did you like it?" *natuwa naman akong parang bata*

Jakey: "Oo nagustuhan ko. Ang sweet mo talagang bestfriend" *niyakap naman ako ni Jakey*

Julia: "Na touch naman ako na na-appreciate mo. Happy ten years of friendship anniversary bestie"

Jakey: "Same to you bestie"

Tita Rose: "Ang sweet naman ng anak at inaanak ko. Group hug naman dyan.

Natawa naman kami ni Jakey at nag group hug kami.

Jakey POV

Isang araw na naman ang nagbigay saya sakin lalo na ten years na kaming mag bestfriend ni Julia simula ten years old pa lang kami. Sa loob ng ten years marami ang mga nangyari, sweet kami, madalas magharutan, nagkaka away at nagkaka tampuhan. Pero normal lang naman yon sa pagiging magkaibgan ang mahalaga dun ay TOTOO kami sa isat isa. Naalala ko pa noong na confirm na niyang bakla ako ayaw ko pang umamin non kasi natatakot ako sa magiging reaksyon ng parents ko pero sadyang makulit si Julia kaya napa amin niya ako hindi naman nagalit sina Mama dahil nahalata na daw nila iyon.

3rd person POV

Habang nag iisip si Jakey sa kama niya, nag ring naman ang cellphone niya at nang makita niya kung sino ang tumatawag ay sinagot niya ito agad.

On the phone...

"Hello bestie bakit gising ka pa?" *medyo alalang tone ni Jakey*

[hindi kasi ako makatulog]

"Inaatake ka na naman ba ng Insomnia mo girl?"

[Oo. Ano ba dapat kong gawin?]

Hindi muna sumagot si Jakey at pumunta sa balcony ng kwarto niya.

[Hello? Bestie andyan ka pa ba?]

"Oo andito pa ako. Labas ka muna"

[Bakit ako lalabas?]

"Labas ka sa kwarto mo punta ka sa balcony"

Hindi naman sumagot ng ilang segundo si Julia at napansin naman ni Jake ang paglabas ni Julia sa kwarto nito papunta sa balcony. Magkatapat lang kasi sila ng bahay.

[bakit mo naman ako pinalabas?]

"Para lamigin ka at magkasakit" *medyo natawa*

[Ang maldita mo] *medyo nabagot*

"Charot lang"

[Pumunta ka na lang dito wala akong kasama. Alam mo naman ma si Mama lang ang nakakapag patulog sakin kapag inaatake ako ng Insomnia]

Wala kasi ngayon ang Mama ni Julia nasa out of town ito kasama ang mga college friends nito. Ang Papa niya naman wala na.. I mean iniwan na sila, ipa flashback ko na lang ito sa chapter 4. Ang Kuya niya naman ay hindi sanay na patulugin siya at ayaw din nito na sinisira ang pag tulog.

Pumayag naman si Jakey sa naisip ni Julia dahil naawa rin ito sa best friend niya. Agad siyang bumaba at pumunta sa bahay ni Julia. Pinag buksan naman siya nito. Kahit hindi sanay si Julia na wala ang Mama niya at ang Mama niya lang ang nakakapag patulog sa kanya ay napatulog naman siya ni Jakey sa tinagal tagal ay nakatulog na rin si Jakey sa tabi niya.

Ang Bestfriend kong GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon