Mga alas otso ng umaga nagising si Julia at inimulat ang mga mata niya nagulat naman siya dahil nakita niyang katabi niya pala natulog si Jakey at naka lagay naman ang mga kamay nito sa wrist niya at ang kamay naman ni Julia ay nakapatong sa shoulder ni Jakey. Napa ngiti naman siya sa nakikita niya. Akmang ilalapit niya ang mukha niya sa mukha ni Jakey ng bigla itong nagising.
Jake: "AHH!" *biglang napasigaw si Jakey at napa atras kaya nahulog ito sa kama*
Julia: "Jakey anong nangyari sayo? *pag alala tone*
Jake: "Anong ginagawa mo dito Julia? Bakit magkatabi tayo matulog? *naka hawak pa rin sa balakang na nananakit sa pagkahulog*
Julia: "Ako nga dapat ang nagtatanong niyan eh. Andito ka sa bahay ko. Nakalimutan mo na ba? *sabay pamewang*
Jake: "Aray ang sakit *hinihimas ang balakang* tulungan mo ako makatayo"
Tinulungan naman siya ni Julia at iniupo sa kama nito.
Julia: "Bakit kasi dito ka natulog? *sabay himas sa balakang ni Jakey*
Jake: "Ang tagal mo kasi maka tulog kagabi kaya inantok na rin ako. Hindi ko naman akalain na makakatulog pala ako dito"
Jacob: "Juls peram nga ako ng.." *biglang nag entry si Jacob sa kwarto ni Julia*
Hindi naman natuloy ang sasabihin ng kuya ni Julia dahil nagulat ito na nasa kwarto ni Julia si Jakey.
Napa kagat labi naman si Jakey sa hotness ng kuya ni Julia dahil topless ito at naka shorts lang. Kitang kita ang napaka gandang ABS nito na lalong nagpa attract kay Jakey napansin naman ito ni Julia kaya bumulong siya kay Jakey dahil alam nito ang nasa isip ng kaibigan.
Julia: "Ang harot mo" *pabulong kay Jakey*
Jacob: "Jakey anong ginagawa mo dito sa kwarto ng utol ko?"
Jake: "Wa.. Ang.. Ineet eh!" *pautal na sabi ni Jakey*
Natawa naman si Julia kaya binatukan niya ito at bumalik sa tamang ulirat. Nagsalita naman si Julia.
Julia: "Kaya siya nandito kuya kasi inatake na naman ako ng Insomnia ko kaya tinawagan ko siya kagabi at nagpasama kasi wala si Mama at sa tagal kong makatulog inantok na si Jakey at nakatulog na din"
Jacob: "Ah ganon ba? Ikaw ba Jakey wala kang ginawang kababalaghan dito sa kapatid ko? *maton voice*
Jake: "Yuck! Kung ano anong iniisip mo Jacob, ako papatol sa bestfriend kong merlat? Ikaw pwede pa! *pabiro*
Jacob: "Sira ka talaga. Juls peram muna ako ng phone mo"
Tumango lang si Julia at natahimik dahil sa nasabi ni Jakey. Tinawag naman siya ni Jakey para bumaba pero nakatulala lang si Julia.
Jake: "Julia? Ano tulaley ka na lang dyan?"
Medyo nagulat naman si Julia kaya tumayo na lang ito at bumaba. Nag handa naman si Julia ng breakfast nila.
Mga ilang minuto may nag door bell sa bahay nila.
DING!DONG!
Julia: "Kuya tignan mo nga kung sino yung nag door bell" *sigaw nya sa kuya nyang nakahiga sa sofa*
Jacob: "Jakey ikaw na lang tignan mo!" *mala don na utos nya kay Jakey*
Jake: "Aba ayos din kayong magkapatid ano? Iniutos sayo ni Julia tapos ipapasa sakin. Ano to? Pass the message?" *pa becky tone*
Jacob: "Ang dami pang sinasabi nito. Tignan mo na lang kung sino"
Jake: "Ayos din 'tong kuya mo e noh? *pabulong kay Julia* pasalamat siya mahal ko siya"
Ngumisi lang si Julia sa sinasabi ng kaibigan. Napilitan namang tignan at pagbuksan ni Jakey ang taong nag door bell.
Raffy: "Uy Jakey anong ginagawa mo dyan? Dyan ka na ba nakatira? *biro ni Raffy*
"Baka naliligaw lang ng bahay" *dag dag ni Karlo*
Jake: "Ewan ko sa inyo! Ano bang ginagawa niyo dito at nambubulabog kayo ha" *becky tone sabay pamewang*
"Ikaw nga dapat ang tinatanong namin kung anong ginagawa mo dyan e" *pang asar pa ni Wayne*
Magsasalita pa sana si Jakey pero dumating si Jacob at sumingit sa usapan nila.
Jacob: "Ano bang nangyayari dito bakit ang ingay nyo?"
Raffy: "Pre yayain ka sana namin mag basketball"
Karlo: "Oo nga pre pero hindi pa kasi kami nag aalmusal eh" *Paawa effect ni Karlo sabay himas sa tiyan*
Alam naman ni Jacob ang ibig sabihin ng kaibigan kaya naman pinakain na lang niya ang mga ito sa kanila. Pagkatapos ay nag basketball na sila. Sina Julia na lamang ang natira at naisipan namang umuwi ni Jakey sa kanila.
Jakey: "Julia uwi na ako ha"
Napansin naman ni Jakey na tahimik at malungkot si Julia kaya naman nilapitan niya ito niyakap mula sa likod pinatong nya naman ang baba niya sa shoulder nito.
Jake: "Bestie may problema ba?" *pag alala tone*
Julia: "Nami miss ko lang kasi si Mama" *palusot nito*
Jake: "Okay lang yan. Uuwi rin yun si Tita, alam mo naman na ngayon lang ulit yun nakapag out of town"
Ngumiti na lang si Julia, medyo napagaan naman ni Jakey ang loob nya. Umuwi na muna sa bahay nila si Jakey.
Rose: "Jake ang aga aga wala ka dito sa bahay. San ka ba nagpunta?"
Jake: "Doon lang kela Julia, nakatulog kasi ako kase inatake si Julia ng Insomnia niya kagabi kaya sinamahan ko"
Rose: "Ano anak? Magkatabi kayo matulog?" *gulat na reaksyon*
Jake: "Opo Ma, nakatulog nga kasi ako"
Rose: "Tapos ano nangyari?" *medyo na e-excite pa*
Jake: "Bakit ma? Ano ba dapat mangyari?"
Rose: "Alam mo na yun. So walang nangyari?"
Jake: "Ano bang pinagsasabi mo ma? Nakakadiri ka!"
Rose: "Ito naman anak syempre kapag ang isang babae at lalaki magkatabi natulog malamang may mangyayari don"
Jake: "Wala ma. Wala! Walang nangyari. Kung ano anong pinag iisip mo nakakaloka ka"
Tumawa na lang ang mama ni Jake. Kung magkakaroon kasi ng jowa na babae si Jakey ang gusto ni Rose ay si Julia, mabait kasi ito at kilala na niya mula pagkabata pa. Ganoon din ang Mama ni Julia na si Ellen kung magkakaroon ng boyfriend ang anak niya boto siya kay Jakey. Pero hindi naman nila mababago kung anong kasarian ang mapupusuan ni Jake at kung bestfriend nga lang ba ang tingin nito kay Julia.
Naisip naman ni Jake na mag outing sila ngayong bakasyon kasama si Julia at Jacob. Isinama na rin nila sina Raffy, Karlo, Wayne, Jacob, Archie, Sam at Xyriel. Walang alinlangan namang sumama ang buong tropa sa kanila.
~Hanggang dito lang po muna. Thank you po sa mga nakabasa 😁
Sana po mag vote din kayo bawal po ang silent readers hehe :)
BINABASA MO ANG
Ang Bestfriend kong Gay
FanfictionIsang merlat at isang beki na mag bestfriend na magmamahalan sa hindi mo inaasahan