Chapter 4: Outing

40 2 1
                                    

Ito ang unang outing nila Jake at Julia kasama ang mga kaibigan nila. Hindi kasi sila pinapayagan noon ng mga magulang nila dahil masyado pa silang mga bata pero ngayon nasa tamang age na sila. Exciting ang first out of town nila.

Habang nag pa-pack up na sila ng mga gamit nila sa Van may nakita naman si Julia na mag ama na sweet na nag ba bike sa village nila. Bigla naman siyang nakungkot at naalala ang Daddy niya. Napansin naman ito ng kaibigan niyang si Xyriel kaya lumapit ito at tinanong siya.

Xyriel: "Julia okay ka lang ba?"

Hindi naman sumasagot si Julia at nakatingin pa rin siya sa dalawang mag ama. Naluluha luha na rin siya kaya naman niyakap na lang niya si Xyriel.

Xyriel: "Sige Julia iiyak mo lang yan" *himas sa likod*

Julia: "Ang sakit Xy, ang sakit sakit" *umiiyak*

Xyriel: "Naiintindihan kita Julia alam kong masakit ang iwanan ng isang ama. Wag ka na umiyak ha, nandito naman kami ng kaibigan mo para sayo"

Julia: "Thank you Xyriel sa pag comfort"

Medyo gumaan gaan naman ang loob ni Julia pero hindi pa rin mawawala ang sakit na naramdaman niya sa pag iwan sa kanila ng Daddy niya.

FLASHBACK

Masaya ngayon ang Mama ni Julia na si Ellen dahil anibersaryo nila ng kanyang asawa. Naghanda ng maraming pagkain si Ellen at maraming candles at petals ng roses sa table na gagamitin nila.
Sa paghihintay nila hindi pa rin dumadating ang Daddy niya. Nag aalala naman si Ellen dahil baka kung napaano na ang kanyang asawa, kaya naman tinawagan niya ito ngunit hindi sumasagot. Naghintay pa sila ng isang oras pero walang dumating, naisip na lang ni Julia na pagpahingahin ang Mama niya.

Julia: "Mama mag rest ka na, mukhang hindi na ata dadating si Daddy"

Ellen: "Hindi, dadating yun maniwala ka. Alam mo naman na may trabaho yun ngayon baka busy lang"

Nalungkot naman si Julia dahil naawa na siya sa paghihintay ng Mama niya.

Julia: "Pero ma quarte to 1 na pero wala pa rin siya. Hindi na dadating si Daddy ma"

Hindi naman nag pa awat si Ellen kaya naman kahit pinagsabihan na siya ng anak niya ay hindi pa rin siya nakinig at naghintay pa rin na baka sakaling dumating ang kanyang asawa. Ngunit sa ilang oras na paghihintay niya, hindi talaga ito dumating.

Kinabukasan

Biglang nag alarm ang orasan ni Julia at napabalikwas naman siya ng gising, naalala niya ang Mama niya kaya nagmadali siyang pumunta sa kwarto nito.
Nakita naman niyang tulala ang Mama niya.

Julia: "Ma" *niyakap niya ito*

Ellen: "Anak, dadating ang Daddy mo. Tumawag siya sakin kanina lang may importante daw siyang sasabihin"

Julia: "Tumawag lang siya?"

Ellen: "Oo anak may importante daw siyang pinuntahan kagabi kaya hindi siya umabot"

Nasa isip naman ni Julia na mas imporante pa pala ang pinuntahan ng tatay niya kesa sa araw nila ng asawa. Bigla namang dumating ang Daddy niya.

Ellen: "Rafael" *bigla niya itong niyakap*

Kumalas naman si Rafael sa pagkakayakap ng asawa.

Ellen: "Sabi ko sayo anak dadating ang Daddy mo"

Jacob: "Dad?"

Ang Bestfriend kong GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon